A/N:
Kahit wag niyo nang basahin ok lang. :D
Binago ko na po yung title. Yung bagong Cover nasa gilid po.
Any suggestions? Violent reactions? Paki comment nalang po :D
Anyway may Book 2 na... Wag nyo po akong patayin.
May prequel din pero di ko alam kung susundan ko pa ng chapters... nakadugo ng ilong... click nyo po yung external link. Isang Umaga at Takipsilim ang title.
Sensya na po.
Mag dudugo din ang ilong nyo dito..
**************************************************************************************************
"Will you stay with me forever?"
"Yes."
Dinig na dinig ni Luna ang pag sagot ni Isabelle, kasabay din nang pag suot ng singsing ni Alejandro sa daliri nito.
Napangiti nalang siya habang marahang binabaybay ang mahabang pasilyo pabalik sa aklatan.
'Rimarrai per sempre con me?'
Naalala pa niya na ititanong din sa kanya iyon ni Antonio. Kasabay nito ang pangakong mamahalin siya habang buhay. Isang pangakong agad na nalimutan ng matagpuan nito uli si Hanan.
Kumirot na naman ang kanyang puso tuwing naaalala ang matalik niyang kaibigan.
Alam noon ni Antonio na huli na ang lahat, na kabiyak na ito ng kanilang kinikilalang hari. Nag dadalang-tao na sa mga tagpagmana nito.
Napakasakit ngunit tinanggap niya. Sa kabila ng pagsilang niya kay Alejandro, pilit paring binabalikan kanyang asawa ang dating kasintahan. Na sa loob ng ilang taon nilang magkasama, si Hanan parin ang mahal nito.
Siguro'y ito rin and dahilan ng kaibigan kaya mas pinili nitong lisanin nalang ang mundo pagtapos magsilang. Mas matatahimik silang lahat at mapipigilan ang pag-usbong ng gulo.
Naalala pa niya ang pagwawala ni Antonio nang dumating sa kanila ang balita ng pagpanaw nito. Siya ang sinisisi nito sa sinapit ni Hanan. Ngunit kahit na anong lakas niya, hindi niya kayang pigilan ang kabiyak. Hindi niya kayang saktan dahil sa kabila ng lahat, iniibig parin niya ito
Si Alejandro ang tumapos ng sa buhay ng sariling ama. Ito rin ang dahilan nang galit na pilit na tinatago nito sa kalooban. Galit na nagsilang sa mala halimaw na pagkatao nito.
Nagbugtong hininga na lang siya sa pag alaala sa nakaraan.
Alam niya ang parusang maaring ipataw sa kanyang anak ng Mataas na Konseho. Kaya siya ang sumalo sa lahat. Siya ang umako ng lahat kasalanan nito.
Hindi man siya pinarusahan ng kamatayan, higit pa roon ang ipinataw sa kanya. Ikinulong siya sa lugar na ito at pinagbitiw ng isang pangako. Isang pangakong tumatali sa kanyang mga kamay magpasahanggang ngayon.
Napatigil siya pag-alala nang madinig niya ang mahinang paghikbi ni Isabelle. Napatigil din siya paglalakad at bahagya siyang lumingon. Inaaalo na pala ito ni Alejandro, marahang hinahaplos ang likod para matigil na sa pag iyak.
Alam niya ang labis ang kasiyahang nadarama nila. Sa kakaunting panahon, marami na silang pinagdaanan, saksi siya doon.
Sa wakas matatahimik na ang loob niya. Natagpuan na niya ang babaeng makakapagpanatili ng diwa ni Alejandro.
Ang kailangan niya lang gawin ngayon ay magbantay. Maghintay. Magmasid kung kailan mag uumpisang kumilos ang kalaban.
"Luna."
Dinig niya ang pagtawag ng pangalan.
Ang babaeng bubwit na naman. "Sofia. Bakit ka narito?"
"Katulad mo, nanonood sa kanila," Sabi nito sa kanya. "Yun lang naman ang kayang mong gawin hindi ba?"
Alam niyang sa lahat, ang maliit na babaeng ito ang nag-iisang walang takot sa kanya.
Alam niya rin ang pinag gagawa nito. Alam niyang ito ang nag utos sa mga manunubos na sugurin ang tinutuluyan ni Alejandro at ni Adelina. Kasamaang palad nga lang, ang anak ni Hanan at ang kasintahan nito ang naaubutan nila.
Pero tama ang batang ito. Wala siyang magawa kundi manood sa mga nagaganap sa sarili niyang pamilya.
"Wala ka paring galang." Sabi niya dito.
"This is my territory, I'll do whatever I want. Inilipat na sa’kin ang Paradiso ni Alejandro, hindi mo ba alam?"
Malinaw ang pagkakasabi nito sa kanya. Pero imbis na malungkot ay ikinagalak pa niya ang balitang iyon.
"Ang saklaw lamang ng aking pangako sa Mataas na Konseho ay ang mga teritoryo ng aking anak. Doon ko lamang siya hindi maaring kausapin at lapitan. Doon lamang ako hindi maaring manakit ng kahit sinong kasapi ng angkan ninyo," sabi niya dito.
Naalala pa niya ang malaking lalaking muntik nang gumawa ng masama kay Isabelle sa aklatan. Hindi niya ito nakilala kaya't hindi niya pinigilan ang sariling parusahan ito.
Mabuti at napagtanto niya agad na pinsan pala ito ni Alejandro.
"Kung ganoon naman pala, malaya na akong makakagalaw sa lugar na ito. Dapat pala ay tinuluyan ko na ang babaeng iyon kanina."
Kita niya ang pag kunot ng noo ng bata sa kanyang sinabi.
Napangiti siya.
Hindi niya akalaing maiisip iyon ni Alejandro. Ang Paradiso ang nagsilbing kulungan niya sa loob ng mahabang panahon. Oo nga't gumawa na ang kanyang anak ng paraan para maging matiwasay ang pananatili niya dito. Pinaganda na nito ang dating sira sirang simboryo at hardin. Pinagawan din nito nang aklatan para may mapagkaabalahan siya.
Hindi lang pala iyon. Pati ang kalayaan niyang gumalaw ng walang alinlangan, makukuha niya sa lugar na ito.
Mahusay.
"Umalis ka na dito." Isa iyong utos galing sa bata.
Ngumiti siya ulil.
"Hindi ako maaring umalis. Nakalimutan mo na bang nakakulong ako dito ayon sa inyong batas. Kung nais mo akong paalisin, kausapin mo ang inyong Mataas na Konseho para mapalaya na ako."
Kita niya ang pag-igting ng bagang ng batang babae. Ang pagpapalit sa matingkad na bughaw nang kulay ng mga mata nito.
Ikinumpas niya ang kanyang kamay at napaatras ito sa ding ding.
"Bata, bata, binabalaan kita," sabi niya dito.
"Huwag na huwag mong kakaintiin ang aking anak.
Hindi mo magugustuhan ang aking gagawin."
"I have no reason to do that." Ngumisi lang si Sofia habang umaalis sa pagkakasandal sa ding ding.
Tama nga, malakas nga ang taglay na kapangyarihan nito. Nagawa nito maka alpas sa ginawa niya.
"Hindi ako naniniwala, bubwit."
"Whatever, old hag," sagot ni Sofia sabay ngiti. Tinalikuran na siya nito at naglakad na papalayo. "I'm not afraid of you."
Hindi, bata. Dapat kang matakot.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...