28: Deal with the Devil

16.3K 315 25
                                    

Chapter 26: Deal with the Devil

Make him fall for you.

Huminga nalang ng malalim si Isabelle. Hindi niya alam kung bakit nagrereplay sa utak niya ang mga sinabi ni Pierre.

Anong bang pumasok sa kokote ng isang iyon? Saka paano niya gagawin? Paano niya aakitin si Alejandro?

NBSB siya. No Boyfriend Since Birth. Ni hindi nga niya maranasang ligawan. Walang nagkakamali. Akala nga niya tatanda na siyang dalaga. Magreretire sa probinsya. Mag-alaga ng kalabaw tapos magtatanim ng kamote.

Tapos hindi naman siya masyadong kagandahan. Lalo na kung ikukumpara mo kay Raven na dating asawa nung mokong na yon. Dyosa ang bestfriend niya, siya, hamak na hampaslupa lang.

Nagbugtong-hininga nalang siya. Nauubos na pala niya ang pangatlong blood packs na nainom niya.

Tama nga si Pierre. Masasanay din ang panlasa niya. Hindi na sya nandidiri tulad ng unang higop niya dito.

Pero nung pinilit siyang painumin ni Alejandro wala naman-- shet naman pano nga niya malalasahan ng mabuti, eh nakahalik sa kanya yung mokong yun.

Pero iba talaga.

Matamis sa panlasa niya ang dugo ni Alejandro. Ang sarap tikman. Nakakaadik.

Tumayo siya sa kama tinapon ang ubos na lalagyan ng dugo sa maliit na trash bin. Parang nakakakunseniya. Ang daming nangangailangan ng dugo sa Pilipinas, eto siya, nilalagok lang.

Pero kailangan niyang mabuhay. Desidido na siya. Makakaalis pa siya dito at si Pierre ang pag-asa niya.

Nadinig niya ang pagbukas ng pinto. Nandyan na yung mokong, nakita niyang nakakakunot ang noo nito nang pumasok. Mabilis siya nitong nilapitan.

"Isabelle?"

Hinawakan nito bigla ang kamay niya. Yung parteng kinadena siya. Nagtataka siguro kung pano sya nakaalis.

"Hindi mo na dapat ako kinadena," mabilis niyang binawi ang kamay. "Hindi na ako tatakas. Wala akong na akong ibang mapupuntahan."

"Sorry,"

Sorry? Ganun nalang yun?

"You’re just too weak. Hindi mo kakayanin ang init sa labas kung tatakas ka uli. Hindi na rin kita masusundan," sabi nito sa kanya. "It was the only thing I can think of."

Nag-alala ba to? Ang sweet namang mag-alala. Nangangadena.

Napansin niyang bagong shower si Alejandro. Basa pa ang nakalugay na buhok. Naamoy pa niya ang aftershave. Kahit naka T-shirt at faded jeans lang, gwapo parin.

Shet. Ano ba. Nasasaniban ka nanaman ba Isabelle?

Tumingin ito sa paligid bago lumipat uli ng tingin sa kanya.

"Pierre was here?" tanong nito.

Tumango siya. Umiwas siya ng tingin.

Kanina pa si Pierre nakaalis. Tinuruan muna siya kung paano inumin yung blood packs na nasa cooler. Kailangan niya daw para di siya manghina. Kailangan daw niya ng lakas para sa plano nito.

"Kailangan na niyang tigilan ang paghabol sa kapatid ko Isabelle," seryoso ang tono ni Pierre. Nakaupo parin ito sa gilid ng kama niya. Nakatitig kung saan.

"Hindi lang matanggap ng ego niya na iniwan siya. Alam kong hindi naman niya talaga mahal si Angelique. And after all that he did, malabong bumalik pa ang kapatid ko sa kanya."

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon