67: Run Away

12.2K 271 10
                                    

Party.

Isang malaking party. Iyon pala ang ibig sabihin ng salo-salo dito. Ang daming tao. Ay hindi pala. Di nga pala tao ang mga nandito.

Di niya akalaing ganto pala sila karami. Di niya mabilang. Mga nasa hundreds yata. San ba galing yung mga bisitang to?

Nakatayo lang si Isabelle sa isang tabi. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Birthday pala ni Sofia. Wala man lang nagsabi sa kanya iyon pala ang okasyon.

Wala rin naman ang may birthday sa party, di din niya mababati.

Victorian ang tema ng party. Mula sa dekorasyon, hanggang sa damit ng mga tao, pakiramdam niya nasa lumang panahon siya. Elegante ang mga suot. Nakagown ang mga babae. Nakatuxedo ang mga lalaki.

Maski siya, kailangang makibagay. Naka-costume din siya. Masikip nga lang ang pagkakatali ng corset na pinasuot sa kanya at di siya gaanong makahinga. Kinailangan pang magpatulong sa mga maids para maisuot din ang pulang gown na ibinigay nila Cat na maraming ruffles sa likod. Hindi siya komportable. Ang hirap kumilos.

Idagdag pa ang mabigat na headress na inilagay sa ulo niya matapos siyang ayusan ng mga maids. May feathers at flowers pa. Hindi niya alam kung paano nila ito naikabit ng maayos sa nakapusod na buhok. Nasasakal na din siya sa choker na suot.

Huminga nalang siya ng malalim. Ganto ba kahirap ang pinagdadaan ng mga babae noon kapag may party sa kanila? 

May mga wine glass na hawak ang karamihan. Halo-halo na ang amoy, di niya malaman kung sino ang may hawak ng dugo o alak sa kanila. Busy sila pakikipagusap at pakikipagtawanan. Yung iba naman tahimik lang na nanonood sa mga nagpe-perform.

Buti na nga lang at walang pumapansin sa kanya sa dito. Di niya alam kung sino ang kakausapin. Nao-OP na siya pero wala naman siyang magawa.

Tumutugtog ngayon si Mario ng piano habang nakatayo sa tabi ang asawa nito na tumutugtog naman ng violin. Sila ang pinapalibutan ng mga bisita.

Ang sweet tingnan. Bagay na bagay nga silang dalawa. Nakaka-inggit.

"I like your dress, Isabelle."

Nasa tabi niya pala si Pierre, di niya napansin. Naka coat ito na mas mahaba ang likod. Nakatophat pa. Bagay. Lalong gumwapo. Bagay din sa tema ng party.

"Hindi ako nga makahinga," sabi niya dito. "Masikip."

"I can see that," ngisi naman nito. "Nasisikipan sila."

Nakita niya ang mga mata nito na nakatingin sa dibdib niya. Parang push-up pa naman ang epekto ng corset na suot sa loob ng gown. Off-shoulder ang pangtaas at mababa ang neckline, para tuloy gustong kumawala ng mga dibdib niya dito. Napatakip tuloy siya ang dalang pamaypay.

"Bastos ka ha." Nguso niya dito.

Tumawa lang si Pierre. "Biro lang."

"Anong nangyari kanina?" tanong niya  Di talaga mawala sa isip niya ang nangyari kay Carina. May duda siyang may kinalaman ito.

"Dunno. Kayo ang nandon Ish," sagot nito. Humigop ito ng sa basong hawak.

Wine. Naamoy niya. Nalalasing ba ang mga bampira?

"Nakita kita sa bintana. Nakasilip ka," sabi niya dito. "At magkasama daw kayo kagabi."

"Yes. We spent the night together. So what." Ngumisi lang ito.

Confirmed na. Magkasama nga sila.

Nailang siya bigla sa titig ni Pierre. Parang may binabasa sa kanyang kung ano. Umiwas nalang siya ng tingin.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon