Walang nagbabantay sa reception area kaya umakyat na siya ng hagdan. Hindi na gumagana ang elevator. May mga CCTV siyang nakitang naka-install doon pero wala siyang presensyang nararamdaman ng kahit ano. Kahit na sino.
Occasional lang siguro ang paggamit sa lugar na ito. The Valerius loves to travel, kaya nga marami silang teritoryo sa iba't ibang lugar. Ginagamit lang siguro ito pag may okasyon
May pagtatalong nangyayari sa taas. May boses babae siyang naririnig.
Tama si Fritz. May ibang babae na nga si Alejandro.
"Don't leave me Al!" dinig niya ang boses nito. Isang floor nalang nasa palapag na siya kung saan ang kwartong may ilaw. Binilisan niya ang pag-akyat.
And there he is. Nakatayo sa gitna ng hallway, habang may babaeng nakalingkis sa braso nito.
Ni hindi nga siguro nahagip ng mga ito ang presensya niya. Bad timing ata ang pagpunta niya dahil mukhang nasa gitna ito ng LQ.
And the hell? What the f*ck do I care kung mag-away sila?
"Alejandro."
Sabay itong napatingin sa pagtawag niya. Kitang-kita niya ang pagtataka at pagkagulat ng mga mukha nito.
"Papaano ka nakapasok dito?!" tanong ng babae. Mukang nakilala siya. Unti-unti itong bumitaw at umatras.
Maganda. Matangkad. Di na siya magtataka na ito ang ipinalit sa kanya. Nakasuot lang ito ng robe, hindi na niya rin kailangan hulaan kung anong nangyari dalawa.
Kaso medyo shonga lang. Duh?
"As far as I know, I'm still a Valerius. Pag-aari ko rin ito, I don't need to be invited." sabi niya.
Bumaling siya sa dati niyang asawa. Hindi parin nagbago. Gwapo. Matangkad. Malaki ang pangangatawan. Lahat ng physical characteristic na paglalawayan ng mga babae.
No wonder why she fell for those. She was so innocent back then.
"Angelique." tawag nito sa kanya.
She flinched. Kumati ang kamay niyang bunutin ang baril na nasa likod niya. Ang tagal nang nangyari pero parang kahapon lang ang lahat sa alala niya.
Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. This is not the time to be vengeful. Lalong lalaki ang gulo kung mapapatay niya ito.
"Can we talk?" tanong niya.
Tumango ito.
"Carina, umuwi ka na," utos ni Alejandro sa babae.
"B-but.."
"Bumalik ka na sa Paradiso."
Ganoon parin pala ito. Masyadong dominating. Kahit gaano kakalmado, kung makapag utos, parang siya ang hari ng lahat.
Nagmadali ang babae na magkalad papaalis, pababa ng hotel. Nang nakarobe lang.
Hindi man lang nagbihis?
Ni hindi siya nilingon ng lampasan siya nito.
I see now, she's not a true blood. And Alejandro needs an heir. Kaya ba aalis na ito sa Coven nila?
"Angelique." tawag nito uli. Naglakad na ito papalapit sa kanya.
"Keep your distance, Alejandro,"
Baka kung anong magawa niya dito. "I just want to talk."
Tumigil din ito ilang dipa ang layo sa kanya. Nakatitig lang. Dinig niya ang mabilis na paghinga nito.
"You've changed." sabi nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...