Twin?
Sabi na nga ba may kamukha tong mokong na to, naisip ni Isabelle. Hindi lang mahagip ng utak niya.
Angelique? Pero wala siyang kilala na ganon ang pangalan.
"Isabelle?" tanong ni Pierre.
Di siya makapagsalita. Nakatunganga lang siya sa gwapong mukha nito. Sino ba talaga. Alam niyang meron talaga, di lang niya maalala. Nagkaamnesia ba sya dahil sa aksidente?
"Hey, Ish?" tanong nito uli.
Ish?
Isa lang ang naalala niyang tumatawag sa kanya ng ganon
Shet.
Oo nga. Siya nga.
"Si Raven." Bigla nalang niyang nasabi. Magkamukha nga sila. Mas soft nga lang ang features ni Raven. Ang kaharap niya ngayon, lalaking lalaki ang hitsura. Matangkad. Mas matangkad sa kanya. Pero di siya pwedeng magkamali.
Pero mukhang mas matanda ang isang ito sa kaibigan niya. Sabagay baby-faced si Raven. Wala ngang nakakahula na twenty four na yun eh.
"Raven?" Ulit nito. Napa 'o' pa bibig. "Raven na nga pala ang pangalan niya ngayon. Dove kasi nung huli kaming magkita. I remember, naikwento na siya sakin nung huling nag-usap kami."
"Medyo cliche no? Maraming character sa Vampire Novels na ganon ang pangalan. Buti nga wala pang nakakabuko sa kanya. Malaking problema yun pag nakataon."
Napanganga nalang siya.
Kung si Raven ang kakambal ng Pierre na ito. Si Raven ang hinahanap ni Alejandro na asawa niya. Si Raven din ang pinuntahan nito sa apartment, nagkataon lang na nandoon siya.
Pero imposible. Apat na taon silang magkasama sa bahay. Madalas silang pumunta sa beach, di naman ito nasusunog sa araw. Kumakain naman ito ng normal na pagkain. Garlic chips nga ang paborito nito. Saka takot din ito sa dugo. Kahit maliit na sugat ayaw nitong makakakita. Maski pag may monthly period nga siya, hindi ito halos umuuwi, iniiwasan siya.
Shet.
Bigla siyang nahilo. Nanlambot ang tuhod niya. Buti naalalayan siya ni Pierre sa pagtayo.
"Ok ka lang?" tanong nito. "Hindi mo ba alam?"
Umiling siya. All this time, bampira din ang kasama niya sa bahay? At bestfriend pa niya? Pero bakit? Ba’t nagpanggap pa si Raven na ordinaryong tao? Bakit di sinabi sa kanya?
"Bakit niya iniwan si Alejandro?" Di niya alam kung bakit sa dami nang tanong na tumatakbo sa utak niya, iyon pa ang lumabas sa bibig.
"You're here," nakita niya sa si Alejandro na nakatayo sa pinto ng kusina. Buti di na ito nakatopless ngayon. Naka puting Tshirt na uli. "Bakit wala ka sa kwarto mo, Isabelle?"
"Nagutom siya. Pinainom ka muna ng juice," sabat ni Pierre. "Ano bang balak mong gawin sa kanya. Pain sa kapatid ko? Desperado ka na ba talaga?"
"None of your business, Pierre. Why are you here?" Matalim nitong sabi. Hinablot siya nito sa sa braso papalapit.
"Aray!" Aksidente niyang natapakan ang bubog sa sahig. Malalim ang sugat sa kanang paa niya. Mabilis ang pagdaloy ng dugo.
"Ish!" Nag-aalalang lumapit si Pierre pero natigilan ito. Napalunok. Mukhang di makagalaw sa kinatatayuan. Nakatitig na pala ng masama si Alejandro dito nang mapatingin siya.
"Why are you so clumsy, woman." tanong nito.
Clumsy ka diyan. "Ikaw yung humila--" di na niya natuloy ang sasabihin ng binitbit siya uli siya sa bisig nito. Hindi niya alam kung pipiglas ba siya o ano. Awkward dahil alam niyang kutis kamatis na ang pisngi niya dahil naalala niya ang ginawa nito sa kanya kanina.
Napatingin siya dun sa isang mokong. Nakakunot ang noo nito. Mukhang galit.
Sayang mas gwapo pa naman pag nakangisi.
"Hindi na siya babalik sayo," sabi ni Pierre ng makitang binibitbit na siya papalayo. "Ibalik mo na siya bago ko isumbong sa Valeruis ang ginagawa mo. Sa tingin mo papayag sila?"
"Still, none of your business." Ulit nito. Paakayat na sila ng hagdan.
Anong papayag?
"This is still my house, Al." Rinig niyang habol ni Pierre ng tuluyan na silang makaakyat. Naiwan na ito sa kusina mag-isa.
Napalapit sa tenga niya ang dibdib ni Alejandro. Naririnig niya ang tibok. Malakas. Mabilis.
"Bakit?--" Nasa kwarto na pala uli sila. Inilapag siya ng marahan sa kama at umupo ito sa tabi niya. Itinaas ang paa niyang nabubog at inilapag sa isang unan.
Nakahiya naman. Ang dungis-dungis ng legs niya. Maputik pa ang mga paa.
Pero mabuti naman makinis yon. Nahagip pa niya si Alejandro na saglit na napapatigtig doon at umawang ang bibig. Agad din itong napatikom nang nakita nitong nakatingin na siya.
Inirapan nalang niya ito.
Manyak talaga.
"This may hurt," sabi nito.
Dumudugo parin pala ang sugat. Lalong humapdi ng hinawakan ito ng mokong.
Tinanggal nito ng dahan-dahan ang malaking tipak ng bubog sa paa niya. Bumaon pala ito ng malalim. Di niya napigilang mapangiwi sa sakit at napapikit.
Sana yun lang ang gawin ng mokong na to. Ngayon pa na nalaman niyang matalik na kaibigan niya ang asawa nito. Sana wag na siyang halikan o ano pa man.
Nang magmulat siya, nasa tabi parin niya si Alejandro. Tiim banggang lang na nakatitig sa sugat niya. Pula ang mga mata.
Kinabahan siya sa reaksyon nito. Sasakmalin na ba sya? Ganoon ba sila pag nakakakita ng dugo? Nakakatakot naman.
Mayamaya pa ay nag iwas na ito ng tingin. "Damn,"
"Al--?"
Tumayo na ito at sinuklay ang buhok.
Hanggang balikat pala iyon kapag naka lugay. Shiny. Mukhang ang sarap hawakan.
"I brought you some clothes," sabi nito. Napansin nga niya ang apat na malaking paperbag nasa tabi ng kama. "Kung gusto mo magshower, may bathroom sa dulo ng hallway. Feel free to use it."
Napatango nalang siya. Napansin niya na tumigil na sa pagdugo ang sugat niya. Nawala na ang ang sakit.
Magic?
"And Isabelle,"
Bigla siyang napalingon. Papalabas na ito uli ng kwarto. "Stop talking to him."
"O-okay." Kanino ba? Kay Pierre? "San ka pupunta?"
Ano ba? Bakit ba niya tinatanong ang kidnapper niya kung saan ito pupunta?
"I'll take a shower," kahit na mahina, dinig niya iyon. "You should."
At tuluyan na nitong isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...