"Isabelle,"
Nagising siya sa mahinang pagtapik sa ni Alejandro sa balikat niya. Nakatulog pala siya buong byahe. Malala na yata ang pagiging antukin niya.
"We're here."
Inilalayan siya nito pagbaba ng kotse. Hindi siya binibitawan. Ingat na ingat sa bawat hakbang niya.
"Umm.. kaya ko na." sabi niya kay Alejandro.
Ngumiti lang ito sa kanya.
Hindi niya talaga maintindihan ang sarili kung bakit sa simpleng ngiting yun umiinit na naman ang pisngi niya.
"Isabelle!" Sinalubong agad sila ni Cat. "Welcome back!"
Pero kahit na masaya ang bati nito sa kanya. Nakakaramdam parin siya ng kakaiba. Mabilis ang tibok ng puso nito. Kinakakabahan.
Kinakabahan na din tuloy siya.
"What happened?" tanong ni Alejandro.
At ayun na nga. Nakita niya ang pagngiwi ni Cat bago nagsalita. "Muntik ng makatakas si Carina."
Kumunot ang noo ni Alejandro sa ibinalita nito.
Bakit? Ano bang nangyari dito nung wala siya?
"I'll take care of it," sabi ni Alejandro. "Ihahatid ko muna si Isabelle sa kwarto."
"Hindi, sasama ako. Gusto ko siyang makita." Pigil niya.
Napitingin si Alejandro sa kanya. "My, love, you still need to rest."
Umiling siya. "Gusto ko din siyang makausap."
Sa totoo lang, hindi niya maintindihan kung bakit naging ganoon si Carina sa kanya. Alam niyang may matinding dahilan yon.
"I really think kailangan din siya doon." Sabat naman ni Cat.
Huminga nalang ng malalim si Alejandro. Wala rin itong magawa. Inalalayan nalang siya paakyat ng hagdan habang nakasunod si Cat sa kanila.
Hindi parin mawala sa kanya ang kaba. Haharap uli siya sa ibang kaanak nito. Alam niya ang maaring isipin nang mga yon sa kanya.
Sa kanila.
Hindi niya alam kung matanggap ng mga ito ang magiging anak niya.
"Isabelle!" Nagulat nalang siya bigla siyang salubungin ni Mario pagbukas palang pinto. Napatingin ito sa tyan niya at lalong lumawak ang ngiti.
"Congratulations Al! Naunahan mo ako!"
Ngumiti lang si Alejandro at nakipagkamay.
"Let her sit, Mario. She looked tired." Si Ines naman ang nagsalita. Ramdam parin niya ang pagka-ilang nito. Pero at least naman pinapansin na siya.
Inalalayan siyang umupo ni Alejandro sa sofa. Napansin niya na nag-iba ng ayos ang opisina. Wala na yung malaking office table. Nagmukha tuloy trono yung executive chair na nasa likod noon dati.
Wala na ring mga roses sa paligid. Hindi na yata naasikaso ito noong umalis siya.
Bumukas uli ang pinto. Sumulyap lang si Conztanza sa kanya bago tuluyang pumasok. Hindi ito umupo sa dati nito inupuan at tumayo lang sa isang tabi.
Hindi niya alam ang nangyayari pero binabalot na siya ang kaba.
"Relax, my love." Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Alejandro sa kamay niya.
Ngumiti nalang siya ng pilit.
Maya-maya pa pumasok na si Sofia. Kasunod noon si Carina na may silver na cuff sa leeg. Nakasunod dito yung kambal na may puting buhok.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...