45: Shattered

14K 293 8
                                    

Napahawak siya sa leeg habang nasa harap parin ng salamin. Bakit ba siya nilagyan ng ganto ng mokong na yun?

'You belong to him, you are his property.'

Ano siya, gamit na nilagyan ng tag?

Huminga muna siya ng malalim.

Kalma muna.

Shet naman. Paano ako kakalma. Minarkahan ako ni Al. Kelan ba niya ito ginawa? Ito ba yung parusa ko noon?

Naupo siya sa kama. Ang lambot. Ang laki. Queen size. Tuluyan na tuloy siyang napahiga at gumulong.

Masarap pala sa balat ng satin na bedsheets. Ang dulas.

Dalawa din ang pala ang CR dito. Ang dami pang kandila.

Parang pang honeymoon suite.

Shet.

Napatayo siya bigla. Inayos niya ang damit at ang buhok Hindi naman siguro dito tutuloy si Al? Magkasama sila sa kwarto? Magkatabi sila?

No. No. No.

Kailangan niyang madistract ang sarili. Hindi talaga siya kakalma dito sa kwarto. Hindi siya makapag isip ng maayos. 

Library.

Tama Library. May library daw dito sabi ni Carina.

Lumabas na siya ng kwarto bago pa lumipad papunta kung saan ang utak niya.

Third floor, door to the right

Sinundan niya ang direksyon sinabi ni Carina. Maya maya pa nasa tapat na siya ng malaking pinto.

Malamang ito na yun. Obviously.

Library.

Elegante itong nakaukit sa taas. Itinulak niya ito at dahan dahan itong bumukas. 

"Wow."

Ang laki. Ang lawak. Amoy lumang papel.

Dalawang floor ang library. May balkonahe sa dalawang gilid at may antique na spiral na hagdan papaakyat. Punong puno ng mga libro. May mga nakakalat pa nga sa sahig. Nakakalula.

Mataas ang kisame nito na may glass window. Medyo maliwanag pa kaya nasisinagan ng araw ang buong library. Hindi naman ito masakit sa balat kaya tuloy tuloy lang siyang pumasok. Hindi niya alam kung ano uunahin niyang basahin, wala bang catalog dito?

Napansin niya ang isang tao sa taas. Babae. Nakaputi at mahaba ang alon alon nitong buhok. Hindi kita makita ang mukha dahil nakasandal ito sa isang railings ng balcony at nakatalikod sa kanya. May hawak itong libro at mukang busy sa pagbabasa.

Sino kaya yun? Kamag-anak din ni Al?

Dahan dahang siyang umakyat ng hagdan. Nacurious siya kung anong hitsura nung babae. Hindi niya alam, pero parang gusto niya talagang lapitan ito. Parang may magnet.

Pero wala na ang babae pag akyat niya. Hindi niya makita.

Di kaya white lady yun?

Biglang bumukas ang pinto. May mga yabag siyang narinig na papasok. Mabibigat. Panglalaki.

Baka si Al. Hinahanap na siya. Mabilis siyang bumaba ng hagdan pero wala uli siyang nakita

Di kaya minumulto na talaga siy--

"So you're Alejandro's new whore." Nagulat siya ng may biglang nagsalita. Matigas ang pag kakabigkas nito. Malayo sa accent ni Pierre.

Italian?

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon