Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered,...
Hindi alam ni Isabelle kung tama bang i-quote ang bible habang bampira ang katabi niya.
Parang ewan naman, bampira rin pala siya.
Hindi talaga niya alam, malay ba niya. Hindi pa siya naiinlove kahit kailan.
Hindi pa nga ba?
Napalingon siya kay Alejandro, nakahiga parin ito sa damuhan, nakaunan sa isang kamay nito. Mukhang naghinihintay parin ito ng sagot.
Napayuko nalang siya. Idinikit ang noo sa tuhod. "Hindi ko alam kung pano ko sasagutin yan, Al."
Naramdaman niya ang marahang paghila nito sa kanya. Bumagsak siya sa katawan nito. Kung di niya naitukod agad ang kamay baka tuluyan na siyang bumagsak sa--
"A-Alejandro." Ito nalang ang nasabi niya. Ilang pulgada nalang layo ng mukha nito sa kanya.
Marahan nitong kinuha ang kamay niya at pinatong sa dibdib nito. Sa puso.
Ang lakas, ang bilis ng tibok.
Tulad ng kanya.
"Can you feel it Isabelle?" Marahang tanong nito. "I never felt this way before. Hindi ko naramdaman ito sa kanya."
"Pero..." Sinubukan niyang lumayo pero pinigilan siya nito.
"I tried to fight it but I can't. Lalo lang lumalala. Alam kong mali, alam kong hindi pwede. Pero hindi ko talaga mapigilan."
Umiwas nalang siya ng tingin. Hindi nanaman siya makawala. Tinukod nalang niya ang siko sa gilid nito para di siya tuluyang matumba.
"When I finally found Angelique, nagdesisyon akong babalikan ko siya. Hihingi ng tawad. Gagawa ng paraan para maayos namin ang lahat."
"Pero bakit di mo ginawa?" Tanong niya. Eto rin ang sinabi sa kanya noong una, gusto niyang maibalik ang asawa niya. Desperado daw siya. Anong nangyari?
"Dahil sayo."
Parang huminto ang tibok puso niya sagot nito. "S-sakin? Pinagpalit mo talaga yung yung ilang taong paghahabol mo sa kanya dahil sakin?"
"Yes, I've stalked her for so long, pero nabago ang lahat ng makita kita."
Kumunot ang noo niya. "Hah? Kelan yun?" Ilang linggo palang noong nakidnap siya nito.
"Magkasama kayo noon. You were on the beach. Nakaputing damit ka, hinahangin ang buhok mo kasabay ng alon. You were humming a song habang naakaupo ka sa buhangin. Hindi ko na maalis ang tingin sayo. I actually thought you saw me that time. Nakapagtago pala akong mabuti."
Naalala niya. Last year yun, noong nagyaya si Raven sa beach. Tuwang tuwang naliligo sa dagat ang kaibigan niya habang siya nagpaiwan lang sa may buhanginan. Nakikinig siya noon ng bagong CD ng bandang paborito niya.
Ganon katagal na sila nitong sinusundan?
"Ang tagal na. Bakit ngayon lang." Kinagat niya ang labi. "Bakit ngayon ka lang nagpakita."
Kumuha muna ito nang hangin bago nagsalita. "Nung una, kuntento na akong bantayan kayo. Sundan kayo kahit saan," hinila siya nito uli. Napaunan siya sa balikat ni Alejandro. Nakakapawala ng ginaw ang init ng katawan nito. Hinayaan nalang niya ang sarili na tuluyang humiga sa tabi nito.
"But the time came na kailangan ko nang mamili. Paparating na ang mga hunters noon, alam kong hinahabol nila si Angelique. Pero kapag iniwan kitang mag-isa, mas mapapahamak ka."
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...