29: Weariness

16K 318 12
                                    

"Midnight, not a soundfrom the pavement

Has the moon lost her memory

She is smiling alone."

Napabugtong-hininga si Isabelle habang kumakanta. Ilang araw na rin ang lumipas nang lumipat siya ng kwarto. Pinadiskitahan nilang niyang itirintas ang buhok niya sa sa sobrang pagkabagot niya. Ang boring naman, naisip niya.

Ang dami na niyang nagawa. Nabasa na niya lahat ang ng mga lumang libro. Yung iba nga, kahit di niya maintindihan, binulatlat parin niya. Wala na siyang maisip nagagawin dahil di naman siya makalabas. Mabubulok na yata siya dito.

Paminsan-minsan sumasaglit si Pierre sa kwarto niya. Yun lang panahong may nakakausap siya. Yung nga lang ngayong araw, mukhang di na yata magpaparamdam.

‘Tok.’ Nadinig niya. Tunog ng kahoy na parang pinukpok. Hindi nalang niya ito pinansin at itinuloy ang pagkanta.

"In the lamplight,

The withered leaves collect at my feet

And the wind begins to moan."

Hindi niya maiisip kung papaano ginagamit nila Alejandro ang oras nila. Malamang mahaba din ang buhay nila tulad sa mga nababasa niya. Mamatay siya sa sobrang bagot kapag ganun kahaba ang itatagal niya.

"Memory, all alone in the moonlight

I can smile at the old days.

Life was beautiful then.."

‘Tok.’

Napangiwi siya. Saan ba galing ang tunog na yon?

Naiistorbo ang pagkanta niya. Parang background music na wala sa tono. Tumayo nalang siya sa kinauupuan. Hapon na siguro at mababa na ang araw, hindi na siya siguro masusunog kapag binuksan niya iyon.

Inislide niya ang malaking capiz na bintana at pumasok ang malamig na hangin sa loob. Malakas ang ihip, mukhang uulan mamayang gabi, naisip niya.

Tumingin siya sa labas. Maganda pala ang view dito. Kitang-kita ang mga matataas na bundok at—

‘Tok.’

Napatingin siya kung saan galing ang nakakairitang tunog. Nasa pangatlong palapag ang  kwarto pero malinaw parin niyang nakikita ang nasa baba.

May nagsisibak ng kahoy.

‘Tok.’

Si Alejandro? Pero bakit? Wala ba bang panggatong? Balak na ba nitong litsunin siya?

Walang itong suot na pang-itaas. Kitang-kita niya kung papaano gumalaw ang mga muscles nito habang binubuhat ang mga malaking kahoy sa sangkalan at gamitin ang malaking palakol para putulin ito sa gitna.

‘Tok.’

Kitang-kita din niya ang pagtulo ng pawis nito sa leeg.. Sa dibdib... Sa abs.. At sa..

"Nice view."

Halos napatalon siya sa gulat nang may nagsalita sa tabi niya. "Pierre!"

Nakatabi na pala ito sa kanya at nakasilip din sa bintana. Ni hindi niya ito narinig na pumasok o naramdaman man lang.

Napatingin siya sa baba. Nagpupunas na ng pawis si Alejandro. Maya-maya pa tumingala ito at tumingin sa kanila. Napaatras siya sa bintana na napaupo sa malapit na upuan.

Kumunot lang ang noo ni Pierre sa ginawa niya. "Bukas yung pinto, Ish. Sinilip ko lang kung anong ginagawa mo. Saka dinala ko lang yung cooler, malayo ang kitchen dito, baka magutom ka bigla."

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon