Anak ng sampung pugita! Ano daw sabi? Ang gwapong lalaki pero may saltik. Sabagay kidnaper nga eh, ano pa nga ba.
Napatawa nalang si Isabelle ng malakas habang naiisip niya yon. Yung tawang walang poise. Yung halos labas yung ngala-ngala.
Seryoso. Vampire daw.
Oo na at mas gwapo ito kay Edward Cullen. Mas hot pa kay Damon Salvatore.
Pero bampira?
Sa fiction lang yon. Hindi sila nag e-exist.
Lumingon siya uli dito. Nakakunot na ang noo nito sa kanya. Para yatang naasar sa pagtawa niya.
Pero di parin siya tumigil. Lalo pang napalakas ang halakhak niya.
"Naka-drugs ka ba?" tanong pa niya. "Ang lakas ng tama mo eh."
Napasuklay nalang ito ng buhok. "Do I have to prove it?" Seryosong tanong ng mokong.
"Kung magiging abo ako pag nasinagan ng araw, sure, why not?" Sagot nya habang tumatawa parin.
Hindi ito nagsalita, tumayo lang ang lalaki at dahang-dahang binuksan ang bintana.
Napatigil siya sa pagtawa nang tumama ang sinag ng araw sa braso niya.
Mainit.
Mahapdi.
Bakit?
Nagtatatalon siya at napatili nang maramdaman niyang parang kumukulo ang balat niya sa sobrang sakit. Mabilis siyang yumuko at nagtago sa ilalim ng lamesa para maiwasan ang liwanag.
Yung araw! Nasusunog ng ako sa araw! Shet!
Gusto niyang isigaw iyon pero puro tili nalang nang nagawa niya.
"Well, you asked for it," sabi ng lalaki. Dinig niya ang paghinga nito ng malalim. Sinilip pa siya sa ilalim ng lamesa. "Now, get up."
Akala niya movie lang ito nangyayari pero, shet naman. Ang sakit pala. Ang sakit talaga. Parang binuhusan ng asido ang balat niya .
"Isara mo muna yang bintana!" Sigaw niya.
"Naniniwala ka na?" Tumaas lang ang kilay nito. Parang nang-aasar pa.
"Oo na! Naniniwala na ako!"
Narinig na niya ang pagsara nito ng bintana. Yumuko ang lalaki at tinulungan siyang tumayo. Unti-unting nawawala ang sakit pero halata parin ang pamumula ng balat na parang natapunan ng mainit na tubig.
Shet. Shet. Shet.
Ano tong napasok ko? Totoo ba ito?
No.
"Are you--"
"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sakin!" Aktong sasampalin niya ito pero mabilis na nasalo ang braso nya.
"Bakit ba napakabayolente mo?"
At natigilan nga siya. Natulala. Di na siya nakapalag.
Kung totoo nga ang pinagsasabi nito, ibig sabihin--
Napapatitig nalang siya sa gwapong mukha ng lalaki. Kulay pula na ang mga mata nito, kanina light brown lang, nakatitig na din ito sa kanya. Sa unang pagkakataon simula ng gumising siya, nakaramdam siya ng matinding takot.
Bamipira nga talaga. Gwapong bampira.
Shet! Wag mo ako ng kagatin!
"You know, I can easily kill you right now," mariin nitong sabi. "Please don't give me a reason to do it."
Napaupo nalang uli siya sa silya ng bitawan siya nito. Napahawak siya sa braso. Pakiramdam niya nabalian na siya ng buto sa higpit ng pagkakahawak.
Shet, na badtrip na yata sa pinagagawa ko.
"I'm sorry," sabi nito. Kitang-kita niya na kinuyom ng lalaki ang palad at tumalikod sa kanya. "Hindi ko sinasadya."
Sandali siyang natulala. Nag so-sorry yung mokong?
"A-ano ba talagang kailangan mo sakin?"
Narinig niyang huminga ng malalim ang lalaki. Humarap ito uli, sinuklay nito ng kamay ang ilang piraso ng buhok na tumakip mukha kasabay ang mahinang mura na narinig nya dito.
"Bakit mo ba ako kinidnap?" tanong niya uli.
"Look, I'm just desperate." Yumuko ito at itinutukod ang dalawang kamay nito sa lamesa. Kitang kita niya kung papaano nito pininipigil ang saril. Parang nangininig na.
"B-bakit?"
"I'm trying to bring my wife back.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...