78: Hope, Regrets

10.8K 233 16
                                    

You are looking for a room right? Bedspace?" tanong niya sa matangkad na babaeng nakapila sa Registrar's Office.

Humarap ito sa kanya. "Ahh, oo sana. Pano mo nalaman?"

"Narinig ko ko lang," sagot niya dito. Ngumiti siya. Nadinig niyang kausap nito ang isang kaklase, five rooms away. Di na niya kailangan pang sabihin iyon. Dinig niyang di na kaya nitong bayaran yung inuupahan nitong dorm. May problema din yata sa curfew dahil inaabot ng ito gabi ang part-time job.

"Mahirap kumuha ng room na malapit sa school ngayon." sabi niya.

"Oo nga eh."

Mahiyain. Mahinhin. Ito ang una niyang obserbasyon dito. Sinuklay nito ang kulot na buhok at isinukbit sa tenga.

"I have a place. Wala lang kasi ako ng kasama sa apartment. Ang lungkot lang. Free na yung electric bills saka water. Yung isang room lang yung irerent. Gusto mo?" tanong niya.

Nakita niya ang pagkislap ng mata nito. Nakangiti itong tumango.

"The name is Raven by the way." Inilahad niya ang kamay.

"Isabelle."

***

HAPON NA ng makaalis si Raven sa Manor. Inayos pa ni Kiel ang iba pang kailangan nila. Bukas na sila aalis, di na niya tinanong kung saan sila pupunta. Bahala na. Mas masaya nga siguro yung surprise.

"Schoolmate kami nung college. After a year, nagsawa na akong magpanggap na nag-aaral. Nag-drop na ako. Pero nag-stay parin si Ish sa apartment hanggang makagraduate siya at makakuha ng work." Kwento niya kay Kiel habang nagdri-drive. Hindi niya alam kung nasaan na sila. Mukang alam na alam nito ang dindaanan.

"Ilang taon din pala kayong magkasama," sabi nito sa kanya, "Lagi kitang inaabangan sa bar noon, bakit di ko siya nakikita?"

"Di naman mahilig sa bar si Ish. Tahimik lang yun, ayaw ng crowd," sagot niya. Nagbugtong hininga siya. "Di ko na din sinabi sa kanya ang pagiging bampira ko, baka matakot lang."

Naalala niyang mahilig sa vampire movies ang kaibigan niya. Nag-aalala tuloy siya sa sitwasyon nito ngayon. She must have been scared. Confused. Yung biglang pagising nalang nito, bampira na. Kahit siguro sino maguguluhan.

"So for four years, di siya naghinala?" tanong ni Kiel.

"Hindi, hindi naman siya nagtanong. Nag-iisusisa lang naman yun kung sa tingin niyang importante talaga. That’s why I like Ish. Iginagalang niya ang privacy ko."

Nakokonseniya tuloy siya na nadamay si Isabelle sa gulong kinasasangkutan niya ngayon. Dapat pala talaga ay umalis na siya noon pa. Hindi na siguro mangyayari ang lahat ng ito kung sinunod niya si Vicky.

"This is the place." Sabi ni Kiel. Marahan silang nagpark sa malapit isang building.

Lumang hotel, sa tingin niya. Twelve floors ang taas. Pero kakaiba dahil wala halos sasakyang nakakapasok dito. Nasa gilid ito ng bundok. Tago din sa karamihan.

Tumingala siya. May isang bintana doon na nakabukas ang ilaw. Nasa tenth floor.

41 20 KARINA

Ito din yung nakasulat sa papel noon. Ito pala ang sinasabing address ni Alejandro.

"Nabasa ko yung binigay sayo ni Dom noon, niresearch ko. The Valerius Coven owns this place, parte ito ng teritoryo nila dito sa Pilipinas. Hindi ba sinabi ko na sayo na ipinapahanap ko na rin ang gagong yon," sabi nito. “Yun nga lang, walang babaeng gaya sa description ni Isabelle ang dinadala dito."

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon