‘Don’t fall for him.’
Kumalas si Isabelle sa pagkakayap kahit na nangingig na ang tuhod niya sa mga sinabi nito. Hindi niya ito matingnan ng diretso.
Yun naman talaga ang dapat niyang gawin diba? Ang makalimutan na ni Alejandro ang kaibigan niya at...
Nabibingi na yata siya sa lakas ng tibok ng puso niya.
Ito na yun... Ito na ba yun?
Pero bakit ganito?
Bakit ba ako nalilito?
Nakakahilo. Umiikot na ang paligid niya. Pero hindi dapat ganto ang maramdaman niya.
Muntik na siyang bumagsak pero nasalo siya ni Alejandro at marahanang pinaupo sa kama.
"Are you alright?"
Tumango siya.
"L-lumabas ka muna please." Hindi niya ito nililingon. Natatakot siyang sa oras na makita na naman ang mukha nito, ang mga mata nito, tratraydorin na naman siya ng puso niya.
Mali yon. Mali ito. Hindi dapat. Kasama sa deal namin yon.
Pilit niyang pinapaalala sa sarili niya. Paulit-ulit.
"Isabelle, I--"
"Please, gusto kong munang magpahinga uli." Kinagat nalang niya ang labi.
Nagbugtong hininga ito.
"I'll see you tomorrow then," marahan nitong hinalikan ang noo niya. Uminit na naman ang pisngi niya sa ginawa nito.
"Goodnight, Isabelle."
Naglakad na ito papalabas ng kwarto. Narinig niya ang dahang dahang pagsara ng pinto.
Pinilit niyang tumayo. Iniwan na ang kumot sa kama at pumunta sa banyo. Kailangan talaga niyang mag isip. Gusto niyang mahimasmasan.
Hindi nya alam kung bakit ganito. Ang init ng pakiramdam niya.
Dinama nalang niya ang bawat patak ng tubig ng shower sa katawan.
Napahawak siya dibdib. Pinakinggan niya ang tibok ng sariling puso. Ano ba talagang nangyayari sa kanya? Bakit? Bakit ganto na agad? Ilang araw palang niyang kasama ang mokong na yun.
Hindi tama to. May kasunduan sila ni Pierre diba? Pano na...
Paano pag nalaman ni Alejandro yon?
Hindi niya maintindihan ang sarili. May bahagi ng utak niya na nagsasabing wag ng ituloy yon.
Pero di pwede huli na. Naka oo na siya.
Kalma. Isabelle kalma.
Sinuot niya ang unang damit na makuha niya sa dresser. Kulay pulang spagetti strapped dress na hanggang tuhod niya. Ipinusod nalang niya ang buhok ng mapatuyo niya ito at masuklay.
Napansin niyang wala na ang cooler na binigay ni Pierre sa kwarto. Mukhang kailangan niyang bumaba sa kusina para makakuha ng maiinom. Medyo nakakaramdam na siya ng gutom.
Baka ito rin ang dahilan kung bakit tuliro ang utak niya ngayon.
Tinulak niya ang pinto ng kwarto. Hindi nga ito ni lock man lang, madali itong bumukas.
"Pierre?"
Nakasandal ito sa gilid ng pinto. Nakayuko. Parang kanina pa siya hinintay.
"Anong ginagawa mo diyan?"
Napatingin ito sa kanya. Sa suot niya. "Isabelle--I thought--"
"Pumasok ka na nga lang muna." Binuksan niya ang malawak ang pinto para hayaan iyong pumasok.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...