"Are you sure about this Vicky?" tanong ni Fritz sa kanya. "You're not going to tell his father? Even the other Councils? I'm sure they can fix this."
"Hayaan mo na sila." Sagot niya dito. Pinagpatuloy nalang niya ang ginagawang test sa dugong nakuha niya kay Isabelle. Kinuha niya ang sample nito sa swab at nilagay sa maillit na lalagyan.
Susubukan niya lang. Usually mga ten-twelve weeks pa maaring mag paternity test. Five to six weeks palang siguro ang dinadala ni Isabelle. Gusto niya lang talaga malaman kung sino talaga ang ama ng pinagbubuntis nito kahit na may thirty percent chance pa ng discrepancy ang test na gagawin niya.
Kailangan na niyang ayusin ang mga gulong ito ng mabilis. Napapabayaan na niya rin ang trabaho sa company niya. Buti nalang at walang nakaschedule na appointment ngayon sa opisina. Alam niyang magiging busy na naman siya.
Mabuti naman at walang nangyari sa dinadala kay Isabelle. Na-stress lang siguro ito kaya nagbleed.
Isa pang problema. Hindi niya na niya alam ang gagawin niya sa babaeng yun. Hindi pa tumatawag si Raven. At lalong di rin niya ito mapapayagang sumama pa kay Pierre.
Kailangan niya talagang malaman kung sino ang ama ng bata. Kung sakaling si Alejandro man. Hahayaan niya itong makasama ang lalaking yon.
"What's that suppose to mean? Hayaan?" Nakatitig parin pala sa kanya si Fritz.
Note to self. Turuang managalog ang lalaking to.
"Let them be." tipid na sagot niya dito.
Tumaas ang kilay nito. Tumalikod. Naglakad papalayo at ang tumingin tingin sa paligid.
"Ha-ya-an. That's a new word for me." Lumingon ito sa kanya at ngumisi.
Pinapaalis na niya si Fritz sa lab niya. Nakakaistorbo. Pero ayaw parin humiwalay.
Dapat ay aalis sila noong nakaraang araw. Papasakay na sana sila ng eroplano ng tumawag si Raven. Naudlot tuloy ang suppose to be elopement nila.
Kinagat niya ang labi at bumalik sa ginagawa. Ewan ba niya kung bakit siya nainlove sa lalaking ito. At hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit tinanggap pa niya ito uli sa kabila ng lahat.
Ganoon siguro talaga. Kahit may nagawang mali sa isang nilalang, basta mahal mo, balewala na ang lahat.
Ganoon siguro ang naramdaman ni Isabelle kay Alejandro. Kaya di niya ito masisi.
Maski si Raven ganoon din.
Pero di niya akalaing ganto ang magiging ending ng love story nila. Ang gusto lang naman niya ay makalimutan na ni Raven ang nangyari sa kanyang trahedya noon. Na marealized nito na pwede pa uling magmahal.
Kaso ngayon, wala na din si Kiel.
Kung ano man ang plano ng ama nitong si Julien, sana lang maging maayos ang kahihinatnan.
"Gummibärchen,"
Ngumuso nalang siya sa tawag sa kanya ni Fritz. Hindi niya ito nilingon.
Gummybear na naman?
Naramdaman niya ang pagpulupot ng kamay nito sa bewang niya. Dahan-dahang hinahalikan nito ang ilalim ng tenga.
"Fritz, stop it," saway niya dito. Naibaba niya ang mga instrumentong hawak. Baka macontaminate ang samples niya. "Not here."
Naman, buti wala si Liz dito sa lab ngayon. Silang dalawa lang ni --o my-- silang dalawa lang talaga.
"It's been a hundred years. I missed you so much," malambing na sabi nito. "All I can think about is you, it's torture. That's the torture they've given me."
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...