'He's in love with you.'
"D*mn this." Napamura nalang si Raven pagsakay ng elevator.
Alam niyang maikli lang ang buhay ng tao kumpara sa kanila. Pero imposible naman na mainlove ito agad sa kanya ng ganoon ganoon lang. Ilang araw palang silang magkakilala.
Dahil hindi niya ito tinuluyan noon? Dahil binigyan niya ito ng kalahating milyon kapalit ng pananahimik?
Dahil sa hula nang matanda sa Quiapo? Tapos nagkita uli sila after twelve years.
Love at first sight? Fate? She don't believed on those stupid sh*t. Sa mga telenovela series lang na pinapanood ni Ish niya nakikita yun.
Oo dati naniniwala siya. Pero ang paniniwala niyang iyon din ang nagdala sa sitwasyon niya ngayon.
Binuksan na niya ang pinto ng penthouse at pumasok. Naabutan niya si Kiel nakaupo sa sofa at umiinom ng tubig.
Malinis na ang paligid, wala ng bakas ng ginawa nitong pagtanggal ng bala sa kanya kanina. Mukhang nakakarecover na rin ito sa pagkuha niya ng dugo, hindi na gaanong maputla. Agad nitong nilapag ang baso at tumayo ng makita siya.
Hindi niya alam kung pano niya ito titingan sa mga nalaman niya. Napasuklay nalang siya ng buhok.
D*mn you Vicky. Bakit mo pa kasi kailangang banggitin yun.
"Ok ka lang?" nag-aalang tanong nito. Hinawi nito ang kamay niya sa buhok. "May problema ba?”
Sh*t talaga. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?
"Yes," sagot niya dito. Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa kamay niya "Ikaw,"
Mukhang naintindihan naman nito ang gusto niyang sabihin. Alam naman nitong nag-usap na sila nang babaeng yon.
"So you and Vicky had an agreement, ako yung involve pero di ko alam."
"Raven," ani Kiel matapos ang malalim ng paghinga. Dinig niya ang bilis ng pagtibok ng puso nito. Nagbugtong hininga ito bago sumagot. "She gave me an offer--"
"And you took it?!" tinulak niya ito sa pinakamalapit na pader. Inipit ng braso ng leeg nito. "Are you f*cking crazy!"
Hindi na niya napigilan ang sarili. Kung pwede nga lang iuntog niya ang ulo nito, matauhan lang.
Alam niyang masakit yung ginawa niya pero diretso parin itong nakatitig sa kanya. Nababasa niya ang pagkalito sa mukha nito.
"Why?" tanong niya. Binitawan niya ito. "Why would you risk you life for that?"
"Because I love you,"
Kumalabog ang puso niya. Ang lakas. Hindi niya maintindihan kung bakit?
Di siya makapagsalita. Kay Kiel na galing mismo ang mga salitang yon. Napatitig lang siya sa mga mata nito.
"I always been. Simula noong makita kita."
Unti-unti niyang tinanggal ang kapit niya dito. Unti-unti narin siyang napapaatras.
"W-why, Kiel? I'm a vampire, a monster. Pumapatay ako ng tao. Umiinom ako ng dugo. Hindi ako tulad mo..."
"Does it matter?" marahang nitong tanong. "Please tell me why,"
Malinaw naman. Magkalaban sila. Hunter ito, at bampira siya. Pero bakit di niya masabi? Hindi niya mailabas sa bibig niya.
"Look Raven, wala akong pakialam kung ano ka."
"Kiel stop it." Hindi na niya kayang marinig ang mga sinasabi nito. Ang ritmo ng tibok ng puso nito.
"Alam mo bang ang tagal kitang hinanap. Kung saan-saang lupalop ako ng mundo nakarating,"
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...