91: Devil's Repentance

9.6K 258 22
                                    

Maganda pala ang view dito sa umaga, naisip ni Isabelle.

Maliwanag pero di siya nasusunog sa init. Katulad din siguro ang mga salamin ng bintana dito sa green house ni Sofia.

Sa Paradiso.

Alam na kaya ni Alejandro kung nasaan siya ngayon? Hinahananap pa ba siya nito?

Kinagat nalang niya ang labi sa mga naiisip. Wala naman siya ng magagawa. Oo nga at umalis sina Vicky at yung asawa nito kanina at iniwan siyang mag-isa. Nakalock naman ang pintuan. May mga camera pang nakainstall sa bawat sulok ng lugar na yon. Parang minomonitor ang bawat galaw niya.

Imposible na siyang makatakas.

Napaupo nalang sa couch. Inaatake na naman siya ng hilo. Buti nalang di siya gaanong nasusuka. Di pa pala siya nakakainom ng dugo simula pa noong umalis siya. Medyo nakakauhaw na.

Napahawak siya sa tyan. Hindi man halata, may nararamdaman na siya. Nadidinig na rin niya ang mahina at mabibilis na tibok. Nagbugtong-hininga siya at ngumiti.

Kahit sino pa man ang ama ng batang ito, siya parin ang ina. Sa kanya ito.

Hindi na niya kailangan mamili, sinabi sa kanya ni Fritz kung anong pwedeng mangyari. Pwede ipagpatuloy ang pagbubuntis niya pero mamatay siya sa bandang huli, hindi daw kakayanin ng tulad niya. Pero pwede din naman daw na--

Hindi niya gagawin yon. Kung buhay niya ang kapalit para sa magiging anak niya, gagawin niya.

Nadinig niya ang pagbukas ng pinto. Hindi niya lang inaasahan kung sino ang iluluwa noon.

Pierre!

Napatayo siya bigla. Parang tumalon ang puso niya sa kaba. "A-anong ginagawa mo dito?"

"Ish,"

Mabilis itong lumapit. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. "Is it true?!"

"A-ano bang sinasabi mo!?" hinawi niya ang mga kamay nito at umatras. "Umalis ka dito!"

Tumingin siya sa camera na nakatutok sa kanya. Sana napapanood nila ang nangyayari ngayon. Sana.

"Isabelle." Lumalapit na naman ito.

Tinitigan niya si Pierre. May pwersa mula sa kanya ang nagtulak dito paatras.

Pero nakatayo parin.

Bakit? Bakit parang walang nangyayari? Nagawa na niya dati yon.

Ngumiti lang ito sa kanya. "I'm cured Ish. Hindi ako basta-basta tatablan ng psych mo."

Lalo siyang natakot. Totoo ang sinasabi nito. Wala na ngang lumalabas na itim na guhit sa balat.

"Ano pa bang kailangan mo!"

"I just want to kno--"

Bumukas uli ang pinto at mabilis na pumasok sina Vicky at ang asawa nito.

Nilapitan siya agad nang babae at niyakap. "Isabelle, calm down. Makakasama sayo."

Pumagitna si Fritz sa kanila. Nakapamulsa lang ito sa shorts habang nakangisi. "So this is the boy who violated you, Isabelle."

"Vicky?" Nakakunot ang noo ni Pierre. "Who the f*ck is this?!"

"Freidrich von Schwarze," pakilala nito. "Victoria's mate. Head of House Schwarze"

Nakita niya ang pag-igting ng bagang ni Pierre. "Vicky, pumatol ka dito?! Kilala mo ba kung tagasaan to!"

Di niya maintidihan. Anong nangyayari? Bakit magkakaaway sila?

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon