Hindi na naman mapakali si Isabelle. Pakiramdam niya ang dumi-dumi niya.
Literal na madumi.
Namuo na ang putik sa paa at binti. Puno ng maliliit na dahon at maliliit na sanga ang buhok na di na niya matanggal ang pagkakadikit. Puro putik din ang likod niya.
Ang dungis. Mukha tuloy siyang taong gubat.
Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kwarto. Palpak ang plano niya. Shet, malay ba niyang ang daming manyak sa paligid.
Naalala niya ang nangyari kanikanina lang. Uminit ang mukha niya dahil doon.
O my precious! Muntik ng makuha ng mokong na yun!
“Hindeee hindeee!” sigaw ng utak niya. Para sa Prince Charming lang niya ang virginity niya.
Bakit ba naman kasi ang hot ng mokong na bampirang yon. At ngayon gusto niyang iuntog ang sarili sa pader sa mga kahalayang pumapasok sa utak niya.
Ano ba Isabelle umayos ka. Umayos ka. Pagtataksil yan. May asawa na yan. Bad yan. Mapupunta ka sa hell.
Ano ba. Nababaliw na yata siya.
"Ano bang kasalanan ko sa mundo!" Napasipa siya sa saradong pinto sa sobrang inis.
Bumukas.
BUMUKAS!
Napatalon siya sa sobrang tuwa.
Chineck niya muna ang paligid. Madaling araw na pero wala pang sikat ang ng liwanag na pumapasok sa bahay. Sarado pa ang mga bintana. Safe pa.
Lumabas siya sa pinto at tumambad sa kaniya ang isang pasilyo. Lumakad siya sa dulo nito at nakita ang hagdan. Bumaba siya dito. Dahan-dahan.
Makakatakas na kaya siya ngayon? Asan na ba ang mokong?
Madilim pero naaninag niya ang paligid. Nasa kusina na siya. Nakikita niya ang lamesa, ang mga cabinet saka ref na parang may night vision lang ang mga mata niya.
Shet. No. Hindi. Confirmed na ba talagang bampira na rin ako!
Yun lang at biglang bumukas ang napakalakas na liwanag. Halos mabulag siya sobrang silaw. Masakit sa mata.
"Naghahanap ka ng makakain?"
Nagulat siya ng may biglang nagsalita sa likod niya. Lalaki.
Si Alejandro?
Hindi.
"Hello, Isabelle right?" Kaswal nito sabi pag harap niya dito. Nakasuot ng black long sleeves at black pants.
Nakahalukipkip ito at may dalang dyaryo sa isang kamay.
Napaatras siya. Ito yung rapist kanina.
Parang nagtaka pa ito sa reaksyon niya. "Sorry, pala kanina. Akala ko kasi kung sinong babae lang na napadpad dito." Humakbang ito papalapit sa kaniya.
"Wag kang lalapit. Manyak ka!" Napaatras siya napasandal sa mataas na cabinet. "Rapist!"
Tumawa lang ito.
"Ikaw ang nag pakalat-kalat sa teritoryo namin, natural na habulin kita. Tapos ganyan pa ang suot mo," tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.
"Sorry no. You're not my type,"
Oo alam niya ang hitsura niya ngayon. Pero nakakainsulto parin.
Pasalamat ka, gwapo ka!
"Saka hindi rin pwede. Kay Alejandro ka na diba?" bumaba ang tingin nito sa leeg niya, "Ah, hindi pa pala. May pag-asa pa pala ako." Ngis nito.
Wait ano daw? Sa mokong na daw siya tapos hindi pa. Saka teka.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...