2: Wake up, Miss.

29.3K 762 35
                                    

"Miss."

Bungad kay Isabelle nang lalaki sa pagmulat ng kanyang mga mata.

Ang lalim ng boses, ang sarap pakingan.

Panaginip ba ito?

"Miss?"

Kumurap-kurap pa siya para masiguradong gising na talaga. Sino ba to?

Ang gwapo mo.

"Shet!"

Hindi ko kwarto to ah. Hindi ko kama ito.

Napabalikwas siya nang bangon sa malambot na kamang hinihigaan. Napatitig na lang sa maamong mukha ng lalaki na nakaupo sa tabi nya.

"Are you alright?" Nag-aalalang tanong nito.

Doon na siya nakadama ng panic. Iniikot niya ng paningin sa paligid. Silang dalawa lang ng lalaki sa kwartong yon.

Nasaan ako?! Anong lugar to?! Sino tong--Shet ang gwapo.

Nag-flashback sa kanya ang lahat. Mula sa pagkidnap ng gwapong mokong na to sa kanya sa apartment. Lumabas sila ng gate. Sinakay siya ng kotse.

Tapos.. tapos...tapos...

Agad din niyang napansin di na niya suot ang paboritong pink na pajama. Napalitan na ito ng puti at manipis na nightgown na halos kita na ang kaluluwa.

"Walang hiya ka! Rapist! Kidnapper!" sigaw niya. Napatayo siya at pinagbabato ang lalaki nang lahat ng maabot ng kamay.

"Isusumbong kita sa tatay ko!"

"Wait! Miss!" sabi ng lalaki habang iniiwasan nito ang bawat maibato nya. "Let me explain!"

Unan. Isa pang unan. Maliit na unan. Kumot. Lampshade. Vase.

Walang hiyang mokong na to ang galing umiwas!

"I just saved your life dammit!"

Napatigil siya sa pagwawala niya.

Ano daw sabi nung gwapong mokong? Iniligtas daw siya? Paano? Saan?

Bakit?

Saka bakit siya kinidnap? Hinalay na ba siya nito habang tulog siya? Nakuha na ba sa kanya ang pinaka-iiningatan niyang capital 'V'? Ito ang mga tanong na umaandar sa utak niya habang nakatitig siya dito.

"I didn't do anything. I just changed your clothes. Nasira yung suot mo noong naaksidente tayo."

Bigla siyang napatulala. Parang may bagay na umilaw sa utak niya. Bumabalik na ang alaala niya.

Ah, oo nga. Naaksidente sila.

Biglang may maliwanag nalang na sumalubong sa kanila tapos parang umikot na yung mundo. Yung sinasakyan nila.

"P-paanong..." Naalala na talaga niya paunti-unti.

Tumalsik siya palabas ng kotse. Naalala pa niya ang matinding sakit nang tumama ang katawan niya sa matigas na semento ng kalsada. Pero bakit wala na siyang maramdamang kahit anong sakit ngayon. Ni galos o pasa wala. Gano ba siya katagal nakatulog?

Saka paano pa siya nabuhay? Malala yung nangyari sa kanya.

"Ok, now. Calm down. Let me explain," sabi ng lalaki sa kanya ng marahan. "I know you're confused right now."

"Then explain! Now na!"

Mauubusan pa yata siya ng dugo dito. Marunong namang magtagalog.

"Wala akong balak saktan ka," nag bugtong-hininga ito habang tinuturo ang bagay na nasa kamay niya.

"But please put down that mahogany table. That's antique."

Table?

Saan?

Shet!

Pano ko nabuhat to?

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon