34: Blue-Eyed Heiress

14.5K 268 8
                                    

Kinakabahan si Raven sa mangyayari.

"Lieber kleiner Junge," dinig niyang sabi ni Casimir, "mach keine Mätzchen, schmeiß die Pistole weg,"

'Just drop the gun.'Iyon lang ang naintindihan niya, mahina siya sa German language. Nagulat pa nga siya noong nagsalita yung batang lalaki. Mukhang fluent ang isang yon.

Unti-unting umaatras si Kiel, hinihila na ang kamay niya papalayo.

"Akin tong isang to ha," sabi ng teenager kay Kiel. Binato nito nung yung bag sa direksyon nila. Nasalo naman agad ni Kiel. "Nakatoka na to sakin, Kuya."

Kuya?

May hunters na kasama si Casimir pero alam niyang di sila gagalaw hangga't may nakatututok na baril sa pinagsisilbihan nila.

"Raven, tara na," aya Kiel sa kanya. "Kapatid ko yan."

Sinundan lang sila ng tingin ni Casimir habang nakangisi. "Kleiner junge.."

"I'm no little boy, mister,"

Biglang nawala si Casimir sa paningin niya. Ang bilis. Umikot ito sa likod nung teenager at agad itong naibato sa mga bakante ng lamesa.

Sh*t.

May inilabas si Kiel na baril sa backpack. Mabilis siya nitong naitulak sa ilalim ng mga upuan.

Narinig niyang nagpaputok ng baril sa direksyon ni Kiel ang mga hunters pero agad din itong nakaiwas. Nakapagtago sa isang bench doon. Napagpapalit ng putok at natamaan niya agad ang isa. Headshot. Agad nagtago ang natira pang hunters sa counter ng fastfood.

Nakita niyang papalapit na si Casimir sa kapatid ni Kiel. Mabilis siyang nakatayo at naharangan ito. Malakas niya itong itinulak papalayo at ito naman ang bumagsak sa lamesa.

May nagpaputok ng baril sa direksyon nila. Hinarang niya ang katawan para di matamaan ang batang lalaki. Naramdaman niyang bumaon ang bala iyon sa tagiliran niya.

D*mn. Masakit. Napaluhod siya. Silver bullet?

Nagantihan ito ng putok ng kapatid ni Kiel. Limang sunod-sunod ang pinaulan nito. Lahat tumama.

Tatlong hunters nalang. Nabaril ni Kiel ang dalawa nang akmang mapapaputok ito

Isa nalang at si...

"Ate!" Nakita niya ang biglaang pagbagsak nito sa sahig. Napadapa ito at dumulas ng ilang metro.

Di na siya nakakilos ng maramdaman niya ang kamay ni Casimir sa leeg niya. Mahigpit, hindi siya makahinga.

"If I can't have you," sabi nito sa kanya. Mabilis siya nitong naiangat sa lupa. "No one vill!"

"Raven!"

Naibato na siya ni Casimir sa sahig nang malakas bago naipaputok ni Kiel ang baril. Nadaplisan lang nito sa pisngi ang malaking bampira.

Sh*t, ngayon pa nagmintis. Di siya agad nakatayo. Nabali ang ilang buto niya sa tagiliran dahil sa pagbagsak. Ramdam na ramdam niya ang sakit noon.

Nakalapit si Casimir kay Kiel ng mabilis. Nakita niyang pinilipit ng German vampire ang braso nito. Nabitawan ni Kiel ang baril at bumagsak yon sa sahig.

Dammit Kiel! No!

Agad naman nitong nahila ang coat ni Casimir at ito naman ang bumagsak. Nagcrack ang mga tiles sa sahig. Mabilis na pumaibabaw si Kiel sa nakadapang bampira at pinulupot ang braso sa leeg kasabay ng malakas tunog ng pagbali ng buto. Kitang-kita niya kung paano umikot ang ulo ng bampira. Bali na ang leeg. Tumigil ang tibok ng puso. Unti-unting umaagos ang dugo sa ilong at bibig nito.

Pinilit niyang tumayo. Nahihirapang gumaling ng mga bali niya dahil sa balang nasa katawan pa. Nararamdaman na rin niya ang lason kumakalat sa dugo.

Narinig niya ang huling putok ng baril. Para yon doon sa nagtatagong hunter sa likod ng counter, galing sa kapatid ni Kiel.

"Kuya," tanong nito. "Buhay ka pa? Muntik ka na ha."

Hindi ito pinansin ni Kiel at agad na lumapit sa kanya,

"Raven!" Agad niyang naramdaman ang mga braso nito nang muntik na siyang matumba. "May tama ka."

Marahan niya itong itinulak niya papalayo. Tumayo siya ng diretso. "Ok lang ako. Nadaplisan lang." sagot niya.

"Whoa. Bakit blue ang mga mata mo, Ate? Hindi ba dapat red?" Nakatitig yung kapatid ni Kiel sa kanya nang lumapit ito.

Umiwas siya ng tingin. Pumikit nalang siya. Huminga nangg malalim, baka sakaling bumalik na ang kulay ng mga yon sa normal. D*mn, this curse.

"I-it's ok. Ganito talaga to."

Naamoy niya ang mga dugo sa paligid. May tama din siya. Unti-unti na niyang nararamdaman ang panunuyo ng lalamunan niya.

Tumayo siya ng diretso at lumunok. Kapag ganito inaatake na naman siya nang sumpang yon, buhay na nilalang ang tinatarget ng katawan niya.Tulad noon sa babaeng hunter na umatake sa kanila sa apartment, hindi niya mapigilan ang katawan na ubusin ang dugo nang sino mang buhay na lumapit.

Masama ito. Andito pa si Kiel at ang kapatid niya. Kailangan niyang magpigil.

Kaya ko pa ito.

"Rafaella," lumapit si Kiel dito.

Rafaella? Babae? So siya si Raffy.

"Ang tagal mong lumapit," nakita niya kung pano ito binatukan ni Kiel. "Ang tagal mong ibigay ang baril ko, kanina ka pa nandito."

"Aray naman, masakit," napahawak nalang ito sa ulo, nagtanggal ng beannie at kumawala ang hanggang bewang nitong itim na buhok. "Ayokong istorbohin date nyo no. Ang chipipay mo, McDo? May pambili ka nga ng Ducati...ay teka,"

Lumapit si Raffy sa kanya at inilahad ang kamay. "Thanks Ate kanina ha," nakita niyang may tattoo din ito.

"You're too young to be a Hunter. Ilang taon ka na?" Tanong niya.

Tumingin ito kay Kiel na pinupulot na ang baril sa sahig. "Twenty-one. Limang taon ang tanda ng gunggong na ito sakin."

Hindi halata. Akala niya nasa thirteen to fifteen lang ito. Mas matangkad pa nga siya. Hawig pala sila ni Kiel sa features ng mukha maliban sa mga mata. Medyo singkit at nawawala kapag ngumingiti.

"So, Raffy, pano to?" Tanong ni Kiel.

Sumilip si Raffy sa mga basag na dingding. Madami ng tao sa labas. Mga nag-usyoso. May kumukuha pa ng video. Naririnig na niya ang mga sirena ng sasakyan ng pulis.

"Andyan na yata si PO1, madali lang to. Pwedeng palabasing hold-up." Ngumisi ito.

"Malaki makukuha ko dito," sinipa nito ang bangkay ni Casimir. "Anak ng isang billionaire sa Germany ang isang nabiktima nito. Saka pinaghahanap na rin ito ng isa pang leader ng Scharwze. Hahatian ko na lang ang pulis na mag rereport para di na kumalat."

So yun pala ang modus ng mga to.

Napahawak siya sa sugat. Di parin pala iyon sumasara. Nanakit parin ang tagiliran niya. Nang pakiramdam niya ay tutumba na, napakapit siya sa isa sa mga silya doon.

"Sh*t!" Nakita ni Kiel kung gaano kalala ang tama niya. Tuloy-tuloy dumamadaloy ang dugo galing sa sugat. Lumabas na din ang mga kulay itim na ugat sa balat niya dahil sa lason.

Pilit niya itong itinulak papalayo. "W-wag kang lumapit."

Hindi ito sumunod. Naramdaman niya ang braso nito sa bewang niya. "Raf, Ikaw na ang bahala."

"Gamitin mo na ang kotse ko kuya!" Hinagis ni Raffy ang susi at nasalo naman ni Kiel.

Agad siyang binuhat nito at mabilis na nailabas. Naramdaman niyang binaba na siya upuan ng kotse. Dinig din niya ang sunod-sunod na mura nito nang makasakay. Inistart at mabilis na pihaharurot pauwi sa penthouse ni Vicky.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon