"I actually threatened to crush his balls kung di siya aamin kung ano talaga ang motibo niya sayo noon. Noong nasaksakan kita ng tranquilizer dahil sa pagwawala mo,"
Pinilit ni Raven na ngumiti habang kinikwento iyon ni Vicky.
"And he did. He told me, he's inlove with you. Na matagal na panahon ka na niyang hinahanap. That’s our deal. Kailangan ka niyang protektahan kapalit ng pagpayag kong maging malapit siya sayo." Dugtong pa nito.
She knew Vicky’s was just trying her best to cheer her up. Pero lalo lang yatang bumigat ang pakiramdam niya.
It's been a week. Wala parin. Hindi pa rin ito nagkakamalay. Mukhang lalo lang lumalala.
Nagcardiac arrest si Kiel kahapon lang. Hindi niya maipaliwanag ang panic na naramdaman niya noong nangyari yon. Nagtulong na sina Fritz at Vicky na pumigil sa kanya para di makalapit habang sinusubukang isalba si Kiel ng mga doktor ng ospital na iyon. Kundi pa siya tinusukan ng tranquilizer, di siya mapapakalma.
Ano mang oras bibigay na uli ang katawan nito. Sinabi na rin iyon ni Vicky sa kanya.
Pero di siya naniniwala. Sinalinan na niya si Kiel ng dugo.
She infected him.
Anytime gagaling na ito.
Magkakamalay na. Magiging tulad nila.
Anytime.
Bakit hanggang ngayon wala parin?
"Raven," marahang tawag ni Vicky sa kanya. "Nahihirapan na siya. Hindi nag-effect ang dugo ng--"
“Stop it, Vicky. I know.” Tuluyan ng tumulo ang luha niya.
Alam niyang may mga tao na kayang iresist ang vampire virus. Na di naapektuhan ng dugo ng katulad nila. Ayaw niyang maniwala na isa si Kiel doon.
Pinunasan nalang niya ang nabasang pisngi.
"I'm not giving up. There is still hope."
No. Actually, she's losing it. Kakaunti nalang. Unti-unti nang natututunaw ang pag-asa niya habang nakikita Kiel na nahihrapan.
"Aalis na muna kami ni Fritz," sabi nito sa kanya. "Andito na ang Daddy mo. You need to leave the country soon kung ayaw mong mahanap ka niya."
"Just go on. Go with him." Sabi niya. Di niya rin maiiwan si Kiel na ganto ang kalagayan.
"Hindi kita pwedeng iwan dito mag isa, Angie. It's my fault. Kung nakarating lang sana kami ng mas maaga."
"Don't blame yourself."
Sila Vicky ang nagdala sa kanila sa ospital na ito. She did try to infect Kiel doon palang. Wala ding nangyari kaya isinugod nalang nila ito sa hospital kasama siya.
"Victoria," dinig niyang pagtawag ni Fritz mula sa labas ng pinto. "We needto go."
"I think you really should, kaya ko na ito." taboy niya dito.
May sariling problema si Vicky. Pero heto ngayon at dumadamay pa sa kanya. Galing sa kalabang Coven ang mate nito. Hindi niya maisip kung ano ang magiging reaksyon ng Dad niya kapag nalaman ang nangyari.
Tumingin ito sa kanya ng ilang segundo at tumayo na sa silya. Bahagyang ngumiti at hinawakan siya sa balikat.
"Be strong," sabi ni Vicky. "I'll see you, Angie. Ipapadala ko nalang dito si Dom para may kasama ka." Pahabol nito bago lumabas ng kwarto.
Tumango nalang siya at umayos ng upo. Medyo nangangawit ang katawan niya.
Sa loob ng isang linggong iyon, di na siya umalis sa tabi ni Kiel. Buti na nga din at hindi na gaanong nagtaka ang mga doktor at nurses kung bakit mabilis ang paggaling ng mga sugat at bali niya matapos masalinan ng dugo. Gumawa na siguro ng paraan sina Vicky.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...