31: Unleashed

14.1K 350 22
                                    

AN:

SPG. Striktong patnubay at gabay

***

Kumulog na naman.

Sa lahat ng bagay ito lang talaga ang kinatatakutan niya.

Kulog.

Napakalakas. Masakit sa tenga. Masakit sa dibdib.

Madalas siya dating tumakbo sa tabi ng nanay niya pag ganitong babagyo.

Nakakatakot. Lalo na yung sinabi nila kanina. Sino ba yung sinasabi nilang company? Anong kailangan nila kay Alejandro?

Namatay na ang mga ilaw. Mukhang dahil ba sa lakas ng hangin sa labas.

Nanatili siyang nakaupo sa kama. Di naman talaga siya madasalin pero sa pagkakataong ito, tinatawag na niya ang lahat ng santong naalala niya.

Bakit ba siya iniwan dito mag isa? Sino ba ang mga bisitang yun?

Kumulog na naman uli. Bukod dun may naririnig siya.

Mga yabag. Malalakas. Mabibillis. Kasunod ng mga putok ng baril.

Napatayo siya sa kinauupuan

Si Pierre.

Si Alejandro.

Nagpanic siya bigla. Gusto sana niyang puntahan ng mga ito pero naalala niya ang sinabi ni Pierre na wag siyang lalabas.

Ano bang nangyayari?

Narinig niya ng mga yabag. Lumalapit na ang mga ito. Tumigil sa sa tapat ng pinto ng kwarto.

"Cover me." Narinig niya. Boses lalaki. May sumipa ng malakas sa sinipa nakasarang pinto at nabuwal iyon sa sahig. Tumutok sa kanya ang malakas ng ilaw ng flashlight.

At mga baril.

Nanatili lang siyang nakatayo. Dinig na dinig niya ang lakas ng tibok ng puso niya.

Tatlong tao ang naroon sa gitna ng kwarto. Nakaitim. Mga mata lang ang nakikita niya. Nakakaamoy siya ng parang amoy pulbura sa mga ito.

Unti-unti na silang lumalapit.

"Don't move, princess." Sabi ng isa.

Princess?

"S-sino kayo? Anong kailangan niyo?" Kinakabahan niyang tanong. Unti-unti siyang napapaatras hanggang naramdaman niya ang book shelf sa likuran.

"D*mn! She's not her! Look at her eyes!" Rinig nyang sabi ng isa.

Ano bang meron ang mga mata niya?

"Then kil--"

Di na niya ito hinintay pang pumutok ang mga baril. Nakakuha siya ng isang libro sa book shelf at mabilis na hinagis iyon. Nagkalat ang mga pahina sa paligid at nadistract ang mga lalaki.

"She's too fast!"

Nagawa niyang makalabas ng pinto. Makatakbo. Di na nya maalala kung paano niya nalusutan ang mga mamang may baril. Basta tumatakbo nalang siya sa gitna ng mahabang hallway.

May mga taong nakaitim din sa dadaanan niya. Pasalubong na sa kanya. Mabilis niyang binuksan ang pinakamalapit na pinto sa tabi pero may mga mabibigat na bagay ang tumama sa likod niya, dahilan para bumagsak siyang papasok.

Mga bala.

Lima.

Hindi niya alam kung saan-saan tumama ang mga iyon pero ramdam niyang matinding sakit. Hindi na siya halos makagalaw. Pinilit niyang tumayo pero hindi niya magawa.

"Alejandro.."

Nadidinig na niya ang mga yabag papalapit. Yung mga bumaril sa kanya. At yung mga sumugod sa kwarto.

"Tulong..."

Mamatay na ba ako uli?

Tinukod niya ang mg kamay papaupo. Andito na sila. Kasabay ng pagkidlat sa bukas ng mga bintana, nakikita niya ang mga ito. Nakatutok na ang mga baril.

Pumikit nalang siya. Inihahanda ang sarili sa mga balang tatama sa kanya

Narinig niya ang mga putok ng baril. Sunod-sunod. Pero hindi siya ang pinupuntirya.

Minulat na niya ang mga mata at nagulat siya sa nakita.

Si Alejandro.

Hawak-hawak nito ang katawan ng isa sa mga nakaitim na lalaki. Tinapon nito ang bangkay na parang basahan kasabay ng malalim ng pag-angil nito. Nanlilisik ang mga pulang mata. Nakakikita niya ang mga pangil nito sa duguang bibig.

Nakakatakot.

Ganto ba ang ang tunay nitong anyo? Ganto ba talaga sila?

Halos di na siya makahinga. Nalulunod na siya malakas na tibok ng puso niya.

Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Pero dinig na dinig niya ang pagbali nang mga buto ng mga lalaking nakaitim. Ang mga sigaw nito. Ang mga pagtatangkang paputukan ng baril ang bampirang umaatake sa kanila. Naamoy niya ang mga dugong umaagos sa mga nahiwalay na parte nang katawan, mga napupunit na laman.

Napakabilis ng lahat. Halos isang iglap lang, tapos na ang mga buhay ng lima, o anim na mga taong sumugod sa kanila.

Si Alejandro. Siya ang gumawa mag-isa nang lahat. Ang lakas at ang bilis, hindi siya makapaniwala.

Naramdaman niya ang pagulong ng isang bagay sa may paanan niya. Pugot ng ulo ng isang lalaki. Tumitig pa ang mata nito sa kanya bago tuluyang mapapikit. Napatayo siya bigla.

"Alejandro..."

Nakatayo lang ito sa gitna ng kwarto. Naliligo sa dugo. Hawak nito ang isang putol na kamay. Agad nitong inihagis papalayo at dahang-dahang humarap sa kanya. Nanlilisik parin ang mga mata.

Napalunok siya.

"Isabelle."

Hindi niya maintindihan kung bakit pero nararamdaman niya ang tibok ng puso nito. Mabilis. Malakas. Tulad din ng kanya.

Nakita niya si Pierre, humahangos sa pinto papasok. Pero agad ding napatigil ng makita niya si Alejandro at mga bangkay sa paligid. Ang mga dugo at mga parte ng lasog-lasog na katawan.

"D*mn," napatakip ito ng bibig "Ish! Umalis ka dyan!"

Hindi niya alam kung bumubulong ito o sumisigaw. Nakita rin niya ang mga bakas ng dugo sa damit nito "Hindi na niya kayang pigilan ang sarili niya! Halimaw na yan!"

Nanatili lang siyang nakatayo. Papalapit na si Alejandro sa kanya. Nakatitig ang mga pulang mata.

Umiling siya.

Hindi.

Hindi siya sasaktan nito.

"Isabelle..." Rinig niyang ungol nito. Hinawakan nito ang dalawang pisngi niya. Marahan. Naamoy niya ang sariwang dugo sa kamay nito.

Hinawakan niya ang mga kamay nito. Mahigpit. Pinilit niyang ngumiti.

Niligtas niya ako.

"Did they hurt you?" Buong pag-aalala nitong tanong. Nagbabago na ang anyo nito, bumabalik na sa dati. Nagiging normal na rin ang tibok ng puso nito.

"Al--"

Naramdaman niya ang sakit sa likod. Ang bawat balang tumama. Natumba siya sa mga bisig nito.

"Isabelle!"

Hindi na siya makapag salita. Kusa nang pumipikit ang mga mata niya. Hindi na niya mapigilan.

"Hold on! Please!" Sigaw nito.

"Al--" naramdaman niya ang pagbuhat nito sa kanya. Pagdala sa kwarto.

"Hush, my love," dinig niyang bulong nito. "Be still,"

"I will not let anyone hurt you again."

Ever.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon