63: Restless

11.7K 248 6
                                    

"Isabelle,"

Nagising siya sa marahang pagtawag ni Alejandro sa pangalan niya. Hinahaplos na nito ang ng marahan buhok niya.

Nakatulog na pala siya ng nakaunan sa balikat nito. Hindi niya din namalayang nakayakap na din siya dibdib ni Alejandro.

"We have to go."

Umupo na siya at inayos ang buhok. "Al--"

Nakakahiya, naisip niya. Di ba siya nag hihilik? Di ba tumutulo laway niya?

Mag uumaga na. Kahit kakasikat palang ng araw, sumasakit na ang sinag nito sa balat niya.

Umupo na rin si Alejandro. Nakangiti ito uli sa kanya pagtingin niya dito. Maaliwas ang mukha.

Ganito ba ito pag bagong gising?

"Good morning." Bati nito sa kanya.

"Umm. G-good morning." Uminit ang pisngi niya. Magkatabi silang natulog dito sa damuhan, nakayakap pa siya.

Nakakahiya talaga.

"Makakasama na sayo ang araw. Come." Tumayo na si Alejandro at inalalayan siyang bumangon. Marahan pa nitong tinanggal ang mga napadikit na tuyong damo sa buhok niya.

Tumango nalang siya. Ngumiti. "Thanks. Halika na."

Nakahawak si Alejandro sa bewang niya habang ang isang kamay nito at hinaharangan ang sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Pabalik na sila sa loob ng malaking bahay. Tahimik na tahimik sa loob, maski mga maids wala siya nakitang naglalakad.

Napatingin siya dito. Bakit parang di nito ininda ang araw kanina? Dahil ba trueblood ito?

"Al, di ka talaga nasusunog?" tanong niya.

Umiling  si Alejandro. "Uncomfortable though. Pero hindi naman masakit, kapag tumagal kami sa araw, mapapaso din kami at nanghihina."

Mabuti naman at walang masyadong uusyoso sa kanila. Baka kung anong isipin ngayong magkasama silang dalawa.

Hinatid siya ni Alejandro sa kwarto. Sandali itong tumigil nang nasa pinto na sila.

"I guess, I'll leave you then. Kailangan mong pang magpahinga."

Tumango nalang siya.

"Isabelle." Tatalikod na sana siya ng tawagin siya uli ni Alejandro.

"Baki--" di na niya natapos ang sasabihin ng yakapin siya nito ng mahigpit. Matagal. Di na siya nakaimik.

"Thanks," sabi nito ng niluwagan ang yakap at hinalikan siya noo. "For last night. For listening."

Huminga siya ng malalim at bahagya itong itinulak. Napayuko nalang siya. Wala na siyang maisip na sasabihin. Kung kaya lang sana niyang pigilan ang pamumula niya.

"I'll see you later." Sabi pa nito sa kanya.

Ngumiti siya at binuksan na ang pinto ng kwarto. "Bye, Alejandro."

Mabilis niyang naisara ang pinto pag pasok niya sa loob. Napasandal siya dito. Nakarehistro parin sa utak niya ang ngiti ni Alejandro habang nagpapaalam.

"Oh my God." pabulong niyang nasabi sa sarili.

Shet. Parang siyang teenager na kinikilig ngayon.

"Don't use God's name in vain, Isabelle"

Shet. Sino yun?

Napalingon siya kung saan nanggaling ang boses. Si Sofia na naman. Nakaupo ito uli sa kama niya. Nakapantulog at may hawak na isang pulang sobre.

Talagang gawain ng maliit na aleng na ito ang pumasok sa kwarto niya ng walang paalam.

"Good Morning." Bati nito sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"A letter arrived last night. Para sayo." Bumaba na ito ng kama at inabot sa kanya ang isang sobre.

"Umm salamat." Kanino to galing?

"Bigla ka nalang nawala kagabi, hinahanap kita. Kasama mo pala si Alejandro,"

Tumango nalang siya. Iba ang tono ng mga salita ni Sofia. Galit ba ito?

"Pano mo nagagawang lumapit parin sa kanya?" tanong ni Sofia habang nakakunot ang noo. "Hindi ka man lang nakakaramdam ng takot? Ng galit?"

Hindi niya maintindihan. "Bakit naman?"

Umirap lang ito at humalukipkip."You're crazy. He violated you. Are you sure you're suppose to ask me that?"

Napapikit siya. Oo nga pala, naikwento din niya ang nagawa ni Alejandro noon sa kanya. Isama pa yung huling insidenteng nag-iwan ng mga pasa at sugat sa katawan niya.

"Hindi naman niya tinuloy, napigilan niya ng sarili niya," kinagat nalang niya ang labi at umiwas ng tingin. Di niya alam ang isasagot dito. "At saka nagsorry na siya."

"So that's it, Isabelle? Ang bilis mo namang magpadala sa kanya," kitang-kita niya ang pagtaas nito ng kilay. “You even spent a night with him. It's either you're a masochist o talagang kailangan mo na ng psychiatrist."

 "Hindi naman niya sinasadya.”

At saka mukang nagsisisi naman talaga si Alejandro. Lumuhod pa nga. Isa pa, wala naman itong ginawang kahalayan sa buong magdamag na magkasama sila. Pinatunayan lang noon na seryoso talaga yung mokong sa sorry nito.

"You're hopeless," umirap lang ito sa kanya at tumalikod. Dinig niya ang pagbugtong hininga nito. "You're in love with him Isabelle,"

Love?

Shet.

Hindi.

Umiling siya

"Don't deny it. It's too late. You already fell."

Natulala siya sa mga sinabi nito. Napahawak sa dibdib.

Bakit nga ba ganto? Totoo nga ba?

Nakita na niya si Sofia na naglalakad papunta sa pinto.

"You fell for him, with that monster who also raped your friend," dagdag pa nito na lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya. Sumisikip na ang dibdib niya sa sobrang lakas ng pintig nito.

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi namin sayo?"

Napatingin sa sobreng hawak. May maliit na araw na symbol ang naka seal doon. Bumagsak siyang papaupo sa kama. Nanghina ang mga tuhod niya.

Kay Pierre ito galing, sigurado siya.

Napapikit nalang siyaAlam niyang may ginawa siyang mali. Nawala na kagabi sa isip niya yung kasunduan nila ni Pierre.

Itinakip nalang niya ang kamay sa bibig. Pinilit niyang huwag mahalata ni Sofia ang nararamdaman niya ngayon.

Takot.

Oo. Takot na takot siya sa pwedeng mangyari.

Paano kapag nalaman ito ni Alejandro?

Nalilito na siya. Hindi na niya alam ang gagawin niya.

" Gusto sana kitang intindihin at tulungan. Pero sa tingin ko, mas makakasama sayo ang nararamdaman mo, " nakita niya ang mapait na ngiti ni Sofia bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"I envy you, Isaabelle. I wish I know what it feels like."

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon