Victory Pharmaceuticals. 2:31 AM
Tahimik ang buong building maliban sa ilang nightshift empleyado. Alam ni Raven na nandito ang babaeng yon.
Gabi madalas magtrabaho sa opisina si Vicky. Ito ang kasalukuyang may hawak ng teritoryo nila sa Manila. Ito rin ang ang nagmomonitor ng mga katulad nila na pumapasok dito. Alam niyang may alam ito sa nangyayari ngayon.
"Maam. You can't go in there." Sabi ng isang sekretarya nang pumasok siya sa opisina.
Mukhang bago ang empleyadong yon, sa tingin niya. Ngayon lang ata siya nakita, di siya kilala. Hindi ba nito alam na pag-aari ang kumpanyang yon ng pamilya nila.
Tuloy-tuloy lang siya habang nakasunod sa likod nya si Kiel. Wala naman siyang ibang binangit sa bodyguard niya, basta nagpahatid nalang siya dito. Kaso sumunod na pag-akyat kaya di na niya pinigilan.
Bahala na.
"Victoria!"
Nadatnan niya ang babae na nakatayo sa harap ng malaking flatscreen monitor na halos sing laki ng ding-ding ng opisina. Ngumiti nang makita siyang pumasok.
"An--"
Hindi na nito naituloy ang pagbati nang naglock na ang isang kamay niya sa leeg nito at pwersahang sinandal sa monitor.
"Maam!" Tili naman nung kakapasok palang na sekretarya sa nadatnan nitong eksena. Gulat na gulat ito sa ginawa niya.
"Get out!" Sigaw niya dito. Dali-dali namang sumunod ang takot na takot na empleyado. Sigurado siyang magtatawag ito ng mga gwardiya.
"F*ck it, Vicky. Ikaw lang ang may alam kung nasaan ako ngayon, ikaw ba ang nagsabi sa kanya!" halos pigain na niya ang leeg nito sa galit. "Nadamay ang kaibigan ko ng dahil sayo!”
Pilit na pumipiglas ang babae sa higpit ng pagkakasakal niya.
"H-hindi ko--" Hindi na ito makahinga. Mapupunit na ang windpipe nito.
Biglang bumukas ang pinto Si Dom yon, yung matangkad na African-American na bodyguard ni Vicky. Nakatutok na ang baril sa kanya.
"Bitiwan mo siya!" Direstso ang pagkakasabi, walang bahid ng accent. Palibasa matagal na din ito sa Pilipinas.
"Not so fast big guy." Si Kiel naman ang sumabat. Nakatutok na din ang baril sa sintido ni Dom.
Sh*t na yan. Mahirap kung maglaban yung dalawa. Matagal na si Dominic sa pamilya nila. Alam niya kung gaano kalakas ang bodyguard na to.
"Le-t me explain," sabi ng babae nang niluwagan niya ng bahagya ang hawak. "Wala akong kinalaman sa nangyayari, wala akong alam,"
Binitawan niya ito. Bumagsak sa sahig si Vicky na hinahabol ang hininga.
"Y-yung Daddy mo, siya ang nagpost ng reward sayo kapag nahuli ka," pinilit nitong tumayo at inayos ang sarili. Inayos din ang gusot ng kwelyo ng blazer nito at sinuklay ang blonde nitong buhok.
"Kanina ko lang nalaman, hindi ko na sinabi muna sayo dahil alam kong magwawala ka, baka kung ano pang magawa mo." sabi ni Vicky sa kanya. Inunat lang nito ang leeg na parang walang nangyari.
"Kiel. Ibaba mo ang baril mo." Utos niya.
"Dom," sabi naman ni Vicky. "It's ok."
Sabay silang nagbaba. Masama parin ang tingin sa isa't isa.
"Sino bang kaibigan? Malay ko bang may madadamay pa."
“Si Isabelle, Vicky. May kumuha sa kanya.” Sagot niya.
Tumaas lang ang kilay nang babae sa kanya. “Wala akong alam diyan no. Yung reward-reward lang ng magaling mong ama ang nabalitaan ko.”
Desperado na talaga ang niyang Daddy na pauwiin siya, naisip niya. Alam niyang ilang taon na rin siya nitong hinahanap simula noong naglayas siya.
"Wala akong pakialam kung anong gustong gawin ni Dad, this is not about him," sabi niya kay Vicky. "Si Alejandro. Ikaw ba ang nagsabi sa kanya kung nasaan ako?" Tanong niya sa babae
"Sira ka ba? Bakit ko gagawin yon? Oo, andito nga siya sa Pilipinas pero di ako makikipagkita dun. Last time muntik na niya akong putulan ng leeg sa sobrang galit niya," irap ng babae sa kanya. Maarte ang pagkakasabi noon. "Bakit mo ako pag-iisipan ng ganyan?"
Napangiwi nalang siya. Alam niyang nagsasabi ito ng totoo. Wala pang nakakapagsinungaling sa kanya. Malaki talaga ang naitulong ng mahabang taon na pakikisalamuha sa iba't ibang klaseng tao. Napag-aaralan na niya kung sino ang nagsasabi ng totoo sa hindi sa pamamagitan ng pagkilos at pagbilis ng tibok ng puso.
Kung ganoon sino?
"Rave," napatingin silang lahat kay Dom. Kitang-kita ang pamumutla nito. “I’m sorry, I did it--“
Di na nito natapos ang pasasalita ng kumapit na ang kamay niya sa leeg nito.
Mahigpit. Mas mahigpit pa kaysa kanina.
"I-I'm s-sorry--"
"Sh*t, You should’ve stayed out of this!”
Malaki man ang pangangatawan nito, hindi parin ito uubra sa lakas niya. Lalo pa ngayong kakainom lang niya ng dugo.
“H-hin-na-hanap k-ka—“ Di na nito ito itinuloy ang sasabihin.
Bumaon na sa leeg ni Dom ang mga kuko niya, tumutulo na dugo. Ramdan nya ang higpit ng hawak ng mga kamay nito sa braso niya pero hindi siya nito mapipigilan sa balak niyang gawin.
“Wala kang alam dito! You’re just a sl--"
"Raven stop!"
Nabali na sana niya ang leeg ng lalaki pero naramdaman niyang may tumusok na karayom sa balikat niya.
Damn. Lagi nga palang may handa si Vicky na tranquilizer.
Nabitawan niya ang hawak pero siya ang bumagsak sa sahig. Hindi siya makagalaw. Ni hindi makapagsalita.
"Baby Rave!" Sa kabila ng lahat, si Dom pa ang unang lumapit sa kanya para tumulong. "Sorry!"
"P**a! Anong ginawa mo!"
"Pampakalma lang yan. Ibaba mo yang baril mo!" Sigaw ni Vicky.
Pampakalma? Lethal dose na ito kung tao ang nasaksakan.
Alam niyang si Kiel ang sinasabihan nito. "Guards!"
Naramdaman na niya ang pamamanhid na ang katawan at pagpikit nang kusa nang mga mata.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...