59: Dance of the Fireflies

12.6K 272 5
                                    

"Nabadtrip ko yata si Sofia kanina." Mahinang bulong ni Isabelle.

Di na niyang magawang magtanong dahil sa huling sinabi nito. Natakot na siya. Andoon pa naman yung dalawang mamang puti ang buhok. Baka iutos pa na pilipitin ang leeg niya. Nanahimik nalang siya tuloy buong maghapong kasama niya si Sofia.

Marahang niyang binaba ang malaking vase na puno ng rosas sa gitnang lamesa ng library. Last na ito, naisip niya. Ito nalang ang walang bulaklak sa lahat ng kwarto. Sa makalawa, kailangan niyang palitan ang mga tubig ng mga vase. Tapos lalagyan ng plant food para tumagal ang buhay.

Nag-eenjoy na siya sa ginagawa niya. Mukhang di nga siya maiinip dito katulad doon sa lumang bahay dahil.may pinagkakaabalahan na siya.

Napatigil siya habang inaayos ang mga bulaklak. May naramdaman siyang kakaiba. Parang may ibang tao sa loob at may nakatingin sa kanya.

Naalala niya yung babae nakita niya dito dati. Yung parang multo. Hindi na niya ito nakita pagkatapos nang nangyari kay Giovanni.

Hindi, hindi siya yon, naisip niya. Amoy bagong lutong sinaing.

Napaikot siya bigla at tumama siya sa isang matigas na bagay.

"Ow."

Buti at may dalawang kamay na umalalay sa kanya para di siya tuluyang tumumba.

"I didn't mean to scare you." Mahina nitong sabi sa kanya.

Si Alejandro lang pala.

Oh shet si Al nga.

Napatras siya. Napasandal sa lamesa. Wala namang planong gahasain siya nito sa loob ng library no?

"Anong ginagawa mo dito?!" kinakabahan niyang tanong. 

"I-I just want to talk to you."

"Nag-uusap na tayo." Napahawak siya sa lamesa.

Oo. Pwede na to. Kayang-kaya kong ihagis ito.

"Please," dinig ang paghinga nito ng malalim. "Come with me, please."

Nakalahad na kamay nito, hinihintay ang pag-abot ng kamay niya.

"And what makes you th--" Natigilan siya nang inangat niya ang tingin sa mukha nito.

Nu ba. Magtataray pa ako. Bakit ka ngumiti, gwapong mokong.

"Isabelle."

Wala siyang nagawa. Na-hypnotize na naman siya ng ngiti nito, Binigay na niya ang kamay niya kay Alejadndro at marahan siya nitong hinila papalabas ng library.

"S-saan ba tayo pupunta?" Kinakabahan siya talaga. Ang lakas ng tibok ng puso niya.

Shet Isabelle. Bakit? Ano bang meron tong lalaking to at ang dali kong napasunod.

Nakalabas na sila ng library ng pumuwesto ito sa likod niya. May kinuha ito sa bulsa at naramdaman niya ang malambot na panyo na dumikit sa balat niya. Pinipiringan na siya nito.

Shet. Wait! Bakit may piring?! BSDM na ba ang trip nito?

"Trust me." Bulong nito. Kinilabutan na naman siya. Ramdam na ramdan niya ang mainit na hininga nito sa leeg. Hinawakan siya nito sa balikat at dahan-dahan nitong ginabay siya papunta kung saan. Hindi siya nito binibitawan.

"S-saan mo ba ako dadalhin?"

Di ito nagsalita. Nadidinig niya ang tibok ng puso nito. Malakas din.

Bakit? Shet. Bakit?! Sumisigaw na ang utak niya sa kaba. Itutuloy na ba nito ang masamang balak sa kanya?

Di niya alam kung nasaan sila. Mga ilang minuto rin silang naglalakad. Nakakarinig siya ng huni ng mga kuliglig, mga kaluskos ng damo sa paligid. Hanggang maramdaman niyang lumalamig na ang hangin. Nasa labas na sila. Di man lang niya naramdaman na bumaba sila ng hagdan.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon