69: Another Night

12.2K 257 16
                                    

"Al, san ba tayo pupunta?" tanong ni Isabelle.

Ngumiti lang ito habang nagdridrive. Di nagsasalita. Ilang oras na rin silang nakaalis doon sa Paradiso at di niya alam kung nasaan na sila, pero sigurado siyang nasa kabihasnan na. Maraming ilaw. Maraming sasakyan. Maraming building sa labas ng bintana.

May trauma parin siya, di na talaga yata maiaalis yun. Kapag may nakakasalubong silang sasakyan at nakikita niya yung ilaw, napapahawak siya sa seatbelt.

Bakit nga ba siya sumama dito?

"Al?"

"Your turn first. Saan mo ba gustong pumunta?" tanong nito sa kanya habang nag dridrive.

"Hindi ko alam." Ngumuso nalang siya. Malabo naman kung sasabihin niyang gusto niyang bisitahin ang pamilya niya, baka di pumuyag. Saka bakit ba siya ang tatananungin? Sino bang nagyaya?

Para tuloy silang nagtanan kanina. Palihim pa silang umalis sa party. Ni di pa sila nakakapagbihis. Nakacostume pa sila. Buti nalang at natanggal na niya ang headdress niya.

Tumingin siya sa labas ng bintana. Natatanaw niya doon ang Ferris Wheel sa isang amusement park. Matagal na rin pala siyang di nakakapunta sa ganoong lugar.

"Doon." turo niya.

Sumunod naman ito. Maya-maya pa nakapark na sila sa isang bakanteng parking space doon. Halos puno ang lugar, swerte lang at may papaalis na kotse noong dumating sila.

"It's October thirty-first. May event yata." sabi ni Alejandro sa kanya.

"Halloween?" tanong niya. "Nakaready na pala tayo." Ngisi niya.

Sumilip siya sa bintana. Mukhang may event nga, ang daming tao. May Halloween Event pala ang amusement park na napuntahan nila. Halos lahat nakacostume.

Ang ganda talaga ng timing.

"Trick or Treat then?" Ngiti nito sa kanya bago lumabas ng pinto. Maya-maya pa pinagbuksan na siya nito at inalalayan palabas.

"Teka," pigil niya dito. Bigla siyang kinabahan. "Di ba tayo mahahalata?" Pano pag nalamang bampira sila ng mga tao dito?

Umiling ito. "Just relax, my love."

Yan na naman yung my love nito.

Kumapit nalang siya sa bisig ni Alejandro habang lumalakad papunta sa gate ng amusement park. Pinagtitinginan sila ng mga tao. Hindi dahil sa wierd ang suot nila, dahil sa kasama niya.

Ang lakas humatak ng fangirls, naisip niya.

Natawa nalang siya ang may isang grupo ng mga babae ang lumapit pa para magpapicture. Umiling lang ito at tuloy tuloy lang sa bilihan ng ticket.

"Sorry girls." Ngisi niya sa mga ito ng papalayo na sila. Lalo tuloy siyang napakapit sa bisig nito. Ewan, pero feeling proud siya sa rili niya dahil kasama niya si Alejandro.

Nakabili na sila ng ticket at pumasok na sa loob. Marami nga ding nakacostume. Mga bata karamihan kasama ang mga magulang nila.  Marami ding kabataang naka cosplay. May mga goths din. Mga lolita, punks at marami pang iba kakaibang genre ng fashion. Mukhang di nga sila maa-out off place. May isang pares pa nga silang nakitang nakacostume din ng Victorian tulad nila.

"This place is wierd." sabi ni Alejandro. Mas mukha pa itong naamaze sa mga nakakasalubong nila kasya sa kanya. Parang na culture shock yata. Ngayon lang ba nakapunta ito sa gantong lugar?

Lalo na ng may nakasalubong silang naka costume ng bampira. Nakakapa, may pangil at may lipstick na nakaguhit sa mukha para mag mukhang dugo. Nakita niya ang pagkairita sa mukha ni Alejandro ng makita ito. Natawa nalang siya.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon