Ilang oras nang naglalakad si Isabelle. Nasa gitna na siya ng gubat. Puro puno at damo na ang nakikita niya sa paligid. Hindi naman niya alam kung saan siya pupunta. Ang gusto niya lang ay makalayo sa lugar na yon.
Anong petsa na ba? Ang layo-layo na nito sa Paradiso.
Nakakadinig na siya ng mga sasakyan. Malapit na siya sa may highway. Yung dinaanan nila noon ni Al.
Malapit na ring mag-umaga. Nakikita na niya yung liwanag.
Nahihilo na naman siya. Huminto muna siya sa may damuhan at naupo. Doon na tuluyang tumulo ang luha niya.
Shet. Buntis nga siya.
Oo nga. Lahat na ng symptoms nararamdaman niya. Pamilyar naman siya sa ganoon. Napag-aralan naman iyon sa biology class nila.
Pero paano nangyari. Pano? Hindi ba't sinabi na nila na hindi siya magkakaanak. Kaya nga iiwan ni Alejandro ang Coven nito dahil doon.
Bakit ngayon-- Bakit di ipinaalam sa kanya ni Alejandro? Dahil ba sa mga sinabi ni Carina?
Ayaw niyang maniwala. Hindi pwedeng kay Pierre ito.
Napayuko nalang siya. Nagbunga ba talaga yung kawalangyaang ginawa sa kanya?
Ang sakit-sakit sa dibdib. Gusto niyang mag-stay nalang dito at maghintay na maasunog ng araw.
Gusto na niyang mamatay.
Umiling siya.
No. Hindi pwede. Idadamay pa niya yun nasa sinapupunan niya. Wala na namang kasalanan to.
Pero paano kung kay Alejandro ito? May nangyari na sa kanila bago siya pinagsamatalahan ng demonyong yon.
Nakakahiya. Di niya akalaing mangyayari ito sa kanya. Ni hindi siya sigurado kung sino ang ama ng dinadala niya.
Ilang oras pa siyang nanatili doong nakayuko nang may maramdaman siyang tumapik sa balikat niya.
"So you're here."
Pamilyar ang boses na yon.
Shet na yan!
“Pierre!” agad siyang tumayo. “Anong ginagawa mo dito?!
Gusto na niyang tumakbo palayo pero bigla nalang siyang inatake ng hilo, di pa siya nakakagawa ng ilang hakbang. Napahawak nalang siya sa isang sanga ng kahoy doon para di matumba.
"Familiar isn't it. Sa gantong lugar din tayo unang nagkita," nakangisi itong lumalapit sa kanya. "Tumatakas ka din."
"Hindi ako tumatakas!" nanlambot ang tuhod niya.
"Come with me, Isabelle,"
Sinubukan niyang humakbang papaatras pero lalo lang tumindi ang hilo niya.
"Umaga na, baka masunog ka pa dito."
Ngumiti lang ito at humakbang pa papalapit. Hinawakan na nito ang braso niya.
"Lumayo ka sakin, demonyo ka." Hawi niya dito.
Lumalabo na ang paningin niya. Sumisikip na rin ang dibdib.
No. Isabelle no. Wag kang pipikit
Di niya nakayanan pa. Tuluyan na siyang natumba sa mga bisig nito.
"Hindi ba sinabi ko na--" bulong nito. Akap na siya nito ng mahigpit.
"Akin ka na."
Tuluyan na siyang nawalan ng malay.
---
IT'S BEEN more than a week. Andoon parin ang sakit. Pakiramdam ni Raven hindi na rin tumitibok ang puso niya. Wala na siyang maramdaman.
Nag-iwan na siya contact number ni Raffy sa hospital. Sila na ang bahalang i-contact ang kapatid ni Kiel.
Siya ang dahilan ng pagkamatay nito. Di niya kayang isumbat pa ni Raffy ang lahat nbg iyon sa kanya nang harapan kaya siya umalis agad.
Napayuko siya. Hindi pa pala niya nagawa ang deal nila ni Kiel. Na hahanapin niya ang lalaking nanakit sa kanila noon. Magagawa pa ba niya?
"Raven."
Tawag ni Dom sa kanya. Nasa pinto lang ito ng kwarto at binabantayan siya.
"It's Angelique, Dom."
Wala na siyang dahilan para gamitin pa ang pangalang itinawag sa kanya. Patay na rin ang pagkatao niyang iyon kasama ng taong mahal niya.
"Hanggang kailan ka magiging ganiyan. Vicky's worried. Ilang tawag na siya, ayaw mo pang sagutin."
Nakaupo lang siya sa may bintana. Nanonood lang sa paligid. Nakaligo na siya at nakapabihis. Pero di na niyang magawa pang magsulkay.
Tinatamad na siya. Wala na siyang gana.
"Sorry, Dom."
Nagdecide siyang mag-stay muna sa Manor habang wala pa siyang maisip na susunod na gagawin. Habang nagluluksa pa siya.
Sumunod si Dom sa kanya. Utos daw ni Vicky na wag siyang hayaang mag-isa. Natatakot ata sa kung anong gawin niya sa sarili niya.
"I understand. Ganyan din ang Dad mo nung nawala ang Mommy mo."
Nagbugtong-hininga nalang siya. Nakaya din ito ng Daddy niya. Ilang dekada din. Kakayanin din niya. Kailangan niyang tuparin ang pangako niya kay Kiel. Kailangan niyang mabuhay.
Ilang sandali pa, may narinig siyang sasakyang paparating.
"Pierre's here, sinabi kong dito ka muna nag-iistay." sabi ni Dom sa kanya.
Tumango nalang siya. Dinig niya ang mabibigat na hakbang ng kapatid. May kasama ito.
"Angie, open the door, please."
Sinenyasan niya si Dom na buksan ang pinto. Sumunod naman ito.
Agad na pumasok si Pierre. May karga itong babae na napakapamilyar sa kanya. Walang malay.
"I kept my promise, dear sister."
Maingat itong inihiga sa kama niya.
"Isabelle."
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...