Ilang taon din si Raven na nanatili sa apartment na ito, apat na taon silang magkasama ni Isabelle.
Ang tagal na niyang di nabalikan ang lugar na ito. Parang kailan lang din. Dito rin siya iniligtas ni Kiel sa mga hunters.
Amoy na amoy parin niya ang sunog na kahoy sa paligid. Kulay abo na ang dating pink na mga dingding. Nagkalat parin ang ng mga basag na bubog sa paligid. Ang mga wasak na gamit.
Alam niyang nabalita na na may namatay dito. Wala sigurong nagtakangka pang usisain uli ang apartment maliban sa mga pulis. Wala din naman silang nakitang kakaiba. Mukhang pinalabas talaga na aksidente ang lahat. Magaling ang pagkaka-cover up ni Raffy.
Kumusta na kaya siya ngayon? Natanggap na kaya niya ang pagkawala ng kapatid niya?
Lumabas na siya sa sunog na apartment. Madaling araw na siguro. Ni walang nakapansin sa mga kapitbahay na pumasok siya sa nakakordong lugar.
Lumingon siya saglit. Ito na ang huling beses na babalik siya doon. Iiwan na naman niya ang mga alaala tulad ng lagi niyang ginagawa.
Kung dati, sobra ang lungkot ng nararamdaman niya kapag nagpapaalam sa lugar na matagal niyang tinirhan. Bakit ngayon wala siyang maramdaman?
Namahid na ba siya? Patay na ba talaga ang puso niya?
Lumabas na siya ng gate at naglakad na papalayo. Malayo layo pa ang pinaka kalsada pero sigurado siyang makakakuha pa ng taxi pauwi.
Pauwi?
“Saan na ba ako uuwi ngayon?” tanong niya sa sarili. Sa totoo lang, wala pa siyang konkretong plano kung anong sunod gagawin niya. Para tuloy siyang zombie. Buhay ang utak at katawan niya pero patay ang puso niya.
Napayuko siya. Hindi pa pala niya natupad ang deal nila ni Kiel. Yun nalang siguro ang magiging goal niya habang nabubuhay. Ang hanapin ang taong nanakit sa dito at kay Raffy.
Patuloy nalang siyang naglakad sa kalsada nang may naramdaman siyang presensya sa likod. Kanina pa siya nito sinusundan.
D*mn it. May naalala na naman siya. Pero hindi ito yung taong gusto niyang makita.
"Stalker ka parin pala?"
Umikot siya para harapin ito. Silhouette lang nito ang nakikita niya. Natatakpan man ng anino ng puno sa paligid, kilalang-kilala parin niya ito.
"Alejandro."
Humakbang ito papalapit.
"Where is Isabelle?"
"I don't have her," sagot niya. "Hindi mo ba naisip na baka tinakasan ka na rin niya?"
Humakbang ito papalapit. Napaatras siya.
Hindi ito dahil sa takot. Wala na siyang nararamdamang takot ngayon. Naamoy niya lang ang dugo ng kapatid dito.
"What have you done with my brother!?" she hissed.
Sh*t.
Dahil ba itinakas ng kapatid niya si Isabelle? Kailangan niyang--
"He's still alive. I didn't kill him." malumanay ang sagot nito pero alam niyang pinipigilan lang nito ang sarili.
Kumunot ang noo niya. Nagsasabi naman ito ng totoo... pero bakit?
"Look, Angelique, wag mo siyang idamay sa galit mo. Just give her back."
D*mn. Bakit niya idadamay si Isabelle? Ito ang nagpasok sa kaibigan sa gulo nila.
"Hindi ko ibabalik si Isabelle sayo. Wala kang karapatan sa kanya." mariing sabi niya dito.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...