37: The Heart He Once Has

14.9K 346 20
                                    

Asan ako? Langit na ba to?

Bakit may mga kumakalabog? May maingay na naglalakad.

Nakadapa si Isabelle sa malambot na kama ng magmulat ang mga mata niya.  Sinubukan niyang bumangon bago niya naramdamang wala siyang suot na damit.

"Shet!"

Napatayo siya at mabilis na binalot ng kumot ang katawan.

"Calm down, Isabelle." Naramdaman niya ang isang kamay na humawak sa balikat niya. Lalo siyang nagpanic.

“WAG!”

“Isabelle,” sabi nito. Hinawakan nito ang mga braso niya. “Ako ito. Wag kang matakot.”

Kumalas siya sa pagkakahawak dito at tumingin sa paligid. Alam niyang gabi na uli pero maliwanag ang pagkakasindi ng ilaw ng kwarto.

"A-Alejandro," aniya. Nakita niya itong nakaupo ito sa gilid ng kama niya. "Anong nangyari?"

Wala sa loob niyang hinaplos ang mukha nito. "Ok ka na ba?"  tanong niya.

Maamo na uli. Hindi na yung nakatakot. Wala na yung nanlilisik na pulang mata.

Nakatitig lang ito sa kanya. Parang may gustong sabihin pero di masabi.

Binitawan na niya ito at inayos ang pagkakabalot ng kumot sa katawan. Kinagat niya ang labi sa pagkakapahiya. Nu ba... bakit ko ba ginawa yon?

"You were unconscious the whole day," sabi nito.

Nabaril nga pala siya. Naalala niya. Kaya siguro siya tinanggalan nito ng damit dahil sa likod siya tinamaan.

Pero wala na siyang maramdamang masakit ngayon sa katawan. Magic?

Luminga linga siya sa paligid.

Wala na yung mga mamang nakaitim pero nasa kwarto parin pala siya ni Raven. Wala ring bakas ng kaguluhan. Yung librong tinapon niya nasa side table at maayos ng nakapulunpon.

"Buti hindi silver bullets ang mga tumama sayo. It could have killed you."

"Bakit?" bigla niyang naitanong niya. Umayos siya ng upo.

Allergic ba talaga sila sa silver? Di ba sa werewolf lang yun? Ano bang iniisip niya, wala siya sa Hollywood. Kahit na sabihin pang Hollywood movie star ang hitsura ng kaharap niya.

O my gulay... that abs... that biceps.. that... ay shet.

"TEKA! BAKIT KA NAKABOLD!?" napaatras siya sa kama. Wala na naman itong pang-itaas. Pinasamantalahan na ba nito ang kahinaan niya?

"I'm mean, bakit--At ikaw--" nalilito niyang sabi.

"Sorry," napatayo si Alejandro sa kama. "It was--d*mn. Sorry. I didn’t mean that—sorry Isabelle."

Ito naman ang nawalan ng sasabihin. Sinuklay nito ang buhok na nakaharang sa mukha. Mukhang napahiya ito sa pagsigaw niya.

Napakagat ito ng labi. Nakita niya kung paano nagkaroon ng kulay ang pisngi nito.

Ay ang cute namang magblush.

Pinigilang niyang ngumiti.

"I'm just cleaning. I think I woke you up,"

Ang nga linis na ng paligid. Ang kintab din ng sahig.

"You have nothing to worry about, wala akong ginawa sayo." Sabi nito.

Wala pang nangyari? Asa akin parin Perlas ng Silangan? No—I mean Yey!

"Sino yung mga yun? Yung kagabi? Ano bang kailangan nila?" Sunod sunod na tanong niya.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon