10: Sweet Escape

19.2K 437 9
                                    

Dahang-dahang minulat ni  Isabelle ang mga mata. Nakatulog na pala siya sa pag-iyak. Bukas ang ilaw ng kwarto pero nadidinig na niya ang mga huni ng kululiglig.

Gabi na ba uli? Hindi ba bumalik yung mokong na yon?

Kumulo na naman ang tyan niya. Naalala na naman niya yung kanina.

Yung dugo.

Shet! Bampira na talaga siya!

No. NO. Tao sya. Tao.

Pinilit niyang tumayo kahit nanginginig ang mga paa. Naglakad siya papuntang pinto at sinubukang buksan. Naka-lock. Pumunta siya sa bintana, nabuksan naman niya ito ng mabilis pero bigla naman siyang gininaw nang pumasok ang malamig na hangin sa loob.

Madilim ang paligid pero naaaninag niya ang sanga at dahon ng malalagong puno. Nasa kalagitnaan yata ng kagubatan ang bahay. Sumilip siya pababa. Nasa second floor ang kwarto at gawa sa malalaking tipak ng bato ang pader ng first floor.

At may naiisip siya.

Oo. Pwede. Kaya.

Tatakas sya.

Huminga siya nang malalim. Dahan-dahan siyang lumabas sa bintana, umapak sa isang uwang sa tipak na bato.

Isa pa.

Umapak siya uli.

Dalawa.

Ilang metro nalang nasa baba na siya.

Tatlo.

Nabitak ang batong kinakapitan niya at tuluyan na siyang nahulog. Buti at napigilan niyang sumigaw.

Hindi naman siya masyadong nasaktan. Kaunting galos lang sa likod, pero napunit ang nightgown niya hanggang hita. Bahala na, wala naman sigurong ibang makakakita, naisip niya.

Tumakbo na siya papalayo sa bahay. Ramdam niya ang bawat maliliit na bato at sanga na naapakan niya. Tiniis nalang niya ang sakit. Umiwas iwas siya sa mga mababang sanga ng puno.

Minsan, ang hirap din palang maging matangkad.

Kailangan niyang makahingi ng tulong pero hindi niya alam kung saan siya pupunta. Maniniwala ba ang mga pulis pag sinabi niyang kinidnap siya ng bampira? Baka mental ang bagsak niya.

A basta. Kailangan niyang makalayo sa bahay na yun.

Yung ang tumatakbo sa utak niya ng may naririnig siyang parang busina, mga makinang umaandar. May kalsadang malapit lang sa paligid. Tumigil siya sandali.

Sinundan niya ang tunog. Unti-unti na siyang nakakalapit dito. Parang mapapalundag sa tuwa ang puso niya.

Makakauwi na siya.

Tatakbo na sana siya uli nang maramdaman niya ang isang kamay na humila sa balikat. Pwersahan siya nitong pinahiga sa lupa at naramdaman niya ang bigat ng pagpatong nito sa kanya.

"Where are you going, mademoiselle?" Lalaki ito. May french accent. Hindi ito ang kidnapper nya.

Mahigpit na natakpan nito ang bibig niya bago siya tuluyang nakasigaw. Balewala ang pagpipiglas niya. Hindi ito umaalis sa pagkakadagan.

"Ssshhh," saway nito. Ngumiti ito sa kanya. "Nonsense. No one will hear you."

Napatitig siya sa mga mata nito. Pula. Bampira din.

Pero bakit napaka pamilyar ng mukha nito?

"Behave..."

Di na siya pumiglas. Di na rin siya sumigaw. Ano pa bang magagawa niya sa lakas nito?

Nakatakas na nga kay Alejandro, meron na namang isa.

Gustong tumulo ng luha niya ng tinanggal nito ang kamay sa bibig at unti-unti itong gumapang sa leeg niya.

"Too bad, you're sired by someone else," bulong nito."But still--"

"Pierre!"

Natigilan ang lalaki. Ngumisi ito.

"Your prince is here." Bulong nito sa kanya.

Tumayo na ang lalaki at iniwan siyang nakahiga parin sa lupa. Hinarap nito ang lalaking kadadating lang.

Yung kidnaper nya.

"Alejandro, my brother," masayang bati nito. "Missed me?!"

Brother?

Sabi na nga ba magkamag-anak ang dalawa. Parehong manyak.

Pinilit niyang umupo. Nanakit ang buong katawan niya. Halos mahubaran na pala siya sa pagpupumiglas niya kanina. Napunit yung strap ng suot niyang nightgown. Kinuha nalang niya ang natitirang tela noon at tinakip sa katawan.

"You're not suppose to be here," lumapit si Alejandro sa kanya. Tinulungan siyang tumayo.

"Here," sabi nito. Sabay hubad ng suot na t-shirt at inaabot sa kanya. "Wear this."

Napanganga nalang siya sa nakita.

Parang isang greek statue na nabuhay. Firm na na firm ang mga muscles nito. At ang abs.

Gaga ka talaga Isabelle. Kidnapper. Manyak. Monster. All in one yan. Saway niya sa sarili para hindi siya tuluyang maglaway.

"And you're not suppose to keep a pet." Sabat nung isa pang manyak na Pierre. Napansin siguro ang pagkatulala niya.

Bahala nga silang mag-usap.

Tumalikod nalang siya para isuot ang t-shirt. Umabot lang ito hanggang gitna ng binti niya. Pwede na, kaysa naman nakahubad siya.

Pero shet.

Tumatayo ang balihibo niya. Nakadikit ang amoy ng Alejandro sa suot-suot niya. Di niya mapigilang singhutin.

"She's not my pet," sagot nito. "Umalis ka na dito Pierre,"

Bigla siya nitong binuhat. Bridal style. Muntik na siyang napatili pero napigilan niya ng makita ang seryosong mukha nito.

"Don't do that again," bulong ni Alejandro sa kanya. "Please."

Tumango nalang siya at tumahimik, hanggang napansin niya na nakabalik na sila sa bahay na tinakasan niya.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon