"Where is my father?" tanong ni Raven ng pumasok na sa pinto ang isang lalaking nakasuit. Kasunod nito ang dalawang naka-uniform na maids. Mga tauhan ito ng Daddy niya.
"Bakit niyo ako dinala dito?"
Malaki ang kwartong tinutuluyan niya ngayon. Kaparehas halos ng disenyo ng kwarto niya sa Manor.
Damang-dama nga lang niya ang pag-uga dahil sa alon. Nakakainis. Bigla siyang nahilo sa paggalaw.
Alam niyang dito sa private cruise ship madalas mamalagi ang Daddy niya. Palibasa mahilig magtravel at umiwas ng obligasyon sa High Council.
Hindi na nga lang niya alam kung nasaang lupalop ng dagat sila naroon. Kanina pa umalis ang barko sa harbor. Malayo layo narin ang narating nila pero hindi siya sigurado kung saan ito pupunta.
"We are very sorry, Princess. The King have a very important matter to attend to. He'll be here shortly," bahagyang yumuko ang lalaki. Ito yata ang Butler sa tantya niya. Kayumangi ang balat nito. Mukha itong Pilipino. Nakikita na niya ito madalas noon, mukhang matagal na rin ito sa Daddy niya.
"We have prepared the things for your departure."
Departure?
Saan naman siya dadalhin? Huminga siya ng malalim. Wala na rin naman siyang magagawa.
Napilitan siyang sumama kanina. Baka madamay pa yung walang kamuwang muwang na driver ng taxi na sinakyan niya, ginamitan ba naman ito ng psych ng magaling niyang ama.
Saka isa pa. Kahit anong mangyari, di niya kayang labanan ang Daddy niya. Dahil kahit na anong piglas niya wala siyang laban dito.
He’s the strongest. Walang makakatalo dito na kahit sinong bampira pa.
Nakita niya ang pagpasok ng iba pang mga maids. May dala itong damit at iba pang mga gamit. Ipinakita din sa kanya ang diamond necklace na nasa velvet na kahon. May terno pa itong hikaw at bracelets. May wine din at mga pagkaing hinatid.
The f*ck is this?
Nagulat nalang siya ng hawakan ng isa ang suot na jacket. Akmang huhubarin ito kaya hinawi niya ang mga kamay.
"I can fix myself."
Sumeniyas lang ang Butler na hayaan siya at sumunod naman ang maid. "Is there anything else that you need?"
"Nothing. Just leave me alone." Utos niya
Napaupo nalang siya sa malambot na kama nang nagsialisan na ang mga ito. Hindi niya alam ang balak ng Daddy niya. Pero ngayong nahuli na siya, wala na talaga siyang magagawa.
"Angie, why are you're here? Naisipan mo nang umuwi?"
Umangat ng tingin niya. Nakita niyang pumasok si Pierre sa kwarto.
"Ikaw, bakit ka nandito?" tanong niya. And why is he slumping? Bakit ganito ang ayos ng kapatid niya?
Magulo ang damit. Namumugto ang mga mata. Parang nakikita niya ang sarili dito. Pero bakit?
"Hindi ba dapat nakaalis na kayo ni Isabelle?" tanong niya uli.
Hindi niya alam kung ipapasalamat pa niya na hindi ito natuloy. May pagkakataon pa niya itong makausap ngayon.
Humawak lang si Pierre sa batok at tumuloy sa pinaglalagyan ng wine. Tinanggal nito ang cork at walang anu ano'y ininom ng diresto ang laman mula sa bote.
This is so not Pierre.
"She's probably f*cking Alejandro now," mariin nitong sabi. "D*mn, ano bang nakita niyo sa lalaking yon?"
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...