Nakatanaw si Isabelle sa terrace ng bahay na pinagdalhan sa kanya ni Alejandro. Overlooking ang view dito ng siyudad. Malamig ang hangin. Tahimik. Malayo sa gulo.
Simple lang ang bahay, mukhang bagong gawa din dahil naamoy pa niya ang pinturang ginamit. May dalawang kwarto, may maluwag na sala at maluwag na kitchen. May terrace. May garden din. Hindi nga lang magarbo tulad ng sa Paradiso.
Tumingin siya sa langit. Ilang oras nalang siguro papasikat na ang araw.
"Did you like it?"
Nasa likod na pala niya si Alejandro. Tinangal na nito ang coat at maluwag na ang necktie. Nagulo na rin ang pagkakatali ng buhok nito.
"Oo naman, ang ganda." Ngumiti siya.
"Yes, definitely beautiful." Sabi nito. Pero di sa view nakatitig. Sa kanya.
Shet.
Napalunok siya. Parang may lumipad na kulisap sa sikmura niya.
"K-kung saan saan mo akong bahay dinadala. Sayo din ba ito?" Nahihiya niyang tanong. Nakatitig parin kasi ito sa kanya.
"It's yours," sabi nito sa kanya. "Pinagawa ko. Para kapag na-iinip ka na sa Paradiso, pwede kang pumunta dito."
"Sa akin? Sure ka?" tanong uli niya dito paglapit. Tumabi ito sa kanya at tumanaw din sa paligid.
“It's a gift," sagot nito habang nakangiti. "I'm planning to add a library soon. Pool sana, pero sa tingin ko mas gusto mong magbasa."
Napakagat nalang siya labi. Ang galante naman, naiisip niya. "Di naman ako ang may birthday? Bakit ako ang may regalo?"
"I already gave Sofia Paradiso. I don't think she would want another house. Masyado na sigurong malaki yon para sa kanya."
"Bakit?" Yung malaking bahay na yun? Kay Sofia na?
"I asked Mario to transfer everything. Saka iiwan ko narin naman lahat sa Coven namin."
Napanganga nalang sila. Naalala niya ang sinabi ni Mario. Handa ba talagang iwan ni Alejandro ang pagiging head ng Coven nila para sa kanya?
"Matagal ko na dapat iyong ginawa. Naging abala lang ako sa ibang bagay," dugtong pa nito. Inayos nito ang ilang takas na hibla sa buhok niya at ngumiti. "Pero ngayon, sigurado na ako sa desisyon ko."
Di ko yata matatanggap yan. May kasalanan pa ako sayo.
Gusto sana niyang sabihin iyon pero ng humugot siya nang hininga, naninikip ang dibdib niya dahil sa sikip ng suot. “D-di ako makahinga.”
"Gusto mo na bang magpalit? May mga damit ka na sa kwarto." Tanong ni Alejandro sa kanya. Mukhang nag-aalala rin dahil nasabi na niya kanina pa dito na siya hindi komportable sa suot.
Sumunod siya nang gabayan na siya nito sa loob. Simple ang design pero maluwag ang bahay. Wala pang gaanong gamit. Malaki ang salaming bintana at kita din doon ang view katulad ng sa terrace.
Napatingin siya sa suot na damit sa salamin.
Pano nga ba hubarin ito?
Yung mga maids ang nagsuot sa kanya ng gown kanina, di niya matandaan kung ano ang uunahin niya tanggalin.
Tumingin siya kay Alejandro. Baka alam nito kung papaano.
"Let me help." Ani nito. Napansin siguro nito ang pagkalito niya.
"S-salamat." Nakakahiyang humingi ng tulong pero mukhang kailangan niya.
Lumapit ito at pinatalikod siya. "Hold your dress, Isabelle."
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...