60: Heed

12.3K 240 4
                                    

Tuloy-tuloy na pumasok ng bar si Raven. Wala pa ngang tao dahil maaga pa. Wala pang alas-otso ng gabi. Pero yung tatlong bampira na madalas dito ang nakita niya, nag iinuman na sa isang sulok. Tiningnan lang siya nito at nginitian.

Bigla siyang kinabahan. Mukhang may masamang balak ang tatlong to.

Nadatnan niyang nag-aayos na ng bartable si Dom. "Baby Rave," bati sa kanya nito. “What happened?”

“May inayos lang ako.” Sagot niya. Inayos niya muna ang mga kalat ni Vicky sa Penthouse nang makatulog na ito. Yung sa laboratory, iniwan niya muna. Madaming aayusin doon malamang, matatagalan siya lalo.

"Your Hunter is in the room. Sumunod ka na, delikadong andito siya. Mainit ang dugo ng mga yun sa kanya," nginuso nito yung tatlong bampira

Si Kiel pala ang inaabangan ng mga to. Delikado nga.

Sandali? Kelan pa naging concern si Dom dito? Last time halos magpatayan na ito.

“They know about that mate-thing. Kumalat na rin sa iba.”

Kailangan na nga niyang bilisan. Binuksan na niya ang pinto papasok ng hallway ng Malamang wala rin alam si Dom sa tunay na katauhan nung binitbit nilang bampira dito kaya hinayaan nitong dalhin ni Kiel sa saferoom.

Maybe I should left it as it is. Baka magwala na naman ito kapag nalaman kung ano ni Fritz si Vicky. Masyado pa naman protective si Dom sa boss niya.

Ngayon, ang problema niya ay kung paano sasabihin sa Fritz na yon na ayaw na siyang kausapin ni Vicky.

“Is she there yet?” Dinig niyang tanong ni Fritz ng buksan na niya ang pinto. Nadatnan na nga niya itong nakaupo sa silya. Si Kiel naman ang nasa sofa, nakalabas na ang baril. Mukhang inip na inip na.

Parehas itong napatingin sa kanya pagpasok.

"What took you so long?" tanong sa kanya ni Fritz. Tumayo na ito sa upuan. "Where is my Vicky?"

"I’m sorry. She doesn't want to see you, Fritz," ani niya dito. "Kiel, tara."

Huminga ng malalim ang hunter bago tumayo sa sofa at binitbit ang baril. Lumapit ito sa kanya. “Buti naman.” Sabi pa nito.

"Can you at least let me talk to her. On the phone or anything," nagmamakaawa na ng boses ni Fritz. "Please. I told you I can help you. Trust me. I--"

“Pre, sabi nga ayaw na sayo diba?” sabat ni Kiel. “Papasabugin ko na to, Rave. Nakukulitan na ako.” Bulong pa nito sa kanya.

Napatingin lang si Fritz sa kanila. Mukhang di ito nakakaintindi ng tagalog.

“I can’t do anything about it, sorry. This is her territory, not mine. Please leave now, Fritz.”

Sa totoo lang wala naman na siyang pakialam kung ano mang inoofer na tulong nito. Oo na nga't member si Fritz ng High Council. Anong laban ng isa sa eleven pang members nito, isama pa ang Hari nila. Hindi rin naman ito gaanong malakas sa tingin niya.

Ang inaalala niya ay baka sabihin ni Fritz sa Daddy niya ang tungkol sa pagtatago niya dito. Lagot si Vicky niyan malamang.

"Just don't tell my father that I'm here. It's for Victoria. You know his temper, he might kill her if he finds out." Tumalikod na siya at hinila na niya si Kiel.

Lalabas na sana sila ng biglang sumara ang pinto. Kusang naglock.

"Princess," lumalim ang boses ng kasama nilang bampira sa loob. "I'm just asking you to let her talk to me. Just that."

Napalingon siya. Sh*t, masama ito.

Pula na ang mga mata ni Fritz. Kung kanina mukha itong harmless, ngayon hindi na. Para siyang namamalik-mata. Biglang tumapang ang mukha nito at titig na titig sa kanila.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon