72: Memories

11.7K 232 5
                                    

Tumindi ang buhos ng ulan pagkaalis nila Raven sa bahay nila Isabelle. Hindi na halos makita ang kalsada. Madulas na din ang daan.

Pabago-bago talaga ang panahon, naisip niya. Kanina, napakainit pa.

"Raven, tumuloy muna tayo sa malapit na hotel, mahirap nang mag-drive." Sabi ni Kiel.

"Lumiko ka sa susunod na kanto." Utos niya kay Kiel.

"Sa may talahiban? Seryoso ka?" tanong nito. Nakunot na ang noo nito.

"Sumunod ka nalang. May matutuluyan tayo diyan."

Wala namang nagawa si Kiel at sumunod din. Malubak at maputik ang daan doon pero kabisado pa niya kahit ilang dekada na siyang di nakakauwi.

Alam niyang nakatayo pa ang bahay na iyon. Nakiusap siya kay Piere na wag pabayaan ang Manor kahit umalis siya. Mabuti naman at tumupad ito.

"Bahay? Kaninong bahay to?" tanong Kiel sa kanya. Kitang-kita sa mukha nito ang pagtataka ng makita ang luma at malaking bahay.

"Sa amin. Tara na."

Bumaba na siya ng kotse at sinalubong ng ulan. Hinayaang na niyang mabasa ang suot na damit niya. Direretso siya sa silong ng main door at sinubukan niyang buksan pero naka-lock. Plano na sana niyang sirain ang pinto na sumulpot si Kiel sa tabi niya. "Wala bang tao?" tanong nito.

"Wala. Wala namang nakatira dito," sabi niya kay Kiel. " We'll stay here. Mukang matagal pa bago tumila yung ulan."

"Ang laki pala ng bahay nyo no," puna naman nito. Sinilip-silip nitp ang kabuuan ng bahay. "Bukas ang bintana sa taas, ako na bahala."

Bigla itong lumabas at umakyat sa isang mataas na poste doon.

"Kiel! Stop that! Bumaba ka dito!" lumakas ang kabog ng dibdib niya nang di niya ito makita pagsilip niya sa taas. Maulan pa naman. Baka madulas ito at mahulog.

"Kiel!"

Bumukas ang main door at bumungad doon si Kiel na nakangiti, "Yes, Princess?"

"Crazy bastard!' Sinugod niya ito at tinulak papasok.

"Sorry," ngumisi lang ito. "Saka sanay naman ako umakyat ng bahay na ganto. Trabaho ko to dati."

"Akyat bahay din?"

"Um.. ganoon na nga." Sabay tawa.

 "F*ck you." Nakakainis. Kung alam lang ni Kiel na masyado siyang nag-alala tapos nagawa pang magbiro.

"F*ck me? Dito? Pwede din," sagot nito. Lumapit pa ito sa kanya at hinapit ang bewang niya. Kahit na basa ang damit nito, ramdam na ramdam niya ang init, "Sabi mo wala namang tao."

"Pwede ba!" Iniwas niya ang mukha ng akmang hahalikan siya nito.

"Yes, pwede."

Itinulak lang niya ito at inirapan. "D*mn it."

"Hey, I'm just trying to cheer you up, Rave. Kanina ka pa. Kung di ka malungkot, mainit naman ang ulo mo," sabi ni Kiel sabay angat ng baba niya. Natama ang mga mata nila. "Ngumiti ka naman."

Umiwas siya ng tingin at nagbugtong-hininga. Pano siya ngingiti, ang dami pa niyang problema. Dumiretso nalang siya sala.

Mukhang di talaga hinayaan ni Pierre na maluma ang bahay. Well maintained at kakaunti lang halos ang pinagbago. Too think na halos seventy years na siyang di tumutungtong dito. Malinis din. Parang kailan lang na may tumira dito. 

Umakyat na siya ng hagdan. Sumunod naman si Kiel sa kanya. Napansin niyang may kalumaan na talaga ang Manor. Lumalagitnit na sa bawat hakbang.

"Ang tanda na siguro ng lugar na ito." Dinig niyang sabi ni Kiel.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon