Nawala na ang sobrang sakit na naramdaman niya mga ilang segundo lang ang nakakalipas.
Ganto ba ang pakiramdam ng mamamatay na?
Parang lumulutang. Wala na siyang kahit ano pang maramdaman.
Parang isang iglap lang ang lahat. Kanina tahimik lang siyang nanonood ng DVD sa apartment niya. Tapos ngayon heto na siya, nakahiga sa malamig at matigas na kalsada.
'Please wake up. Please'
Pinilit niyang inimulat ang mata. Naaninag niya ng bahagya ang mukha ang tumatawag sa kanya. Nakayakap na ang mga braso nito sa katawan at marahang hinahaplos ang pisngi niya.
'Please.'
Nagpapanic ang boses nito. Natatakot.
Nakakaamoy siya ng dugo. Madaming dugo.
Nang sunog na goma. Nang gasolina.
Naaksidente nga talaga sila.
'I'm sorry....I have to do this.'
Naramdaman niya ang malambot na labi nito sa labi niya. Gusto niyang magprotesta ngunit nanatiling paralisado ang buo niyang katawan.
Nalasahan niya ang mainit na likido na pilit na isinalin sa bibig niya.
Dugo.
'You need to live. Please, I need you.'
Unti-unti nang naaalala ni Isabelle ng malinaw ang lahat pero hinayaan muna niya na magpaliwanag ng matiwasay ang lalaki.
Wala rin naman siyang ibang choice. Ni hindi rin niya alam kung saang lupalop siya dinala nito. Mukhang kapanahunan pa ni Rizal ang kwarto, kahoy ang dingding at sahig, capiz ang bintana. Walang ibang dekorasyon maliban doon sa mga pinagbabato niya kanina na ngayon ay nakatambak na sa isang tabi.
Vintage na vintage ang hitsura. Mukhang mas matanda pa ito sa bahay nila sa probinsya.
Huminga nalang siya nang malalim. Pinilit nalang niyang pinakakalma ang sarili habang hinihintay niya itong magsalita. Habang hinihintay ang paliwanag nito.
Isa lang kasi ang tumatakbo sa utak niya ngayon: Hinalikan niya ako.
"I have no choice--"
Hinalikan nya ako..
"—nag-aagaw buhay ka na,"
Hinalikan nya ako....
"I infected you with my blood. Iyon lang ang paraan para mabuhay ka."
Hinalikan nya....Teka. Ano daw?
Biglang napatayo sa silya si Isabelle sa mga narining. Oo nga, medyo lutang pa ang utak niya pero malinaw ang pagkakadinig nya dito.
"Ano?!" biglang tanong nya dito. "Anong sabi mo?! Anong infected?!"
Shet baka may AIDS tong lalaking to?!
Itong mokong pa namang ito ang first kiss niya tapos may sakit? Tapos hinawaan siya?
Huli nang matauhan siya na manipis na night gown lang ang suot niya. Napaupo siya uli at tinupi ang dalawang kamay sa dibdib.
"Calm down, please. Naiintindihan kong magiging ganyan ang reaksyon mo."
Seryoso paring nakatingin sa kanya ang lalaki habang nakaupo sa harap ng mahogany table na walang effort nyang nabuhat kanikanina lang.
"Sige ituloy mo," walang siyang nagawa kundi ang makinig uli. "Bakit mo ako hinalikan?"
Napatitig lang ito ng diretso sa kanya.
Shet na yan, nakakatunaw yung titig. Pakiramdam niya parang kakainin na siya ng buhay.
"I gave you my blood, " walang gatol na sagot nito. "Through a kiss."
Ang saklap naman ng first kiss niya. May halong dugo pa.
"Teka, di ko gets eh. Anong kinalaman nang dugo doon kung paano ako nabuhay?"
Nagbugtong-hininga lang ito.
"I made you into...something..." Umiwas ito ng tingin. Mukhang nag-iisip kung anong susunod na sasabihin. Napakagat pa ito ng labi.
Ang kissable ng lips.... teka, ano ba Isabelle.
"Something..what?" Tanong niya.
Ba't ba ayaw akong diretsohin ng mokong na to. Paputol-putol pa ng sinasabi. Baka gusto niyang tuluyang makatikim ng lumilipad ng lamesa.
"I made you one of us,"
"A vampire."
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...