6: Knight in Leather Jacket

25.5K 590 31
                                    

"So we meet again," bati ni Raven sa sumusunod sa kanya. "Kumusta? Tumangkad ka yata."

"Oo,"

Hmmm. Low baritone, pati boses nito nag-iba. Malalim. Lalaking-lalaki. Hindi na yung matinis at takot na takot.

Sexy.

"Hindi ka nagbago." Puna naman nito sa kanya.

Did he just smirked at me? How cute.

"Obviously," nakangiting sagot niya dito. "Well, what do you expect,"

Hindi naman talaga siya tumatanda. Ganoon parin ang hitsura niya noong una silang nagkita. Kaya siguro madali siya nitong nakilala.

And a pause. Hindi niya alam kung bakit parang may dumaang angel sa pagitan nila, natili lang silang nakatayo sa eskinitang yun nang ilang segundo. Nakatitig lang sa isa't isa.

Hindi na talaga ito ang patpating at gusgusing bata noon, malaki talaga ang nagagawa ng pera at panahon sa tao. He was so ruggedly handsome, those cheek bones, with that messy bedhead hair and black leather jacket. He was tall, dark, and lean and...

He got a gun concealed on his back.

"You're not here just to say hello, aren't you?"

Napaatras siya sa kinatatayuan. Napansin din niya ang tattoo nito sa kanang kamay. Omega symbol.

Hunter's Guild.

Damn.

Hindi man lang niya naiisip na kung bakit ito nagpakita uli. Malamang may balak ito.

Nilakasan niya ang pakiramdam. Hunters work in group, baka may mga kasama ito na nakatago lang sa paligid.

Masama nga ito. May mga taong papalapit. Tatlo. Pero base sa kilos at galaw nito, armado at highly trained.

This is a trap.

"No, I'm not here to kill you either. If that's what you think, " malumanay na sabi nito sa kanya. Nakita siguro ang pagkabalisa niya. "Marunong akong tumanaw ng utang na loob."

"So, what's the meaning of this." She almost hissed. How can she be so trusting.

Hindi pa siya nakakapag-dinner. Wala siyang lakas ngayon.

Sabagay mukha naman siyang masarap.

"Come with me," he said. "Ilalayo kita dito."

With him?

"What?" Well that was unexpected.

"Trust me."

Di nagtagal ay hila-hila na siya nito habang naglalakad. Mahigpit ang pakakahawak sa kamay niya. Talagang ayaw siyang pakawalan. ‘Act normal,’ sabi pa nito. Kung iisipin, para lang mag girlfriend-boyfriend na nagmamadaling umuwi at papunta kung saan.

HHWW

Holding hands while walking.

Some cheesy-shit.

Mabilis silang nakarating sa bus stop. Kahit hatinggabi na, marami parin ang nag-aabang ng masasakyan.

Wala na ang mga hunters na sumusunod sa kanila. Maraming tao. Kahit sino sa kanila ayaw ng atensyon. Iiwas talaga ang mga ito.

Kahit sabihin pa na magkalaban sila ng paniniwala, nagkakasundo naman sila sa ilang bagay. Wala dapat madamay na inosenteng tao at manatiling lihim ang gera nila.

"Well, that was a good idea," kumalas na siya sa pakakahawak ng lalaki ng makarating sa waiting shed.

"It was fun."

"Saan mo balak pumunta ngayon?" Tanong nito sa kanya.

"Bakit, sasamahan mo ako?" sarcastic na tanong niya dito. "Tamang tama, kailangan ko ng date."

"Probably, yes," sagot naman nito. Kumuha ito sigarilyo sa bulsa at nag sindi. "Delikado ang sitwasyon mo ngayon."

One turn-off after another. Hunter na nga, smoker pa. Sayang.

"Kailan ba naging hindi. Hina-hunting niyo nga ang lahi namin.”

"You're having a one big shit here, Dove, Robin, Raven, o kung ano pa man ang alyas na gamit mo." Sabi nito sabay buga ng usok.

"It's Raven."

Ngumisi ito sa kanya. "Ten million ang pabuya kapag nahuli ka,"

Ten million.

Lang.

Nakakainsulto.

Sino naman kayang maglalabas ng reward sa kanya? Alam niyang matagal na siyang pinaghahanap ng marami. In demand ang estado niya sa mundo nila. Pero, the hell, bakit may reward pa?

"Nakalabas na ang lahat ng detalye mo sa lahat ng ibang hunters," dugtong nito. "Alam nila kung saan ka madalas pumunta, saan ka nakatira, at sino ang kasama mo sa bahay,"

Sino ang kasama mo sa bahay.

Um-echo ang mga salitang yun sa utak niya.

Si Isabelle.

Tumalikod na siya para umalis pero napigilan siya nito, nahawakan siya agad sa braso.

"Sandali, sandali," itinapon nito ang may sindi pang sigarilyo sa semento. Inapakan. Ngumisi. "Sasamahan kita diba?"

"And what makes you think na magpapasama ako."

"You don't trust me?"

"You're a f*cking hunter. Duh," napairap siya. “Ang pogi mo, kaso ang slow.”

Lalong lumapad ang ngisi nito. "Pero pwede naman akong bodyguard. Maraming kaming hunters na kumukuha ng ganoong trabaho."

Napataas ang kilay niya. Ganto ba ito kagipit?

"Kaya mo naman tapatan yung presyo ng pabuya mo hindi ba? Magiging loyal ako."

So pera lang talaga ang katapat ng loyalty nito sa kanya. Pangatlong turn-off points na.

"Hindi ko kailangan ng bodyguard." Sabi niya dito

"Kung makakaharap mo ang isa samin ngayon, hindi ka tatagal,” sabi nito. Hinila siya nito papalapit. "You haven't fed in weeks, hindi ka gaanong malakas gaya ng inaakala mo."

He's cute upclose, but damn so annoying.

But he's right. Kung sa sitwasyon niya ngayon madali siyang mahuhuli.

O mapapatay. Wala siyang balak mangyari ang kahit isa dun.

"I'll pay twice,"

Sige na. Mukhang malaki naman ang maitutulong nito sa kanya.

Pwede ding instant snack pag nagkataon.

"Give me your name."

"Kiel," Ngumiti ito sa kanya. "At your service, my princess."

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon