Pamilyar ang kamang kinahihigaan ni Isabelle. Naalala niya ito. Ito yung kama ng kwarto ni Raven. Bigla siyang napabangon.
"Hey, beautiful." Si Piere iyon.
Nakaupo ito sa kama, sa tabi niya. Agad niyang hinagis ang unang bagay na maabot niya dito.
"G*go kang demonyo ka! Bakit mo ako dinala dito!"
"Shhh-- will you calm down." Marahan nitong hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Tumitig ang mga mata nito.
Walangyang to! Akala niya kakalma ako sa ginagawa niya.
"Wag mo akong hawakan!"
Pumiglas siya. Malakas. Naitulak niya ito ng bahagya pero may kung anong pwersa ang umipit sa kanya pasandal ng headboard ng kama. Di siya makagalaw. Binalutan uli siya ng takot.
"Isabelle." Mariin ang pagkakasabi nito. Nakatitig na sa kanya ang mga pulang mata.
No.
Tinitigan niya lang ito katulad ng ginawa niya doon sa kambal sa Paradiso. Nakita niya ang pagtalsik nito paatras. Bumagsak ito sa sahig. May mga itim na guhit na namang lumabas sa balat nito.
Alam na niya ang ginagawa niya. Kahit papaano, nakokontrol na niya.
"H-How did you ah--" ngumiwi ito sa sakit at napahawak sa dibdib. Hirap na ito sa paghinga.
Bumukas ang pinto ng kwarto. "Pierre! Sh*t! What happened?!"
Si Raven?! Andito si Raven?!
Agad niyang inalis ang pagkakatitig kay Pierre. Suminghap ito ng hangin bago dahan-dahang tumayo. Agad itong dinaluhan ni Raven.
"I'm ok Angie," hawi ni Pierre dito. "I deserve this."
"What the hell is this?" tanong ng kaibigan niya.
Magkapatid nga sila. Ngayong magkasama na ang dalawa, magkatabi, lalo pa niyang nakita ang pagkakahawig nila.
"It's nothing," sabi nito. "Go on, mag-usap na kayo. Babalik ako mamaya." Ngumiti pa ito sa kanya.
Nanatili parin siyang nakaupo sa kama nang lumabas na ng kwarto si Pierre.
“Raven.” Tawag niya. Tumitig ang mga matingkad asul na mga mata nito sa kanya.
Parang bumagsak ang katawan nito, ang laki ng pinagbago. Hindi na masigla. Maputla na at kitang kita na ang eyebags sa ilalim ng mga mata. Anong nangyari?
Di siya makakilos. Totoo nga ang lahat. Bampira nga din ang kaibigan niya.
Unti-unting bumalik sa dating light brown na kulay ang mga mata nito. “What have you done?”
"Rave, I-I'm--" di siya makapagsalita ng maayos.
"Alam ko na ang lahat, Ish. Lahat nang tungkol kay Alejandro. Ang tungkol sa inyo,” tumungo ito at kinagat ang labi. “How could you?"
"Raven kasi..."
"Alam mo ba kung anong klaseng lalaki siya?! Alam mo ba ang mga pinagdaanan ko sa kanya?" hinawakan nito ang balikat niya. Saglit na napatingin sa leeg sa leeg niya.
"Sh*t. He did marked you," sambit nito saka lumayo. "Bakit ka pumayag?!"
Galit si Raven, pero bakit ganoon? Iba ang tibok ng puso nito. Steady lang. Isang tono lang. Mahina. Malungkot.
"Sorry..." Ito nalang ang nasabi niya. Yumuko siya. Tanggap niya ang bawat sumbat na ibabato ng kaibigan niya.
Umatras si Raven sa kanya. Asul na naman ang kulay ng mga mata. "Gumising ka sa kahibangan mo Ish. Gusto mo pa bang may madamay na iba?"
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...