56: Hi, Mr. Haywire

13K 245 6
                                    

Anong ginagawa ng mga Schwarze dito? Wag naman sana silang magkaroon ang isa pang problema.

"Sa tingin ko ibang branch yun, may bagong head na sila ngayon." sabi ni Kiel pagtawid nila.

"Pano mo nalaman?" tanong niya.

"Kay Raffy. Ngayon patay na yung Casimir, may umagaw na sa pwesto niya," sagot nito. Umakbay ang isang kamay nito sa balikat niya. "Don't worry. Nandito ako. Saka sa tingin ko, hindi naman basta basta susugod ang bagong head na yon sa teritoryo ni Vicky."

Hinawi lang niya ang kamay nito at naglakad na papunta sa pinto. Naiilang siya. Matapos niyang sabihin ang lahat-lahat, bakit ganto parin si Kiel sa kanya? Lalo siyang naguguluhan sa pinapakita nito.

"But why are they here?"

Nagkibit-balikat lang si Kiel, Mukhang di din nito alam.

"Please! Let me talk to her!"

Dinig na dinig niya ang sigaw ng lalaki pagpasok palang nila sa lobby.

"Sir, S-she's not here." Takot na takot na sagot nang receptionist nila. Papalapit na rin ang mga guards.

Matangkad ang lalaki. Hindi gaanong malaki ang pangangatawan pero may isang bagay na kinakatakutan ng babaeng receptionist. Yung mga mata nito.

Pula.

Napalingon ang lalaki pagdating nila. "P-Princess?"

Damn it. Nakilala siya?

Agad hinarang ni Kiel ang katawan nito sa kanya. Kitang kita nila na nasa daliri ng lalaki ang singsing na dating suot ni Casimir. 

Ito yung Schwarze nakasakay sa kotseng nakita nila kanina. Ba't andito sa lobby?

"Ah no. No. No," Iling ng lalaki sa kanila, sabay kumpas pa ng kamay. Bumabalik na normal na kulay ang mga mata nito. "I'm not here for her."

Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. Tinapik niya ang balikat ni Kiel. Inutusan na narin niya ang mga guards na wag nang makialam pa. Sumunod naman mga ito pero nanatiling nakatayo malapit sa kanila.

"It's ok," sabi niya sa receptionist. Palibasa maaga pa kaya tao ang receptionist ng building ngayon. Maya maya pa ang shift nang mga bampirang empleyado ni Vicky. Naintindihan niya kung bakit ito natakot. "Ako na kakausap."

"Raven?" nag-alalang tanong ni Kiel. "Are you sure?"

Tumango nalang siya at lumingon sa lalaki.

"Who are you? What do you want?" Nagtataka din siya kung bakit mag-isa din ito. Walang mga body guards na kasama. Mukhang naliligaw lang na foreigner.

Ang trip ng isang ito?

Itinuro niya ang waiting area sa lobby, malayo sa mga guardya. Sumunod nalang ang lalaki at naupo sa isa sa mga sofa doon.

He looks harmless. Pero hindi, mahirap magtiwala.

Naupo na rin siya. Si Kiel nanatiling nakatayo sa tabi niya, matalim ang tingin nito sa lalaki. 

"I need to talk to Victoria, is she here?" May German accent pero mas naiintindihan niya ito kaya sa nauna nilang nainkwentro.

Bakit si Vicky ang hinahanap nito?

"No," Humalukipkip lang siya saka sumandal. Ang alam niya nasa opisina pa ito.

Inobserbahan niyang mabuti ang lalaki. Normal ang histura. Ni hindi ngang mapagkakamalang bampira. Parang naligaw lang na turista sa Maynila. Nakapolo shirt na Hawaiian lang at cargo pants. Matangos ang ilong, blue-eyed at blonde din ang buhok. He looks like on his midtwenties. Pero yung totoong edad nito hindi siya sigurado.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon