32: Frailty

15.9K 298 11
                                    

Bununtong-hininga si Vicky nang iabot sa kanya ng assistant ang report

"Liz, double check it. Try the other strains. Pati na rin yung galing sa ibang Covens." Utos niya.

Tumayo ang assistant niya at lumabas ng opisina.

Nakatatlong test na. Hindi nagmatch sa kahit anong strain ng mga Valerius sa hunter na nahuli nila. Hindi niya masiguro kung sino sa mga miyembro noon ang nag-sire dito.

Napa-iling nalang siya.kKahit papaano nabawasan ang trabaho niya dahil may katulong na siya sa laboratory.
Raped and drugged at tinapon lang sa tulay para mamatay, buti napadaan siya doon bago ito natuluyan.

Nakakapanghinayang naman kasi.

Sumandal siya sa swivel chair at tinitigan ang monitor. Napatitig sa mga pictures ng autopsy niya.

Kakaiba talaga, naisip niya. May traces ng meat sa stomach nito, bukod dun sa semi-digested na pasta na naiwan. Hindi na kayang mag-digest ng solid foods pag-infected na ng vampire virus. Ilalabas at ilalabas ito ng katawan. Pero itong isang ito, nakapagbreakfast pa o lunch bago nang gabing namatay.

Isa pa, karaniwang nagiging shade ng pula ang iris, pero hindi ang isang to. Pangalawa doon, bakit hindi parin ito nagiging abo? Nagdidisintigrate ng kusa ang bangkay ng isang bampira makalipas ang ilang oras kapag nasa indoor. Minuto naman ang tinatagal kapag nasa ilalim ng araw.

Pero malakas ang signs na bampira din si Joe. Kitang-kita naman sa kakaibang lakas saka sa reaction ng katawan sa silver bullet na binaril ni Kiel.

Napahawak siya sa batok. Nanakit na yon. Nasa limit na siya ng katawan niya.
Ilang gabi na rin siyang gising.

Mi-nomonitor pa niya lahat ng bampirang pumapasok sa teritoryo niya. Kailangan niyang maging maingat ngayon. Inalala niya ang ama ni Raven saka yung bounty na inilabas nito para sa anak.

Siraulong babae kasi, sa isip-isip niya, ayaw talagang makipag-usap. Ayaw talagang umuwi.

“Ah, I need a break. Bakit ba ako nadadamay sa family issues nila?” Tatayo na sana siya sa upuan ng mag-ring cellphone niya sa lamesa. Agad niya itong sinagot.

"Vicky." Rinig niyang sabi ng nasa kabilang linya.

Si Pierre.

Huminga siya ng malalim. Mabuti napatawag uli ito. Ang alam niya, kakauwi lang nito galing France pero nahirapan siyang ipahanap ang location nito sa mga tauhan niya. Palibasa, sa ibang Coven na nakapisan at hindi na niya sakop ang teritoryong yon.

"Alam mo bang nasira ng kapatid mo ang kusina ko? Nasaan ka ba? Bakit mo tinatanong kung andito yung Isabelle? Alam mo bang yung magaling mong ama, may pakulo na naman?"

"Ang dami tanong ha, anong uunahin kong sagutin? Hindi mo ba ako namiss?" Kahit di niya nakikita, alam niyang nakangisi ito.
Napairap nalang siya. Hindi na talaga nagbago. "Where are you now?"

"At the Manor, nandito din sila."

Sila? Kasama yung kaibigan ni Raven, saka si Alejandro?

Nabangit nga ni Raven na nawawala ang kaibigan nito. Mukhang nakidnap nga talaga ito ng ex.

Pero natataka siya kung bakit kailangan pang gawin ni Alejandro ang bagay na yon. At kung bakit din kasama si Pierre sa gulo. "So kidnapper ka na rin? Talagang sa mga Valerius na ang loyalty mo?" tanong niya.

"This is not my idea, believe me,” tanggi ni Pierre. "Hindi ko rin alam kung anong gusto niyang mangyari. Nakita ko nalang sila dito.”

"Pero bakit mo tinatanong kung bakit andito si Isabelle kanina?"

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon