Tatlong taon ang nakakaraan, nasa grade 6 palang ang bida nating si Jett at tatlong araw matapos magsimula ang klase sa Selma Elementary school nang tumatakbo siya papasok sa school gate kung saan nasarahan sya nito.
Jett: "Pambihira!!! Nasarahan na naman ako!!"
Estudyante 1: "Sorry Jett!! Late ka kasing dumating!!!"
Estudyante 2: "Hahaha!! Matulog ka din kasi ng maaga para maaga ka rin magising!!! Pero ayon sa mga naririnig ko, Tulog-mantika ka daw!!! Hahahaha!!!"
Jett: "Magsisisi kayo dahil sa pang-iinsulto nyo sa akin!!!"
Estudyante 1: "Talaga?!! Eh hindi ka nga makapasok dito sa loob, hindi ba?!! Kaya wala nang dahilan para manatili ka pa dito!! Kaya umalis ka na!! Tsaka pupunta na pala kami sa first subject namin, kaya buh-bye sayo Jett!!"
Estudyante 2: "BUH-BYE!!! HAHAHAHA!!!!"
Umalis ang dalawang nagbabantay sa gate kung saan dumating na din ang guard para bantayan ang School gate.
Jett: "Sir! Pwedeng pong papasukin nyo po ako? Kailangan ko pong pumasok sa first subject ko po."
Guard: "Pasensya na, Boy. Pero sabi ng Principal, hindi na pwedeng pumasok sa loob ng School ang mga nalate na estudyante. Magpapapasok lang kami kapag tapos na ang first subject nyo."
Jett: "Ha?! Pero isang minuto lang po akong nalate?!!!"
Guard: "Pasensya na, Boy. Yun kasi ang utos ng Principal. Gusto ko man sanang hayaan kang pumasok pero kapag nalaman nyang pinapasok kita, babawasan nya ang sahod ko. Pasensya na talaga."
Jett: "Sige po. Salamat na lang po, Sir. Balik na lang po ako mamaya."
Nadismaya si Jett dahil sa hindi sya pinapasok sa gate ng kanilang eskwelahan. Ngunit hindi ibig sabihin nun na basta na lang sya susuko at hayaan na lang syang kutyain ng mga naunang estudyante na nagbantay sa gate kanina.
Kaya naman, inikot ni Jett ang buong pader ng kanilang eskwelahan kung saan nakahanap siya ng isang puno na abot ang sanga nito ang ibabaw ng pader papasok sa loob.
Sobrang napakataas ng puno, ngunit dahil determinadong makapasok si Jett sa loob ng eskwelahan, inakyat nya ito. Habang umaakyat si Jett, nataon namang inutusan ang isang babaeng estudyante na magtapon ng basura sa likod ng classroom nito.
Reysha: "Hay....Grabe!! Kainis naman si Teacher!!! Ako pa talaga ang inutusan nyang magtapon ng basura!! Sa dami ng mga lalaking pwede niyang utusan, ako pa talaga napagtripan nya!!"
Nang mga oras na yun, nasa sanga na ng puno si Jett nang bigla itong nabali.
Jett: "AAAAAAAAHHHHH!!!!!"
Reysha: "Huh?! Anu yu—?!!"
Diretsong nabagsakan ni Jett ang babae at napahiga sila pareho sa lupa. Ngunit hindi sinasadyang dumampi ang labi ni Jett sa labi nito. Nang maramdaman ito ito Jett, agad syang tumayo.
Jett: "Ah....sorry! Di ko alam na may tao dito. Uy....OK ka lang?!"
Reysha: "MUKHA BA AKONG OK?!!! DINAGANAN MO AKO!!! AT SINO KA BA HA?!!!"
Jett: "Eh....Ako si Jett."
Reysha: "Apelyido mo?!!!!"
Jett: "Kailangan pa ba yun?"
Reysha: "Aba!!! Siyempre!! Kailangan kong malaman yung buong pangalan nung taong nambuwisit sa akin ngayung araw?!!!!!"
Jett: "Oy!! Hindi ko naman sinasadya na daganan ka!! Aksidente lang yung nangyari!!!"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...