CHAPTER 24: PAGEANT PT. 2

34 5 0
                                    

Sabay kumain ang mga magkakaiban upang planuhin ang gagawin ni Lyrica sa stage. Hindi naman maiwasang titigan ng mga usiserong mga estudyante si Lyrica habang nakatingin sila sa bintana ng Backstage.

Reysha: "Hoy!! Magsi-alis nga kayo!!! Nakikita nyo namang kumakain kami!!!"

Student 1: "Grabe!! Hindi ko akalain na ganyan pala kaganda si Lyrica!!

Student 2: "Kung alam ko lang na maganda pala sya, dapat niligawan ko na noong nasa grade 7 pa kami!!"

Aileen: "Hoy!! Akala nyo ba easy-to-get si Beshy ha?!!!! Tsaka binubully nyo rin sya noon?!!!! Bakit ngayun bigla kayong bumait?!!!"

Student 3: "Lyrica! Pwede ba kita makadate sa linggo? Libre ko lahat ng mga gusto mo."

Albert: "Hoy!! Lumayas nga kayo dito!!!! Gusto nyo ba ng sapak ha?!!" (GRABE!!! UUNAHAN PA AKO SA PAKIKIPAGDATE KAY LYRICA NG LALAKING TO!!!)

Sa hindi inaasahan, biglang tumayo sa upuan si Albert at akmang susugurin ang lalaking estudyante na naghihikayat kay Lyrica na makipag-date. Agad naman syang inawat ni Lyrica.

Lyrica: "Albert! Huminahon ka! Hayaan mo lang sila sa pagbibiro nila!! Alam mo namang mga loko ang mga ka-batch natin!"

Rochel: "Albert? Ba't bigla ka na lang nagalit? Anu bang nasabi nilang masama sayo ha?"

Archie: "Oo nga, Insan. Anu bang nasabi nila?"

Tahimik at hindi sinagot ni Albert ang mga tanong ng mga kasama nya. Tsaka sya bumalik sa upuan at bumalik sa pagkain ng pananghalian.

Maya't maya nagtaka ang magkakaibigan nang magtakbuhan palayo sa Backstage ang mga usiserong estudyante. Hanggang na narinig nila ang sigaw ng nagwawalang matanda.

Sura: "BUMALIK KAYO DITO!!! MGA BUWISIT KAYO!!! IPAPADALA KO KAYONG LAHAT SA IMPYERNONG PINANGGALINGAN NYO!!!!!!!"

Student 1: " Guys!!!! Takbo na!!!! Anjan na yung War-Freak na matanda!!!!!"

Student 2: "LAHAT KAYO!!! ALIS!!!! MAGSI-ALIS KAYO!!!!!"

Nagkagulo at nagtakbuhan ang mga usiserong mga estudyante na parang mga nagkagulong mga langgam. Ang matanda naman, pilit silang hinahabol gamit ang Electric Bike na sinasakyan nya at nakahawak ng Baseball Bat bilang pamalo.

Napangiwe na lang muli ang mga nasa loob na kuwarto ng Backstage.

Reysha: "Yan tuloy. Ayaw nilang umalis sa bintana at pinapanood pa tayo. Ang titigas kasi ng mga ulo."

Rochel: "Uhmm...guys? Lagi bang ganito sa school na ito kapag may event?"

Albert: "Sang-ayon din ako sa tanong ni Rochel. Lagi bang ganito kapag event nyo dito? Nagkakagulo silang parang mga sira at hinahabol din sila ng isang....... ehhhhhhhh............. pambihirang matanda?"

Carl: "Hay........masasanay din kayo kapag nagtagal. Actually, hindi si Ma'am Sura ang humahabol sa mga loko jan kundi si Jett. Pero mula noong nawala si Jett, hayan, bumalik na naman siya sa paghahabol sa mga lokong estudyante."

Bahagyang nalungkot si Reysha ng marinig nya ang sinabi ni Carl at muli na naman syang nag-aalala kung anu kaya ang kalagayan ni Jett sa mga oras na ito.

Lyrica: "Reysha, wag kang mag-alala. Mahahanap din natin si Jett."

Reysha: "Oo. Tama ka, Lyrica. Kailangan kong maniwala na OK lang sya. Pero sa ngayun, kailangan mo ng maghanada para sa talent portion and as usual, isusuot mo ang iyong Talent Costume!!!"

Lyrica: "T-Talent Costume???!!"

Ipinakita ni Reysha ang Witch Pumpkin Costume na isusuot ni Lyrica at agad na pinapunta ni Reysha si Lyrica sa Banyo.

Paglabas nila, muli na namang nailang si Lyrica sa suot nya dahil gaya ng una nyang isinuot, kita ang kanyang pusod at hanggang gitna ng kanyang hita ang suot nyang palda. Ang kaibahan lang, bahagyang naka-angat at parang ulo ng kabute ang kanyang palda.

Carl: "Reysha? Anu na naman yan?!! Di ba tapos na ang Sexy Attire kanina? Bakit pang sexy na naman ang suot nya?"

Reysha: "Siyempre!! Pang-hakot sa mga audience!! Kahit maliit ang percentage na makukuha sa Audience impact, malaking bagay pa rin yun para makahakot si Lyrica ng points. Pero si Lyrica pa rin ang bahala kung paano nya gagawin ang talent nya."

Lyrica: "Ehhhhhh......Reysha? Makakapag-magic ba ako ng maayos kapag ganito ang suot ko?"

Albert: "Lyrica, wag mong isipin kung anu ang suot mo. Basta mag-magic ka lang."

Reysha: "Oo, Tama ang Coach mo. Anu man ang mangyari, the show must go on!!!"

Carl: "Guys! Malapit na mag-ala una!!! Ihanda na natin ang mga gagamitin ni Lyrica."

Albert: "Lyrica, may sasabihin lang ako bago pumunta sa stage."

Lyrica: Anu yun, Albert?"

Albert: "Yung Bunny Trick, ibigay mo mga Judges ang mga Rabbit na ilalabas mo sa sumbrero."

Lyrica: "OK."

Albert: "Tsaka galingan mo."

Lyrica: "Thank you, Albert."

Matapos ang ilang mga paalala ni Albert kay Lyrica, agad na ihinanda ng kanilang mga kaibigan ang mga gagamitin ni Lyrica sa stage at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang Talent Portion ng kanilang Pageant.

Eksakto 1 PM, nakabalik na sa kanilang mga upuan ang mga Judges pati na rin ang mga magugulo at lokong mga estudyante. Nasa stage na rin ang MC kung saan sisimulan na nito ang pagsasalita.

MC: "Good Afternoon!! Judges!! Ladies and GentleCats!! Este Dogs!! Este Gentelmen pala!! Narito tayong muli upang saksihan ang ating mga Canditates na ipakita ang kanilang mga natatangin mga talent!!! Kaya naman, Ready na ba kayo?!!!!!"

Student 1: "Ready mo, Mukha mo!!!!! Gunggong!!!!!"

Student 2: "Ang dami mong sinasabi!!!! Simulan mo na agad ang show!!!!!!"

Student 3: "Akala mo kung sinu kang Gentlemen MC!!! Gentle Rat ka din!!!!!"

Sura: "MANAHIMIK KAYO!!!! MGA BUWISET!!!!!!! BIGYAN NYO AKO NG BARIL AT TATADTARIN KO NG BALA ANG MGA HAYOP NA YAN!!!!!!"

MC: "So, bago pa kayo isama lahat sa hukay ni Lola este ni Madam, simulan na natin ang ating Talent Portion!!!! Simulan na natin kay Candidate Number 1!!! Ang Representative ng 8-A!!!! Pero paalala, Alphabetical Order base sa Section ang mga number ng mgs Contestants!!! Kaya number 1, Simulan mo na!!!!"

Mula sa BackStage, kinakabahan si Lyrica dahil sa sya na ang susunod pagkatapos ng Candidate number 1. Naghiyawan ang mga manonood matapos ang ginawang Sexy dance ng Candidate number 1.

MC: "Wow!! Napaka-intense ng dance moves ni Candidate number 1!! At sobrang natutuwa ang mga manonood!! Ngayon, anu naman kaya ang masasabi ng mga Judges?!"

Pricipal: "Ang sa akin, ang komento ko, napakalambot ng katawan nya at napaka-ayos din ng choreography."

Lunabelle: " Ako naman, nagustuhan ko yung pagkasabay ng sayaw nya sa music.

Sura: "Ang masasabi ko, ang ganda ng tugtog na pinatugtog nya!! Yun nga lang naiingayan ako sa mga Buwiset sa paligid!!! Hindi ba kayo marunong tumahimik ha?!!!! KAPAG DI KAYO TUMAHIMIK, PATATAHIMIKIN KO KAYO NG TULUYAN!!!"

MC: "OK! So Guys and Girls, narinig nyo naman ang komento ng ating mga Judges. Napakalinaw!!! Kaya naman, bago pa maghanap ang ating Head Teacher ng sandata at patahimikin ng tuluyan ang ilan sa inyo, Tinatawag ko na ang next Contestant!!! Ang paborito ng lahat!! Contestant number 2!!!! Mula sa Section 8-B!!!!!

Sa wakas ay tinawag na rin ng MC si Lyrica upang i-perform ang talent nya sa stage. Ngunit kinakabahan din sya dahil sa baka madistract sya ng ingay ng mga estudyanteng nanonood.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon