CHAPTER 62: KARMA

29 4 0
                                    

Nang marinig ng mga kasamahan ni Jett ang sinabi ni Nell, nagduda sila dahil sa baka niloloko lang sila nito at parte lang ng plano ng tatlo ang i-cover sila ni Nell. Ngunit sa pagkakataong ito, nagsasabi na ng totoo si Nell.

Reysha: "Sa ilalim ng dagat?!!!! Nagbibiro ka ba?!!!"

Nell: "Rey....mukha ba akong nagbibiro? Sa klase ng kakayahan na meron si Rhett kaya nyang isama sa ilalim ng tubig si Jett. At sa mga oras na ito, baka namamasyal na yung dalawa sa ilalim ng dagat."

Albert: "Pero, panu nila magagawa yun kung hindi sila makakahinga sa ilalim ng dagat?!!!"

Nell: "Bruh.. wag mong maliitin ang kakayahan ni Rhett. Para sabihin ko sa inyo, may dalawang kakayahan si Rhett. Una yung ginawa nyang pagkontrol sa tubig kanina. Pero mukhang na mali sya ng tantya."

Lunabelle: "Na mali ng tantya ha? Muntik nyo na nga kaming lunurin!!!!!"

Archie: "Nell, anu pa ang isa pang kakayahan nya?"

Nell: "Yung pangalawa, kaya nyang gawing yelo ang tubig na kinokontrol nya."

Carl: "Kaya nyang gawing yelo ang tubig?!!!!"

Albert: "Ibig sabihin, may instant Ice sculpture na sya kung gugustuhin nya?!!!!"

Marika: "O kaya Ice barrier para makahinga sila sa ilalim ng tubig. At hindi na nila magiging problema ang oxygen dahil sa lamig ng hangin mula sa yelo."

Nell: "Uhhh.....parang ganun na nga po."

Reysha: "Hoy!!! Lalaking sabog!!!!! Panu pala napunta sila Jett at Rhett kanina sa ilalim ng dagat?!!! Samatalang kasama natin sila sa Motor boat kanina?!!"

Nell: "Siyempre...lumundag sila sa tubig bago makarating ang alon sa pampang. Alam kasi nila na magagalit kayo sa kanila kaya....... tumakas na sila."

Reysha: "SINASABI KO NA NGA BA EH!!!!!! AAAAAAAAARRRRRRGGGHHH!!!!!!"

Rochel: "Reysha! Huminahon ka nga! Mahuhuli din natin sila!!"

Aileen: "Oo nga!! At pipilayin ko ulit si Jett kapag nakita ko sya!! Kasama na din yung bestfriend nyang sira ulo!!

Lyrica: "Nell, may paraan ba para masundan namin yung dalawang iyon sa ilalim ng tubig ha?!!"

Nell: "Eh.....masusundan nyo sila kung makakagawa din kayo ng Ice barrier."

Reysha: "Lyrica, may naiisip ka bang paraan?"

Lyrica: "Oo. At susundan natin sila sa ilalim ng dagat.

Nagkaroon ng ideya si Lyrica kung paano nila masusundan sila Jett at Rhett sa ilalim ng dagat. Mula sa pampang, naghanda si Lyrica ng ilang mga mahika at sinubukan ito kung gagana sa tubig dagat. Hanggang sa gumamit ng Wind, Ice at Barrier combination magic si Lyrica at sinubukan nyang lumusong sa tubig upang makita kung lulubog sya habang naglalakad sa tubig dagat. Ngunit lumutang ang Combination Barrier nya na parang isang Water balloon ride.

Reysha: "Nell!! Sasakalin kita kapag hindi mo ako sinagot ng tama!!!! Bakit hindi lumulubog yung Combination Barrier ni Lyrica sa tubig ha?!!!!"

Nell: "Eh.....Balloon kasi ang ginawa nya. Hindi dome."

Rochel: "Ano?! Dome?!"

Nell: "Oo. Dome. Bilog na hinati sa kalahati."

Lunabelle: "Alam namin yun, Nell!! Pero bakit Dome?!!!"

Archie: "Alam ko na!! Parang Diving bell!!"

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon