Nang tinawag ng MC ang numero ni Lyrica, agad na lumabas si Lyrica sa stage. Kasabay nyang lumabas sila Carl at Archie na dala ang mga gagamitin nyang Props tsaka bumalik sa likod ng stage ang dalawa.
Natuwa naman ang mga manonood ng makita nila si Lyrica sa kanyang Costume, dahilan para lalo pang humiyaw at mag-ingay ang mga ito.
Nang mapatugtog ni Albert ang background music para sa gagawing talent ni Lyrica, agad sinimulan ni Lyrica ang una nyang Trick. Ipinakita ni Lyrica sa mga tao ang kanyang itim na sumbrero kung saan, lumapit pa sya sa mga Judges upang patunayan na walang laman at walang pandaraya ang kanyang sumbrero. Nang maniwala ang Principal at ang Matanda, natatawa at nagtakip ng bibig naman si Lunabelle dahil sa alam nyang gagamit ng inkantasyon si Lyrica, agad namang naglabas ng kuneho si Lyrica at ibinigay ito sa Principal.
Muli na namang naglabas si Lyrica ng kuneho at ibinigay naman ito kay Lunabelle at pati na rin sa matanda. Namangha ang dalawang Judges sa ginawa ni Lyrica, ngunit nakabantay naman si Lunabelle sa performance ni Lyrica dahil sa alam naman nyang gumagamit ito ng mahika.
Muling bumalik si Lyrica sa Stage at ginawa ang pangalawang Trick. Ngunit sa pagkakataong ito, binago ni Lyrica ang kanyang gagawing Trick kung saan naglabas sya ng isang bowl ng mga itlog at ihinagis nya lahat sa ere. Paghagis nya, pumutok ang mga ito at naging mga ibon. Labis na namangha ang mga manunood at ang mga Judges. Sinunod namang ginawa ni Lyrica ang pagpapalutang sa tao na nakahiga. Agad niyang tinawag si Lunabelle sa harap ng stage upang humiga sa mesa.
Umakyat naman si Lunabelle tsaka siya humiga sa mesa. Nag-concentrate ng husto si Lyrica upang mapalutang si Lunabelle hanggang sa lumutang ito sa ere. Agad kinuha ni Lyrica ang Hula Hoop at ipinasok ni Lyrica si Lunabelle na butas nito. Tuluyan nang namangha ang mga Judges at ang mga estudyante ng makita nilang totoong limulutang si Lunabelle at walang tali.
Bago pa man ma-distract si Lyrica, agad nyang ibinaba ng dahan-dahan si Lunabelle sa mesa at sinabihan na tapos na ang kanyang Magic trick. Namangha naman si Lunabelle sa ginawang trick ni Lyrica tsaka sya bumalik sa upuan ng mga Judges. Bilang panapos ni Lyrica, ipinakita nya sa lahat ang hawak nyang mga baraha at ihinagis nya ito sa ere. Paghagis nya, biglang naging mga paru-paru ang mga ito sabay bow nya sa Audience.
Tuwang-tuwa at humuhiyaw sa mangha ang mga manunood na estudyante. Nagpalakpakan naman ang mga Judges sa kanyang ginawa. Matapos nun, nagsalita na ang MC.
MC: "WOW!!! Unbelievable!!! Paano mo nagawa yun?!! Tsaka sobrang natutuwa ang mga Audience sa ipinakita mo!!! So, mga Judges, anung masasabi nyo sa talent ni Candidate number 2?!!"
Principal: "Ang masasabi ko lang, nakakamangha talaga. Hindi ko maipaliwanag kung pano nya nagagawang magpalabas ng kuneho sa sumbrero nya samantalang wala namang laman? Pero natutuwa ako, dahil may unique talent akong natunghayan sa araw na ito."
Lunabelle: "Ang sa akin naman, talagang napaghandaan talaga nya ng maayos ang performance nya. At nakakamangha na hindi sya kinabahan sa ginawa nya. Kaya natutuwa ako, Lyrica, dahil tumataas na ang confidence mo sa sarili mo."
Sura: "Ang sa akin lang iha, gusto ko ang ginawa mo. Kaya naman........... MAGLABAS KA NG BARIL SA SUMBRERO MO!!!!! NANG MAIPADALA KO SA IMPYERNO ETONG MGA MAIINGAY NA BUWISET SA PALIGID!!!!!
Napangiwe na lang si Lyrica at pati ang mga tao sa BackStage. Napakamot na lang ng ulo ang pricipal dahil sa hindi maipaliwanag na asal nang matanda. Ganun pa man, nagsalita na muli ang MC upang mabaling ang atensyon ng matanda.
MC: "So, Guys! And Girls!! Bago pa man makahanap ng sandata ang isa sa ating Judge, ay magpatuloy na tayo sa ating Talent Portion!!! Anyway, Miss Candidate nunmber 2!! Salamat sa iyong ipinakitang talent ngayung araw. Maari ka nang bumalik sa likod ng Stage!! So!!! Guys! And Girls!!! Gusto nyo pa nang isa pang talent?!!!! Kung ganun, halika na sa stage!!!! Miss Candidate number 3!!!!! And give her another round of applause!!!!!!"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...