Samantala, pagdating nila Marika at Tyler sa Cottage house nila Rhett, agad silang pinaunlakan ni Beth at umupo sila sa sala. Pag-upo nila, agad nagsalita si Beth upang sagutin ang mga tanong sa isipan nila Marika at Tyler.
Beth: "Maraming salamat at dumalo pa rin kayo kahit na dis oras na ng gabi."
Marika: "Wala yun, Beth. Tsaka gusto din naman namin malaman kung panu mo nagawa ang pagbibigay ng mensahe o babala kay Lyrica kanina sa panaginip nya."
Beth: "Sige. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gaya ng dalagitang kasama nyo na si Lyrica, may dugo akong Babaylan at isa sa natural na kakayahan ng mga kagaya namin ang pakikipag-usap sa pamamgitan ng panaginip. Maliban sa paggamit ng mga mahika at orasyon."
Tyler: "Isang natural na kakayahan ng mga Babaylan?"
Marika: "Ibig mong sabihin, kaya din ni Lyrica ang ginawa mo kung gugustuhin nya?"
Beth: "Ang totoo, hindi. Pero para maabot ang ganung kakayahan, kailangan nya ng matindi at ilang taong pagsasanay bago nya matutunan ang ganung abilidad."
Tyler: "Ibig sabihin, ilang taon pa ang gugugulin nya bago matutunan ang kakayahang iyon. Madali lang sana kung magagamit nya na agad."
Marika: "Maliban po sa pakikipag-usap sa panaginip, panu nyo rin nalaman na may mangkukulam sa paligid?"
Beth: "Dahil naman iyon sa Blood tracing spell na natutunan ko, matagal na panahon na ang nakakaraan."
Tyler: "Eh si Rhett, panu naman sya nagkaroon ng kapangyarihan?"
Sandaling tumahimik si Beth upang isiping mabuti ang isasagot sa tanong ni Tyler.
Beth: "Sa kaso ni Rhett, mahabang kwento. Pero para maintindihan nyo, paiikliin ko na lang. Tulad ni Jett, nagtataglay si Rhett ng isang kapangyarihan na mula sa mga tinatawag na Tagapagbantay o Guardian beast. Ang mga Guardian Beast na ito ay may sapat na kapangyarihan upang paganahin ang mekanismo sa pagbubukas ng pinto sa ibang mundo. At ang tinutukoy kong mekanismo ay ang Magic circle na hawak ngayun ng mga Mangkukulam."
Marika: " Ito ba yung tinutukoy mong Magic Circle?"
Ipinakita ni Marika ang litrato ng kuha nya mula sa kanyang cellphone noong sya ay nasa Paradisio at kinumpirma naman ito ni Beth.
Beth: "Oo. Yan nga iyon."
Tyler: "At hawak na ito ng mga Mangkukulam?!!"
Beth: "Oo. Ngunit sa nakikita ko, hindi pa nila nakukumpletong mapuno ang batterya ng mekanismo, kaya pinagtatangkaan na naman nilang dukutin si Jett upang maisagawa nila ang kanilang plano."
Marika: "Pero bakit si Jett ang gusto nilang makuha? Dahil ba sa taglay nya ang lakas ng Minokawa."
Beth: "Oo, Marika. Dahil para lamang daw sa Minokawa ang mekanismong iyon."
Tyler: "Para sa Minokawa? Bakit? Maliban pa ba sa Magic Circle ng Minokawa, meron pa bang iba?"
Beth: "Oo. Meron pa. Yun ay ang Magic Circle ng Bakunawa. Kung saan, si Rhett ang nagtataglay ng kapangyarihan ng Bakunawa. Ngunit matagal ng sira ang mekanismong Magic Circle ng Bakunawa dahil pinagtangkaan din itong kunin ng mga Mangkukulam. Kaya sinira ng mga ninuno ko ang Mekanismo at wala ng pakinabang sa mga Mangkukulam ang kapangyarihan ng Bakunawa at ang Aklat ng Tala."
Tyler: "Ahhhh....kung ganun, Bakunawa pala ang taglay ni Rhett. Hmmm...."
Marika: "Teka?!! May isa pang Aklat?!!"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...