Kinaumagahan, pasado alas otso, magkatabing natutulog sina Reysha at Jett ng dumating si Marika upang bisitahin si Jett. Naintriga sya ng makita nya ang dalawa.
Marika: "Aba!! Ang sweet naman nilang dalawa. Magkatabi pa sila sa pagtulog ha. Hehehe!! Kunan ko kaya sila ng picture, para may remembrance ako."
Walang kamalay-malay ang dalawang natutulog na kinuhanan pala sila ng litrato ni Marika. Nagising naman Reysha dahil sa Flash ng android phone nito at umupo sa higaan ni Jett sabay nagpunas ng kanyang mga mata. Agad namang itinago ni Marika ang kanyang Android phone at binati si Reysha.
Marika: "Good Morning, Reysha."
Reysha: "Mmmm.......Good Mmorning po....."
Marika: "Kamusta naman ang pagbabantay mo kay Jett, kagabi?"
Reysha: "Mmmabuti naman po, Miss Marika."
Marika: "Naalala ko, pinapatanong sa akin sa text ni Lyrica kung gumana daw ba yung sinasabi nyang Potion na pampagising kay Jett?"
Reysha: "....Potion ng Pampagising....?"
Nang marinig ni Reysha ang tungkol sa Potion, naalala nya ang paghalik nya kay Jett sa labi. Pati na rin ang usapan nila na gawing opisyal ang kanilang relasyon. Ngunit nababahala naman si Reysha na baka pagpiyestahan naman sila ng pangangantyaw ng kanilang mga kaibigan at kaklase, sa oras na malaman nila ang tungkol sa kanilang relasyon. Kaya nagpalusot na lamang si Reysha kay Marika.
Reysha: Ah!! Opo! Gumana po Ma'am!! Sa katunayan po, malayo na po sa pagkaka-Coma si Jett. Pero kailangan pa nyang bumawi ng lakas, kaya po, hanggang ngayun ay tulog pa po sya."
Marika: "Sigurado ka? Kung ganun, OK lang ba na gisingin ko sya?"
Reysha: "Opo. Kayo pong bahala."
Tumayo si Reysha mula sa higaan ni Jett at umupo sya sa isang upuan na malapit sa maliit na drawer. Lumapit naman si Marika at niyugyog ang kanang binti ni Jett upang gisingin ito.
Marika: "Jett? Uy? Gumising ka na. Umaga na."
Jett: "Mmmmmm.......Reysha......yung labi mo....... parang cherry..........ang sarap...............halikan......mnmnmnnm..."
Marika: "Huh?! Anu daw?"
Biglang nanlamig at namumulang pinawisan si Reysha ng marinig nyang nagsalita si Jett sa pagtulog nito. Kinakabahan si Reysha dahil sa baka magtanong sa kanya si Marika, tungkol sa sinasabing halik na nabanggit ni Jett habang natutulog.
Reysha: (M-Mukhang si Jett pa ata mismo ang magbubuking ng aming relasyon sa lahat ng mga nakakakilala sa amin!! Pagpipiyestahan kami ng lahat kapag nalaman nila. Kailangan kong mag-isip ng palusot.)
Marika: "Uhh...Reysha? Anung ibig sabihin nung sinabi ni Jett kanina?"
Reysha: "Ah....ehh.....Baka nananaginip lang po sya. K-Kaya po nasabi nya yun."
Marika: "Nananaginip sya? Eh bakit ikaw ang napapanaginipan nya?"
Reysha: "Eh...Ma'am. Hindi ko po alam." (Please, Miss Marika. Maniwala na po kayo sa sinasabi ko.)
Marika: " Hmmm.......Pero in fairness, ha. Ikaw talaga ang napanaginipan nya. Siguro, namimiss ka nya, kaya ikaw ang nakikita nya sa panaginip nya."
Reysha: "Ah! Opo. S-Siguro nga po. Hehehe....." (Buti naman, naniwala sya sa palusot ko.)
Marika: "Subukan ko ulit syang gisingin."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...