CHAPTER 54: STAR BALL

31 3 0
                                    

Agad umalis sila Tyler, Marika at ang iba pang mga kaibigan nila Jett at Reysha upang hintayin na lang sila sa Clinic. Dumating naman sa Explosives room ang mga tao ni Tyler at inilagay sa Gurney si Jett. Sumunod naman si Reysha sa kanila. Pagdating sa Clinic ng Mansyon ni Tyler, agad tiningnan ng kanilang Doktor si Jett at gaya ng inaasahan, normal ang Vitals nito.

Doktor Sr: "Hmmm....kakaiba ito. Normal naman ang Blood pressure, Heartbeat, at pulso nya. Pero bakit sya nawawalan ng malay? Tsaka siya ba ang tinutukoy mo Boss na batang may kakaibang abilidad?"

Tyler: "Oo. Sya nga po, Dok."

Dorkor Sr: "Hmmm.....posible kaya?"

Tyler: "Bakit po, Dok? Anung naiisip nyo?"

Doktor Sr: "Parang katulad nya yung isang naging pasyente ko noon ah. Pero para makasiguro titignan natin ang Blood sugar nya."

Marika: "Katulad ang pasyente nyo noon? Dok?! May nakaharap na po ba kayong pasyente na katulad ni Jett?!"

Doktor Sr: "Oo. At yung pasyente kong iyon ay laging mas mababa ang kanyang Sugar level kaysa sa normal. Hinala ko ganun din sya."

Marika: "G-Ganun po ba? Hahaha......" (Akala ko yung pasyente nya, kagaya rin kay Jett na may kakaibang kakayahan.)

Doktor Sr: "Pero sa maniwala kayo't sa hindi, yung pasyente kong iyon, kaya nyang magpasabog ng mga bagay-bagay gamit ang tubig. Mula sa CCTV na nakita ko kanina, "Blaze" ang inilalabas ng kaibigan nyo. Kaya kabaliktaran sya ng dati kong pasyente"

Tyler: "Teka?!! Anu?!!"

Marika: "Seryoso po ba kayo?!!"

Albert: "May katulad si Jett ng kakayanan?!!"

Lyrica: "Pero tubig ang gamit nya?!!!"

Reysha: At nakakapagpasabog din sya ng mga bagay-bagay?!!

Nagulat sila Tyler, Marika at ang magkakaibigan, dahil sa napag-alaman nila mula sa Doktor ni Tyler na may kahalintulad si Jett ng kakayahan.

Doktor Sr: "Gaya ng inaasahan ko, bumababa nga ang Sugar Level nya kapag ginagamit nya ng husto ang kanyang kapangyarihan. Kaya ang maipapayo ko, pakainin nyo sya sa higit pa sa normal ang kanyang diet."

Marika: "Teka?! Sinasabi nyo po ba na kailangan nyang kumain ng doble sa normal nyang kinakain?!"

Doktor Sr: "Yun nga mismo!! Isipin mo, kung maglalabas ka ng kapangyarihan na kasing lakas ng isang bombang nuclear, mangangailangan ka ng napakaraming pampasabog, hindi ba? Kaya ganun din sya!!"

Carl: "Oo nga noh. May punto si Dok."

Doktor Sr: "Oh Siya!! Pagkagising nya, ipakain nyo sa kanya lahat ng mga gusto nyang kainin. Maiwan ko na muna kayo."

Tyler: "Salamat po Dok!!"

Pagkatapos silang payuhan ng Doktor, umalis na ito at pumunta naman sa kitchen room si Tyler upang magpahanda ng pagkain para kay Jett at sa mga kasama nya. Ganun pa man, hindi na sila nag-interes pang alamin kung sino ang taong tinutukoy ng Doktor at tumuon na lang sila sa pagkontrol ng kakayahan ni Jett.

Ilang minuto ang makalipas, nagkaroon na ng malay si Jett at handa na naman syang mag-sanay muli. Ngunit kumain muna sila ng pagkaing ipinahanda ni Tyler at pumunta sila sa Dinning Area bago magsanay muli si Jett. Pagkatapos kumain, handa na si Jett sa kanyang pagsasanay upang kontrolin ang kanyang kapangyarihan ngunit sa pagkakataong ito, kasama na nya si Reysha sa loob ng Explosives Area upang abisuhan sya sa kung anu ang dapat nyang gawin.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon