Kinagabihan, halos tulog na ang lahat ng mga tao sa buong resort, ngunit hindi makatulog si Jett. Kahit pa napakalambot ng kanyang hinihigaang sala at walang katabi, naisip nyang lumabas muna upang magpahangin.
Pagdating nya sa labas, pumunta sya sa tabing dagat at tumingin sa kawalan. Nang marinig niya si Rhett na tila nagsasanay sa kanyang kapangyarihan.
Rhett: "Haaaaa!! Water blast!!"
Jett: "Water blast?"
Sumabog sa di kalayuan ang itinirang bolang tubig ni Rhett
Rhett: "Tol!! Anung ginagawa mo dito?"
Jett: "Naglakad-lakad lang saglit. Hindi kasi ako makatulog."
Rhett: "Ba't hindi ka makatulog?"
Jett: "Mainit kasi pakiramdam ko kaya lumabas muna ako upang magpalamig."
Rhett: "Tol! Gusto mo bang makita ang mga natutunan ko sa paggamit ng kapangyarihan ko?"
Jett: "Sige ba."
Rhett: "Eto Water blast!"
Jett: "Nakita ko na yan kanina."
Rhett: "Eto!! Siguradong hindi mo pa ito nakikita."
Inipon ni Rhett ang tubig sa kanyang kanang kamao at isinuntok sa hangin. Pagsuntok nya, sumabog ang tubig sa kamao na parang isang bala ng shotgun.
Rhett: "Water shotgun!!"
Jett: "Ah....kaya pala water shotgun. Mala-shotgun ang sabog kapag tumama sa kalaban."
Rhett: "Hindi lang yan, Tol! Eto pa! Water slash!!"
Jett: Nakakahiwa ka na rin ng mga bagay?"
Rhett: "Hindi lang yan!! Kaya ko rin gumawa ng mga bagay na gawa sa yelo. Tingnan mo to."
Inilublob ni Rhett ang kanyang kanang kamay sa tubig dagat at ginawa nya itong yelo. Tsaka sya gumawa ng ispada mula sa yelo.
Jett: "Ang galing naman nyan Rhett."
Rhett: "Oo, Tol. Pero alam mo ba? Kaya kong gumawa ng kahit na anu, mula sa water ball ko basta hulmahin ko lang ang gusto kong sandata at gawin lang itong yelo......."
Mula sa hawak nyang water ball, humulma ng panangga si Rhett tsaka nya ito ginawang yelo. Kung saan namangha si Jett.
Jett: "Ice shield?!"
Rhett: "Ang galing, di ba?!"
Jett: "Oo. Ang galing nga, Tol!! Pero parang may malamig ata sa paanan ko."
Rhett: "Oo nga noh. Ako rin, anu kaya itong........"
Tumingin ang dalawa sa kanilang paa at nakita nila ang nagyeyelong tubig dagat na kanilang tinatapakan. Hanggang sa mapansin ni Rhett na aksidente nyang naitusok sa tubig dagat ang hawak nyang Ice Sword.
Rhett: "Ay.....Tol pasensya na. Hindi ko sinasadya na maitusok sa buhangin ang ginawa kong Ice sword. Binalutan tuloy ng yelo tuloy ang mga paa natin."
Jett: "OK lang, Tol. Ang kaso, nilalamig na ako. Pwede mo bang.....ibalik sa.....t-tubig yung g-ginawa mong y-yelo?"
Rhett: "Pasensya ka na, Tol. Hindi eh. Kaya kong gawing tubig yung yelo pero hindi ang yelo sa tubig."
Jett: "K-Kung g-ganon.....ak-ko naman ang magpap-pakita sayo ng k-kapangyarihan......ko."
Mula sa kaliwang kamay ni Jett, inilabas nya ang bolang enerhiya na kasing laki ng tennis ball. Namangha naman sa nakita si Rhett.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...