Sa kasalukuyan, matapos maikwento ni Tyler ang tungkol sa paano sila nagkakilala ni Marika, nagtatatalon at nagtititili ang tatlong babae sa sobrang kilig, nahihiya at napakamot na lang ng ulo si Marika dahil sa reaksyon ng tatlong estudyante nya. Maya't maya biglang pumasok si Reysha sa club dahil sa narinig nitong tili mula sa hallway.
Reysha: "Uy!! Guys! Anung nangyari? Bakit may narinig akong tili dito sa loob?"
Rochel: "Reysha! Buti dumating ka!! Halika!! Pumasok ka!! Kasama namin dito sa loob yung boyfriend ni Miss Marika!!"
Reysha: "Talaga?!! Kasama nyo sya?!! Ipakilala nyo din ako sa kanya!!!"
Pumasok si Reysha at ikinandado ang pinto sabay upo sa upuan. Nagising naman ang tatlong lalaking natutulog sa sofa dahil lakas ng tili ng tatlong babae. Kaya inilipat nila ang sofa malipit sa banyo at muling natulog.
Reysha: "Hi po!! Kayo po ba ang boyfriend ni Miss Marika?!!"
Tyler: "Ah...Oo!! Ako nga!
Marika: "Ehem!! Girls!! Boyfriend ko sya noon."
Reysha: "Eh mukha naman po syang natutuwa kapag sinasabi po naming boyfriend nyo!"
Marika: "Girls, hindi nyo kasi alam kung anu ang mga sumunod na pangyayari."
Tyler: "Napag-usapan na din lang ang mga susunod na pangyayari, Marika, gusto kong makinig ka ng mabuti sa ipapaliwanag ko dahil matapos yung prom, yun na ang araw kung saan tinanong ako ng tatay ko na magdesisyon ako ng mabuti."
Marika: "Matapos yung......Prom noong 4th year?!"
Tyler: ".....Oo..... Isang tanong na hanggang ngayun, nagdadalawang isip pa rin ako......"
Flashback:
Matapos ang gabi ng Prom kung saan masaya sina Marika at Tyler, biglang dumating ang tatay ni Tyler upang sunduin sya pauwi.
Tatay ni Tyler: "Anak, buti na lang, at naisipan kong sunduin ka. May kasama ka pa lang babae? Syota mo ba sya?"
Tyler: "Ah....eh....anu po, Tay.. ahh....Opo."
Tumitig ang tatay ni Tyler sa kanilang dalawa ni Marika at tila hindi natutuwa ang kanyang tatay. Nagsalita naman si Marika upang hindi maging mabigat ang tensyon sa pagitan ng mag-ama.
Marika: "Ah....Hi po. A-Ako po si Marika. G-Girlfriend po ako ng anak nyo."
Sandaling hindi nagsalita ang tatay ni Tyler hanggang sa inalok nya si Marika na sumakay ng kotse at ihatid siya pauwi sa kanyang bahay.
Tatay ni Tyler: "Alam mo, anak. Ihatid ko na lang kayo nang syota mo sa mga bahay ninyo at baka may gawin pa kayong milagro. Dahil ang babata nyo pa. Halika na, iha. Ihatid ka na namin sa bahay nyo."
Marika: "Ah...Opo. Salamat po"
Sumakay ang magsyota sa kotse ng tatay ni Tyler at ihinatid na muna si Marika sa kaniyang bahay. Habang nasa biyahe, sandaling nag-usap sina Marika at Tyler sa likod.
Tyler: "Marika, pasensya ka na kay tatay ha. Eh sobrang seryoso kasi nyan kaya ganyan sya makapagsalita."
Marika: "O-OK lang, Tyler. Mukha naman syang mabait. Tsaka nag-aalala lang siguro sya sayo kaya ka nya sinundo. Uhm....naisip ko lang, may kaya naman pala kayo sa buhay, pero bakit pinag-aral ka ng parents mo sa public school?"
Tyler: "Gusto kasi ni Tatay na laging nagtitipid. Nung malaman nyang mura ang tuition sa Selma Pioneer School, dun nya ako inenroll."
Marika: "Kung ganun, masinop din pala sya ha."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...