Matapos ang duwelo nila Aileen at Jett, nagkamalay na si Aileen sa loob ng Clinic at nakabantay naman si Lyrica sa kanya. Nang makita nya si Lyrica, inilayo nya ang kanyang tingin rito, ngunit nagulat sya ng yakapin pa sya ni Lyrica.
Lyrica: "Aileen!! Buti naman at gising ka na!! Akala ko dadalhin ka pa namin sa Ospital!! Sobra akong nag-aalala sayo!!"
Aileen: "Lyrica!! Anu sa tingin mo ang ginagawa mo?!!"
Lyrica: "Aileen!! Best Friend pa rin kita!! Kahit na galit ka sa akin!! Sobrang nag-aalala ako kanina dahil pwede ka daw mapatay ni Jett sa ginawa nya sayo!!! At masaya ako ngayon dahil gising ka na!!"
Nang marinig ni Aileen ang mga sinabi ni Lyrica sa kanya, tila nakonsensya sya sa kanyang ginawa na pag-iwas sa kanila. Ngunit may sama pa rin sya ng loob kay Lyrica. Kaya sinabihan nya ito.
Aileen: "Lyrica, nagpapasalamat ako sayo dahil nagawa mo pa rin akong tanggapin bilang kaibigan mo. Pero, kung maalala mo yung desisyon ni Albert noong Foundation day, nasasaktan pa rin ako kapag naalala yun kaya naman....."
Jett: "Tama na yan!!!! At tumayo ka na jan sa hinihigaan mo!!!!! Pumunta na kayo sa Camera club at doon natin pag-usapan yan!!!! NGAYON NA!!!!"
Nagulat ang dalawa nang nakikinig pala sa labas ng kurtina ng Clinic si Jett at galit na galit ito.
Lyrica: "Jett!! K-Kanina ka pa jan?!!"
Jett: "Oo!! At tumayo ka na jan, Aileen!!"
Aileen: "Jett. Kagigising ko lang. Hindi mo ba nakikita?"
Sa sobrang pagmamadali ni Jett na mag-usap ang apat sa loob ng Camera club, hinila nya ng malakas si Aileen at sabay nyang itinulak ang dalawang babae palabas ng Clinic. Naaktuhan namang naabutan ni Jett na sinusubukang tumakas si Carl palabas ng pinto ng Camera Club kaya hinampas nya ulit ito gamit ang kanyang saklay ng kaliwang kamay.
Pinapasok nya ang tatlo sa loob kung saan nakaupo at naghihintay sa mesa sina Archie, Albert, Reysha at Rochel. Abala naman si Lunabelle na nag-eedit sa kanilang Computer. Tsaka pinaupo ni Jett ang tatlo upang magharap sa mesa. Nang makaupo na ang tatlo, ikinandado ni Jett ang pinto at kinuha nya ang upuan tsaka sya umupo mismo sa may pinto.
Jett: "Ngayon, kayong apat. Gusto ko ng malinaw na paliwanag kung bakit kayo nag-aaway. Simulan natin sayo, Albert. Bakit si Lyrica ang pinili mong maging GF?"
Albert: "Aileen, pasensya na pero eto ang dahilan ko. Mula noong pasukan, nagustuhan ko si Lyrica dahil aksidente nya akong nabangga at tumilapon ang kanyang salamin. Noong oras na iyon, lumapit sya ng husto sa akin ng walang salamin at nabighani ako sa mukha nya. Kaya dun ko sinimulang kilalanin si Lyrica."
Malungkot ang naging reaksyon ni Aileen sa sinabi ni Albert sa kanya at tila naiinis siya dahil hindi nya nakilala ng maaga si Albert.
Reysha: "So, ibig mong sabihin, gusto mo na si Lyrica simula noong pasukan?"
Albert: "Oo, Reysha."
Jett: "Aileen, kailan mo naman nagustuhan si Albert? Akala ko ba si Carl ang gusto mo?"
Carl: "T-Teka?!! May gusto si Aileen sa akin?!!!"
Aileen: "Oo. Pero noon yun, Carl. Dahil nagsawa na ako sa paggiging makasarili mo. Puro kasi pangchichicks ang ginagawa mo at hindi mo ako napapansin. Kaya lumapit ako kay Albert at sinimulan ko syang magustuhan ng pinapansin nya ako sa mga sinasabi ko at lagi syang nag-aalala para sa ikabubuti ni Lyrica. Noong matapos ang Pageant, nagtapat ako ng nararamdaman kay Albert dahil akala ko, ako ang pipiliin nya dahil madalas nya akong pinapansin. Pero nagkamali ako sa inakala ko at pinili nya si Lyrica. Kaya sumama ang loob ko sa kanila!!!!"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...