CHAPTER 86: A CHRISTMAS CAROL

28 5 0
                                    

Matapos pag-usapan sa chat ang gagawing pangangaroling nila Carl, Aileen, Reysha at Jett, nagkita ang mga ito sa harap ng apartment ni Jett.

Jett: "Gaya ng nakagawian, kumpleto na ba ang lahat?"

Reysha: "Present!"

Aileen: "Ako din!"

Carl: "Jett, hindi ba nangangagat ang aso mo? Kanina pa nya inaamoy ang binti ko."

Jett: "Wag kang mag-alala. Hindi nangangagat yan. Naninipa lang yan ng tao."

Carl: "A-Anung nanini-!!"

Matapos amuyin ng aso ni Jett si Carl, bigla itong tumayo sabay lundag at sinipa si Carl sa mukha. Pinagsisipa ng aso si Carl hanggang sa magmaka-awa ito na patigilin ni Jett ang kanyang aso. Napangiwe naman sa nakita ang dalawang babae.

Jett: "Carl, mukhang ayaw sayo ng aso ko. Kaya nya ginawa yan sayo."

Carl: "JETT!!! TULUNGAN MO AKO!!! PATIGILIN MO ANG ASO MO!!!!!"

Jett: "Bullpit, tama na yan!! Pumasok ka na sa loob!!!"

Bullpit: "Bark!! Bark!!! Babababark!!! Bark!!"

Aileen: (Wow. Ang wierd ng aso.)

Agad namang pumasok sa loob ng Apartment ni Jett ang kanyang aso.

Jett: "Carl, pagpasensyahan mo na yung aso. Talagang ganyan yan."

Carl: "Pambihira!!!! Aso ba talaga yun o dating tao?!!! Sa galing ng pagsipa ng aso mo, halos ipadala na ako sa ospital!!!!!!!

Jett: "Anyway, Guys! Simulan na natin mangaroling. Maraming pang mga bahay ang kailangan nating i-caroling.

Reysha: "Oo at nakahanda na ang aking tambourine."

Aileen: "Pati rin yung akin!!"

Carl: "Handa na rin ang aking golden voice."

Jett: "Oo na. At umalis na nga tayo!!"

Umalis ang grupo, palayo sa bahay ni Jett at nagsimula silang mangaroling sa ilang mga bahay. Nakaipon na rin sila ng mga tig-bebente at ilang mga barya mula sa mga nadadaanan nilang mga bahay. Hanggang sa marating nila ang bahay ni Archie.

Lahat: "Jingle bells, jingle bells
Jingle all the way!!!!!
Oh, what fun it is to ride!!!!
In a one horse open sleigh!!!!
Hey!!!!! Jingle bells, jingle bells
Jingle all the way!!!!!!
Oh, what fun it is to ride!!!!
In a one horse open sleigh!!!!"

Maya't maya, may narinig na nagsisigawan mula sa loob ng bahay ni Archie ang grupo ni Jett.

????: "Albert!!!!! Bigyan mo nga ng barya yung mga nangangaroling!!!! Nakakadistorbo sa ginagawa ko!!!!!"

Albert: "Uncle Arman!!! Pasensya na!!! Wala po akong barya!!!"

Arman: "Archie!!!!! Bigyan mo nga ng barya yung mga nangangaroling!!!!!!"

Archie: "TAY!!! NASA CR PO AKO!!!!"

Arman: "Pambihira naman kayo oh!!!!!!! Sige!!! Ako na nga!!!!!!"

Biglang sinipa ng tatay ni Archie ang kanilang pinto na syang dahilan para masira ito. Nang makita si Jett, natameme si Arman. Napangiwe naman ang mga kasama ni Jett sa ipinakitang pag-uugali ng ama ni Archie.

Arman: "Teka?!!! Ikaw pala yan Jett!!!! Akala ko, ibang mga bata ang nangangaroling dito sa bahay!!!"

Jett: "Mang Arman, sinira nyo na naman po ang pinto ninyo."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon