CHAPTER 49: DUWELO

31 3 0
                                    

Matapos sabihin ni Jett ang kanyang kundisyon para labanan ang Karate Master, nagulat naman ang mga alalay ng Master sa naging desisyon nito.

Karate master: "Pasensya na pero hindi kita lalabanan."

Jett: "Bakit naman hindi?!! Natatakot kang lumaban sa pilay ha?!!!"

Karate master: "Hindi sa ganun, Jett. Pero nag-aalala ako na kapag nalaman ng kapatid mong Triple Black Belt Champion na si Unbeatable Marco, na ako ang bumugbog sayo, sigurado akong Sementeryo ang aabutin ko."

Karate student 1: "A-ANU?!!!"

Karate student 2: "T-Triple Black Belt Champion?!!!!!"

Karate student 3: "Y-Yung kapatid ni Jett?!!!!"

Jett: "Parang nagulat ata kayo?"

Karate master: "Yung mga kasama ko, Oo. Pero ako hindi at ayaw kong ma-invovle ang pangalan ko at pati na ang iba pang mga members ko sayo. Kaya naman napagdesisyonan ko na si Aileen ang lalaban para sa Karate club dahil kayo naman ang may alitan sa kanya. Kaya sya ang lalabanan mo mamaya pagkatapos ng klase sa Club room namin."

Aileen: "A-Anu?!! Teka?!! Master?!!!"

Jett: "Payag ako. Same ang kondisyon ko kanina."

Aileen: "Teka?!! Jett!!! Nababaliw ka na ba?!!

Jett: "Di ba, Aileen, ayaw mong magboluntaryong bumalik sa Camera Club? Kaya kailangan mo akong patayin kung gusto mong manatili sa bago mong Club."

Aileen: "Jett!! Ayokong bumalik sa club!!! At ayoko din na saktan ka!!! Wala ka namang atraso sa akin!!! Kaya bakit kita lalabanan?!!!"

Jett: "Simple lang, nagtiwala ako na hindi kayo aalis ni Carl sa Club natin. Akala ko pagbalik ko, nandun pa kayo sa club. Hangga't sa nalaman ko na umalis kayo dahil sa...........BUWISIT NA LOVE QUARREL NYONG APAT!!!!!! KAYA LALABANAN MO AKO MAMAYA!!! SA AYAW O SA GUSTO MO!!!!!!!!"

Agad umalis si Jett mula sa mesa ng Karate club at tila nagsisisi si Aileen na umalis pa sya sa Camera club dahil makakalaban nya ang tao na wala namang atraso sa kanya.

Karate master: "Aileen, mukhang galit na galit sya at hindi ka nya aatrasan, kahit na may pinsala pa rin sya sa katawan. Anu na sa tingin mo ang gagawin mo ngayun?"

Aileen: "H-Hindi ko po alam."

Karate master: "Kung anu man ang mangyari, maghanda ka na lang."

Matapos hamunin ng 1 on 1 ni Jett si Aileen, galit namang nakipag-usap si Reysha kay Jett.

Reysha: "Jett!!! Anu ba sa tingin mo ang iniisip mo ha?!!!! Talagang hinamon mo pa rin ang Karate Club kahit na si Aileen ang makakalaban mo?!!!"

Jett: "Oo bakit?!! May naiisip ka bang ibang paraan?!!!"

Reysha: "Pwede naman natin kumbinsihin na bumalik si Aileen sa Club ng hindi kayo naglalaban!!!"

Jett: "Para sabihin ko sayo, Reysha, hindi ganyan ang pamamaraan ng Karate club sa pakikipagkundisyon sa mga bagay-bagay. Kailangan mo talaga silang hamunin sa dwelo kung gusto mong matupad ang kundisyon mo sa kanila."

Reysha: "Kaya lalabanan mo si Aileen kahit na alam mong hindi ka nya sasaktan?!!!"

Jett: "Oo."

Reysha: "Aba!!!! Grabe ka!!!!"

Sakto namang tumunog ang bell para sa mga klase nang pang hapon. Bumalik naman sa kanilang Classroom ang mga magkakaibigan maliban sa magpinsan dahil dinala nila si Carl sa Clinic. Makalipas ang ilang minuto bumalik ang magpinsan dala si Carl na puno ng Benda sa mukha at sa iba't ibang parte ng katawan nito tsaka sila umupo at nakinig sa klase. Kinakabahan naman si Aileen sa kanyang upuan dahil pagkatapos ng klase ay maglalaban sila ni Jett sa kuwarto ng Karate Club.

Matapos ang klase ng mga estudyante sa hapon, dumating na ang oras na magdudwelo sina Jett at Aileen sa Karate club. Sumama sina Lyrica, Rochel, Reysha at ang Magpinsan pati na rin si Carl upang manood sa magaganap na dwelo. Pagdating ni Jett sa Karate club, ipapasuot sana kay Jett ang Protection gear, ngunit tumanggi si Jett na gamitin ito. Nagulat naman ang mga members ng Karate club sa pagtanggi nito.

Karate student 3: "Jett!!! Magpapakamatay ka ba?!!! Bakit ayaw mong isuot ang Protection gear mo?!!!!"

Jett: "Gusto kong maramdaman kung malakas naman sya sumuntok."

Karate student 3: "Malakas sumuntok si Aileen, Jett!!! Kaya nga sya nakapasok sa Club namin!!"

Jett: "Eh di mabuti."

Karate student 3: "Hay!! Bahala ka!!!!"

Matapos maghanda, agad lumapit sa gitna si Jett na pilit naglakad na wala ang kanyang saklay sa Combat Ring ng Karate club. Ilang segundo ang lumipas, lumapit na rin si Aileen at suot ang kanyang karate outfit. Agad silang pinagharap ng Karate master sa gitna upang simulan ang kanilang laban. Nagtitigan ang dalawa ngunit si Aileen ang unang lumingon palayo kay Jett. Hanggang sa sinimulan ng Karate Master ang laban.

Nagulat si Aileen ng biglang isinipa ni Jett ang kanang paa nito at tinamaan sya sa sikmura. Nakakagulat ang biglang pagsipa ni Jett dahil hindi nila inasahan na gagamiting pangbalanse ni Jett ang baling kaliwang paa nito. Natigilan si Aileen matapos maramdaman ang sipa ni Jett sa sikmura.

Aileen: (Grabe!! Ang lakas nyang sumipa!!! Kahit nakasuot ako ng Protective gear, ramdam ko ang lakas ng pagsipa nya.)

Jett: "Oh? Anung nangyari sayo ha?!! Akala ko ba ayaw mong bumalik sa Club ha?!!! Labanan mo ako ngayun kung talagang gusto mong manatili dito!!!!"

Matapos masipa si Aileen, pumosisyon na sya upang labanan si Jett nang mapansin nyang hindi gumagalaw si Jett sa kinatatayuan nito.

Aileen: (Hindi sya kumilos? Ibig sabihin ba nito, nasaktan din sya sa ginawa nyang sipa? Kung ganun, tatapusin ko na ang laban ng hindi na ako bumalik pa sa Club na iyan!!!)

Sumugod si Aileen at nagbitaw naman sya ng sipa kay Jett. Nailagan naman ito ni Jett ngunit pinasundan naman ito ni Aileen ng Back-kick sa ulo ni Jett. Akala ni Aileen matatamaan nya na si Jett nang isinangga ni Jett ang kaliwa nyang kamay. Natamaan si Jett ngunit hindi sya natumba. Sumugod muli si Aileen at sumuntok sya ng kanan diretso sa mukha ni Jett. Natamaan ang mukha ni Jett at bahagyang matutumba ito, kaya diretsong sumugod si Aileen dahil akala nya mananalo na sya sa laban nila.

Ngunit nabawi ni Jett ang kanyang balanse at sinabayan nya ang paparating na kanang suntok ni Aileen kung saan dumaplis ito sa mukha ni Jett. At ginamit namang panuntok ni Jett ang bali nyang kanan na kamay. Nagulat ang lahat ng biglang bumulagta sa sahig si Aileen at nagalit ang Karate master kay Jett.

Karate master: "Jett!!!! Alam mo bang delikado ang ginawa mo sa kanya?!!!!!! Pwede mo syang mapatay sa ginawa mo!!!!!!"

Jett: "Alam mo, kung away-kalye lang ito, kanina pa sya patay."

Albert: "A-Anu bang nangyari kanina?!!!! Bakit biglang bumulagta si Aileen?!!"

Karate student 1: "Nag-Counter sya ng upper-cut gamit ang nakaplaster nyang kamay sa baba ni Aileen. At lubhang napakadelikado yun. Lalo na kung baguhan sa Karate ang kalaban nya. Buti nga, daplis lang ang ginawa nya. Kung direktang tumama yun sa baba ni Aileen at idagdag mo pa ang kasing tigas ng bato na plaster nya, baka nasa Coma na si Aileen ngayun."

Lyrica: "H-Hindi po ba kayo nagbibiro sa sinabi nyo?!!!"

Reysha: "Grabe!! Jett, anu bang nangyayari sayo?!! Parang gusto mo atang patayin ang mga kaibigan mo ha?!!!"

Jett: "Panu ba yan, Master? Ako ang nanalo. Kukunin na namin ang mga gamit ni Aileen sa Locker nya. Tsaka kung anu ang napagkasunduan, yun ang dapat nyong gawin."

Karate Master: "Tama ka. At clean-hit ang ginawa mo sa kanya. Kaya gaya ng napagkasunduan, aalisin na namin si Aileen sa aming Club."

Jett: "Oy!! Kayong tatlo!! Buhatin nyo na si Aileen at dalhin nyo na sa Clinic. Kayo namang mga tatlong babae, kunin nyo na rin ang mga gamit nya sa Locker room!! Tapos na tayo dito."

Agad binuhat nila Carl at ang magpinsan si Aileen at dinala ito sa Clinic. Sila Lyrica, Rochel at Reysha naman, kunuha ang lahat ng mga gamit ni Aileen mula sa Locker Room ng Karate club. Tsaka sila nagpasalamat at umalis.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon