CHAPTER 35: BASEMENT

35 4 0
                                    

Pagdating sa loob ng building, sakto namang sa CR dinala ng Teleportation spell ni Lyrica ang kanilang grupo, ngunit hindi nila inaasahan na may naidagdag sa kanilang bilang.

Tyler: "Ayos!! Kahit papano, sineswerte pa rin tayo! Akalain mo! Sakto pang sa CR ng building na ito, tayo dinala ng Teleportation spell ni Lyrica."

Reysha: "Kaya nga po eh. Ang galing mong tsumamba, Lyrica."

Lyrica: "W-Walang anu man, Reysha."

Marika: "Tyler, nakakamangha ka talaga. Napakalakas talaga ng swerte mo pagdating sa mga sitwasyon ng tsambahan."

Tyler: "Sa tingin mo, Marika?

Albert: "Sa tingin ko, malakas lang po siguro ang swerte nyo, Mr. Tyler."

Tyler: "Hindi naman siguro, Al-!! Teka?! Sandali?!! Anung ginagawa mo dito Albert?!!!"

Reysha: "Oo nga, Albert!! Anung ginagawa mo dito?!!"

Marika: "Albert, di ba dapat kasama mo sila Rochel at Archie? At paano ka nakasama sa amin?!!"

Albert: "Guys! Wag sanang sumama ang loob nyo, pero gusto ko pong tumulong sa paghahanap kay Jett. Tsaka nagdala din ako ng dagdag na C4 sa aking bag, sakaling kulang ang dala ni Mr. Tyler."

Lyrica: "Albert, alam namin na yan ang idadahilan mo. Pero ang iniisip namin, paano ko nakasama sa amin?"

Albert: "Kinalawit ko ang sintas ng sapatos mo gamit ang alambre."

Tyler: "Kinalawit mo ang sintas ng sapatos nya?!! Ibig mong sabihin, pwede kang maisama sa Teleportation spell kahit na hindi mo direktang hawakan si Lyrica?!!!"

Albert: "Opo."

Tila napakamot ng ulo si Tyler dahil sa pakiramdam niya ay naisahan siya ni Albert sa pamamaraan nito upang makasama sa kanilang grupo. Dahil sa mapamaraan naman si Albert at kasama na nila ito sa loob ng building, wala ng nagawa si Tyler kundi ang isama ito sa operasyon nila.

Tyler: "Ngayun, nandito ka na rin lang, kanino mo gustong sumama? Sa akin o kila Reysha?"

Albert: "Kila Reysha po, Mister Tyler."

Tyler: "Ah OK. So Guys! Makinig kayo, babaguhin natin ng konti ang plano. Imbes na maglalagay kami ng C4 ni Marika dito sa Ground floor, ipapaubaya ko na lang iyon kay Albert habang hinahanap nyo ang basement. Kami naman ni Marika ang maglalagay ng C4 sa 1st floor. Pagkatapos namin malagyan lahat ng pader sa 1st floor, agad din kami susunod sa inyo sa Basement. At mag-iingat din kayo."

Reysha: "Opo! Mr. Tyler."

Matapos ang konting plano, maingat na lumabas ang grupo nila Tyler mula sa CR at sumunod naman ang grupo ni Reysha.

Habang nasa Hallway, agad sumalubong ang mga naka-tuxedong kalbo sa grupo ni Reysha. Sa galit at pagmamadali ni Reysha, pinalutang niya lahat ng mga ito at ihinagis sa mga pader at kisame. Si Lyrica naman, hindi na rin nagpigil at pinatamaan ng bolang apoy ang mga bantay kung saan mga taong putik lang naman pala ang mga ito. Abala naman si Albert sa pagtatanin ng mga pampasabog sa mga nadaanan nilang lugar.

Sina Tyler at Marika naman, abala na rin sa pagtatanim ng mga pampasabog sa may hagdan papuntang 1st floor at swerte namang walang mga bantay na nakapwesto sa kanilang dinaanan. Ngunit pagdating nila sa 1st Floor, biglang nagsidatingan ang mga lalaking kalbo at agad sumugod ang mga ito. Pinaputukan naman ni Tyler ng baril ang mga lalaki at sinabihan si Marika na magtago sa likod ng pader.

Umalalay naman si Marika kay Tyler at pinaputukan nya rin ng baril ang mga ito mula sa likod. Nang matamaan ni Marika ng bala ang mga ito, nag-alala sya nung una dahil sa pangambang makapatay sya ng tao. Ngunit nagulat siya nang makitang hindi pala tao ang mga ito at gawa sa putik na hinulma gamit ang mahika. Kung kaya't hindi na nag-alangan si Marika at pinagbabaril lahat ng mga ito.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon